Horror 3

323 5 1
                                    

Horror 3 - Bloody Camping

"Whohooooo!"

"Excited na ako!"

"Yeheyyy!"

Masaya ang magkaklase at magkakaibigang sina erika,lea at clarissa.Habang si ella ay nakatingin lang sa labas ng van at nakatulala.May camping silang magkakaibigan dahil patapos na ang klase at maghihiwalay na silang magkakaibigan kaya magbobonding sila para may memories sila bago sila maghiwalay.



"Luh!? Anong nangyari kay ella?" -- lea

"Oo nga,,ok ka lang ba?" -- clarissa


"Huy! Ikaw lang ang di jan excited,,di ka ba masaya?"biglang tanong ni erika kay ella kaya napatingin rito si ella't tumango.Si erika ang pinakaclose niya sa lahat ng kaibigan niya dahil kapitbahay niya lang ito at mabait ito sa kanya.Nagkakasundo rin sila kaya mabilis itong pakisamahan




"Hindi ako masaya dahil maghihiwalay na tayo"malungkot na sabi ni ella kaya biglang tumahimik ang magkakaibigan at niyakap si ella




"Gaga ka! Wag kang malungkot dahil forever tayong magkakaibigan" -- lea

"Wag mo ring isolo ang lungkot dahil malungkot rin kami pero dapat masaya tayo ngayon" -- clarissa

"Dapat masaya tayo ngayon dahil araw natin ngayon.Bonding natin ngayon kaya dapat masaya ang lahat para masaya rin ang camping natin" - erika



At dahil sa sinabi ng mga kaibigan niya ay nakaramdam siya ng saya.Hindi niya inakalang masaya pala magkaroon ng kaibigan katulad nila.Si ella kasi ang tipong tahimik lang sa tabi kaya ganon na lang ang saya niya ng magkaroon siya ng baliw at loka-lokang mga kaibigan.Kahit minsan ay nagkakatampuhan at nag aaway sila ay magkaibigan parin sila.Napamahal na siya sa kanila dahil para niya na silang kapatid.Marami kasing bumubully sa kanya dahil matalino,mabait at maganda siya kaya maraming nagkakagusto sa kanyang lalaki at naiinsecure sa kanya ang mga babae niyang kaklase.Palagi siyang tinatapunan ng papel habang nasa klase.Palaging may kumakalat na masamang balita tungkol sa kanya na.May isa nga'ng tinapunan siya ng ulam habang tahimik siyang kumakain sa cafeteria ng biglang dumating sina erika,lea at clarissa at tinulungan siya kaya simula noon ay kaibigan niya na ito.




"Huy! Ang lalim naman ng iniisip mo!"-- lea

"Ang tahimik mo pa!" -- clarissa

"Tahimik naman talaga siya pero ella may problema ka ba? Baka makatulong kami?"-- erika



Nginitian niya lang ang mga ito't niyakap.Gusto niyang bayaran ang lahat ng ginawa nila sa kanya.




"Ano ba kayo? Wala akong problema.Masaya lang ako dahil dumating kayo sa buhay ko.Masaya ako dahil naging kaibigan ko kayo"Tama..kailangan niyang maging matapang para sa kaibigan niya para maitanggol niya naman sila kung sakaling may manakit sa kanila.Kailangan niya namang magbayad sa kanila.Siya naman ngayon ang tutulong sa kanila.


*****

"Wow,,ang ganda naman dito!" -- lea

"Picture tayo dali!!!" -- clarissa

"Oyy wag niyong solohin.Dapat lahat tayo magkakasama! Ella halika dito magpipicture tayo!" --erika


Nag aayos ng gamit si ella nang bigla siyang tinawag ni erika para sa group picture kaya dali-dali niyang inayos ang gamit sa loob ng kanyang tent at dali-dali siyang lumabas ng tent at pinuntahan kung saan naroon sina erika



5 Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon