Horror 4 -- Ang manikang si monika
Lilipat ang pamilyang Gonzales sa isang bahay.Excited silang lahat makita ang bahay lalong lalo na ang pitong-taong gulang na si momo.
Pagkalabas nila ng trycicle ay nakita nila ang kabuuan ng bahay.Malaki ito ngunit luma.Walang pintura ang semento.May malaki at bakal na gate pero kupas na ang kulay nito.Pinapaligiran rin ito ng mga halaman at mahahabang damo.Halatang hindi na ito pinuputol
Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay malawak ito at maganda lalo na pag nilagyan ng pintura.May kabinet sa may gilid na puno ng libro.May hagdan sa may bandang kanan at may isang pinto naman sa gilid nito.Pagkapasok mo rito ay makikita mo ang kusina at katabi nito ang banyo.May tatlong pinto sa gilid.Sa bandang kaliwa ng kusina ay may pintong yari sa bakal at kapag binuksan mo ito ay may makikita kang malawak na bakuran sa likod ng bahay.May mga iba't ibang halaman at puno.May halaman ng lemon,papaya at sili.May puno ng avocado at guava.May makukulay rin na bulaklak sa paligid tulad ng sampaguita at rosas.Ang iba ay patay dahil bulok na ito at nanlalagas na ang mga dahon pero ang iba naman ay makukulay,masisigla pa.
Masayang masaya ang gonzales dahil bukod sa mura ang bili nila ay malaki at malawak pa.Kailangan nalang nilang linisin at pinturahan ang buong bahay para maging makulay at magandang tingnan ito.
Masaya rin si momo dahil maraming bata ang lumalaro sa tapat ng bahay na lilipatan nila.Marami siyang makakalaro ngunit sapat na sa kanya ang kalarong manika na si monika na napulot niya sa may hagdan.May mahaba at itim itong buhok.May malaking mata,matangos na ilong at manipis na labi.May kulay puti itong blusa at itim na palda at boots.Napakagandang manika nito sapagkat nakakatakot itong tingnan dahil parang may kakaiba sa mata nito.Meron ring string sa likod nito at kung hihilahin mo ito ay magsasalita ito.
Napakasaya ni momo dahil ngayon lang siya nagkaroon ng laruang maganda at mamahalin.Aalagaan at mamahalin niya ito sabi niya sa sarili
*****
"Momo?"ani ni merry na nakatatandang kapatid niya.Kanina niya pa hinahanap ang nakababatang kapatid dahil kakain na sila ng hapunan ngunit hindi niya ito makita.
Tumungo siya sa sala at nagulat siya ng makita niya ito na nakaupo sa hagdan habang may nilalarong manika
"Momo? Saan mo yan nakuha? Dapat hindi ka nangingialam ng gamit ng hindi sayo"sabi ni merry sabay kuha sa manikang hawak ni momo.Umiyak ito ng malakas at tumakbo papuntang kusina.Nagulat at nabitawan niya ang manika ng bigla itong magsalita
"Hello master i'm monika,,I'm bored let's play"
Napahawak siya sa dibdib ng bumilis ang tibok ng puso niya.Huminga siya ng malalim bago inilagay ang manika sa taas ng kabinet bago pumunta sa kusina.
Habang walang tao sa kusina ay gumalaw ang manika.Dahan-dahang bumaba sa kabinet at sinisiguradong hindi makakagawang ingay.Sumilip muna sa kusina at nakitang masayang nagkwekwentuhan ang pamilyang habang kumakain.Pasimple siyang pumasok sa isang pinto kung saan ang kwarto ni momo sabay higa sa kama nito
*****
Gabi na at lahat ng tao ay mahimbing ng natutulog.Nagising si momo dahil nakakaramdam siya ng uhaw.Napatingin siya kay monica na yaka-yakap niya sabay kausap rito
"Monika tulog ka muna dito ah? Iinom lang sandali si master"kausap niya rito at binitawan ito at inihiga ng dahan-dahan sabay lagay ng kumot rito.Ayaw niya kasing magkasakit si monica dahil mahal niya ito at pinangako niyang aalagaan niya ito.
Bumangon na siya at pumuntang kusina.Madilim ang paligid kaya hindi niya makita ang ref.Gusto niya man buksan ang ilaw kaso hindi niya ito abot.Habang kumakapa-kapa siya ay may bigla sa kanyang tumawag
"Master!"tawag ng isang matinis na boses.Patuloy parin sa pagtawag sa kanya ang nagmamay-ari ng boses hanggang sa marating niya ang tapat ng ref.Nagulat siya ng bumukas ang ilaw at nakita niya doon si monika na nakatayo habang may hawak na kutsilyo na may tumutulo pang dugo.Pinuntahan niya ito at kinarga
"Monika!? Sabi ko namang matulog ka muna doon diba? Pero salamat saiyo dahil binuksan mo ang ilaw at nahanap ko rin ang ref.Gusto mo bang kumain?"tanong ni momo kay monika.Dahan-dahan namang tumango si monika kaya napangiti si momo.Kanina niya lang nalaman na kaya palang lumakad at magsalita ni monika ng mag-isa kaya ganon na lang ang saya niya dahil may kausap siya at kalaro sa loob ng kanyang kwarto.
"Ayy ang amos mo na! Bakit may pula ang damit mo? At bakit ang lansa ng amoy mo? Halika papaliguan muna kita.Sa susunod wag ka nang makulit ah? Baka makita ka nina mama. Tsk tsk tingnan mo ang dumi mo na"sabi na lang ni momo sabay kuha sa kutsilyong hawak ni monika at nilinisan ito at nilagay sa tamang lalagyan sabay paligo kay monika.Nilabhan niya rin ang damit ni monikang malansa at kulay pula.
*****
"*hik* *hik* p-paano mo nagawa iyon monika!? *hik* K-kala ko ba kalaro kita!? B-bakit mo pinatay sina mama!? *hik* *hik* H-hindi na kita kalaro! H-hindi mo na ako master! *hik* H-hindi na ulit tayo magkikita! *hik* I-i hate you!"sigaw ni momo kay monica sabay lagay nito sa hagdan kung saan niya at nakuha.Nung umaga kasi ay nagtakha siya kung bakit walang tao sa sala at kusina kaya pinuntahan niya ang kwarto ng pamilya niya at nakita niyang patay ang lahat ng ito.Umamin sa kanya si monika na siya ang gumawa noon para daw hindi sila maghiwalay.Sinabi rin ni monika na narinig nitong balak nilang maglipat ng bahay dahil mas mura daw doon at mas maganda kaya pinatay niya sila.
Maraming dumating na pulis at ambulansya.Sumama si momo sa mga pulis dahil sabi ng mga ito ay dadalhin siya nito sa bahay-ampunan.Galit na galit siya kay monika dahil sa ginawa nito sa pamilya niya kaya kailangan niya na iyong iwanan.Kailangan niyang layuan ito bago siya nito mapatay
*****
××3 years later××
"Wow ang ganda naman ng bahay na ito mommy daddy"manghang sabi ng pitong-taong gulang na batang babae sa kanyang magulang.Napangiti naman ang mag-asawa sa sinabi ng kanilang anak
"Baby do you want to live here?"tanong ng kaniyang mommy kaya masayang tumango ang bata
"Don't worry baby.From now on we will live here"sabi naman ng daddy niya kaya napayakap ito sa mommy't daddy niya at tumalon sa saya
"Ma'am? Sir? Bibilhin nyo po ba? Kung oo po pakipirmahan po nito"sabi ng isang lalaki na tagabantay ng bahay
"Baby,,stay here ok? Babalik kami ng daddy mo may gagawin lang kami"sabi ng ginang sa kanya kaya't tumango lang siya at umalis naman kaagad ang mag-asawa
Nilibot ng bata ang paningin niya sa buong bahay hanggang sa mapa-dako ang tingin niya sa may hagdan at doon niya nakita ang isang manika.Maganda ito dahil may mahaba at itim itong buhok.Malaki ang mata,matangos ang ilong,at manipis ang labi.May kulay puti itong blusa at itim na palda at boots.
Kinuha niya ito ay napangiti siya ng makitang nakangiti rin ito sa kanya.Maya maya ay nagsalita ito
"Hello master I'm monica,,I'm bored let's play"
BINABASA MO ANG
5 Short Horror Stories
NouvellesLimang istoryang nakakatakot na dala lamang ng aking imahinasyon