Horror 5

241 1 0
                                    

Horror 5 -- Obssesion

"T-tulong! T-tulungan niyo ako!"sigaw ng sigaw si tessie habang pilit na kumakawala sa tali niya sa kamay at paa.Narinig niyang tinawanan siya ng mga lalaki na nag-iinuman sa gilid.Muli siyang napaiyak.




Gabi noong binilinan siya ng nanay niya na bumiling suka kaya lumabas siya at bumili sa tindahan ng bigla siya nitong isinakay sa van.Hindi niya alam kung bakit siya nito kinidnap.Wala naman siyang pera dahil mahirap lang siya.Wala rin siyang nakaaway.Wala rin siyang ninakaw o ginawang masama sa koawa o baka trinitripan lang siya ng mga ito.




"Grabe pare! Ang ganda pala ng pinakidnap ni boss"--- lalaki 1


"Oo nga! Ang puti at kinis pa! Ang sarap namang hawakan!"--- lalaki 2


"Oyy bawal kay boss yan!"--- lalaki 3


"Kanina ko pa gustong halikan ya'n pero alam niyo naman ang mangyayari sainyo oras na ginalaw niyo siya"--- lalaki 4




Napapikit siya't tahimik na napaiyak dahil sa narinig niyang usapan ng mga ito.Hindi niya alma kung sino ang nagpakidnap sa kanya.Ang alam niya ay wala siyang atraso kahit kanino




"Mga K-kuya! *hik* *hik* P-pakawalan niyo po ako *hik* m-maaawa po kayo sakin *hik* K-kailangan po ako ng n-nanay ko dahil m-may sakit po siya sa puso.M-mahirap lang po kami a-at w-wala po kaming pera"utal-utal na sabi niya dahil sa tinding takot at kaba na nararamdaman.Totoong may sakit sa puso ang nanay niya at natatakot siyang baka atakihin iyon sa puso oras na malamang nawawala siya.Kinakabahan siya dahil baka kung anong gawin sa kanyang nga mga lalaki.





"Alam mo miss nakakaawa ka pero kailangan namin itong gawin dahil ito ang tanging trabaho namin.May pamilya rin kaming binubuhay"--- lalaki 3


"Oras na pakawalam ka namin ay kami ang malilintikan"--- lalaki 1



"Oo nga! Papatayin kami ng boss namin"--- lalaki 2


"Wag nga kayong maingay! Nagpapaawa lang yan! At paparating na daw si boss"---lalaki 4



Nawalan siya ng pag-asa sa sinabi ng lalaki.Nagdasal siya ng ilang beses.Pagod na pagod na rin siya dahil sa sakit ng katawan niya sa kakawala sa tali pero alam niya namang hindi na siya makakawala pa.



May isang lalaki ang pumunta sa harap niya at may inilagay na panyo sa ilong niya.Alam niya kung ano iyon kaya inamoy niya na iyon para makatulog siya.Pagod na pagod na ang katawan niya.Naramdaman niyang bumagsak ang talukap ng mata niya at binaon na siya ng kadiliman.



*****

"Is she alright?"

"Oo naman boss! Nakakaawa nga eh"

"Ilang oras siya nagwala at naghingi ng tulong"

"Ayaw niya ring kumain kaya pinatulog nalang namin siya"

"Nilagyan rin namin ng busal ang bibig para hindi mag-ingay"



Nagising siya at napamulat ang mata niya dahil sa ingay na naririnig niya.Tumingin siya sa paligid at laking gulat niya ng makita niya sa harap ang dati niyang amo.Dati siyang katulong at itong ang amo niya.Palagi siya nitong kinukulit na magpakasal sa kanya.Gwapo ito at mayaman kaso may problema siya.Nalaman niyang na-obssesed ito sa kanya kaya umalis na siya at bumalik nalang sa probinsya kung saan siya lumaki.



Nagsumiksik siya sa gilid ng lumapit ito sa kanya.Nakita niya ang sakit sa mga mata nito.




"Tessie baby,,i miss you.Please go back to me.I love you so much and i will give everything you want so please marry me"naawa siya rito dahil hindi niya matugunan ang pagmamahal nito pero nagagalit rin siya dahil sa ginawang pagkidnap nito sa kanya



Umiling iling siya sa sinabi ng lalaki at napalitan ng galit ang mga mata nito kaya natakot siya at lalong nagsumiksik sa gilid.Binuhat siya nito at isinakay sa mamahaling kotse at nagsimula itong mag-andar



"Hmmm! Hmmm!"sigaw siya ng sigaw pero walang makarinig sa kanya.Bukod sa tinted ang kotse ay sound proof rin ito.Napaiyak siya at inuntig untog niya ang sariling ulo sa kotse.Gusto niya ng mamatay.Sumusuko na siya.



Naramdaman niyang huminto ang kotse pero patuloy parin siya sa pag-untog ng ulo niya ng bigla siya nitong hawakan at sampalin ng malakas.Tinanggal nito ang busal niya sa bibig at marahas siyang hinalikan.Pabaling baling ang ulo niya para maiwasan ang mapupusok na halik nito.



"Wtf!? You bitch!"sigaw nito at hahalikan sana siya ng umiyak siya at sinandal niya ang ulo niya sa dibdib nito.Halatang nagulat ang lalaki sa ginawa niya dahil naririnig niya ang malakas na pagkabog ng puso nito




"W-wag mong gawin ito *hik*hik* P-parang awa mo na"sabi nito habang umiiyak at lalong nagsumiksik sa dibdib ng lalaki.Naramdaman niyang marahas nitong hinawakan ang mukha niya at hahalikan sana siya ng sabihin niya ang matagal na nitong gustong marinig mula sa kanya.





"M-mahal na m-mahal kita t-theo"sabi niya at naramdaman niyang napatigil ito at napatingin sa mata niya.Tinanggal nito ang tali sa kamay at paa niya at yinakap siya ng mahigpit at buong puso niya naman iyong tinugon





"I-i thought y-you hate me.I-i t-though you d-dont love me"sabi nito habang yakap-yakap siya





"A-ang t-totoo niyan ay m-mahal talaga kita.A-alam mo ba tuwing s-sinasabi mong m-mahal mo ako ay n-nakapasaya ko.N-napakasaya ko tuwing kinukulit mo akong magpakasal kaso di tayo p-pwede d-dahil m-mayaman ka a-at m-mahirap lang ako.Palagi kitang sinasaktan at alam kong may dadating pang iba para mahalin ka at isa pa di tayo pwede dahil........"hindi na naituloy yung sasabihin ni tessie dahil nawalan siya ng hininga.May sakit rin siya sa puso at namana niya iyon sa nanay niya.






"T-tessie!? Fvck! T-tessie h-hold on!"natatarantang sabi ni theo pero bago niya pa paandarin ang sasakyan ay hinawakan na siya sa kamay ni tessie sabay sabing---






"P-pagod na ako theo.P-pakawalan mo na lang ako.May mahahanap ka pang iba maliban sakin na mamahalin ka at bibigyan ka ng masayang pamilya.Wag mong kakalimutang m-mahal na m-mahal kita-----"at doon na siya nawalan ng hininga't namatay




******************THE END********************

Horror na may pagka-sad ^__v

5 Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon