Horror 1 - Imagination
****
Nakabukas ang ilaw.Tumutulo ang tubig mula sa gripo.Rinig na rinig ang ingay nito ngunit hindi nag-abalang bigyan ng atensyon ito ni Aireen.Abala siya sa pagliligo sa bathtub habang nakapikit dahil dinadamdam niya ang sarap at init na dulot ng tubig.Pagod na pagod kasi siya sa trabaho niya.Isa syang call center agent at kakarating niya lang.
Ngunit hindi niya napansing dugo na pala ang tumutulo sa gripo imbes na tubig.Naramdaman niyang medyo lumapot ang tubig na dumikit sa balat niya at naamoy niya na malansa ang amoy nito.Sabi ng isip niya ay buksan niya ang kanyang mga mata at umahon ngunit sabi naman ng kabilang isip niya ay imagination niya lang iyon.
Naramdaman niyang gumalaw ang tubig at parang may dalawang matang nakamasid sa kanya.Katulad nga ng sinabi ng isip niya ay minulat niya ang kanyang mata at nagulat siya ng makita niya ang pamilyar at medyo katandaang babaeng nakaitim na may mahaba at itim na buhok habang ang mga mata nito ay sumusuka ng dugo habang nakatingin sa kanya
Dali-dali siyang umahon ngunit naramdaman niyang hinawakan siya ng babae sa paa at hinila palusong sa tubig.Nagpupumiglas siya habang nasa tubig ngunit sadyang mas malakas ang babae sa kanya.Naramdaman niyang medyo kinakapos na siya ng hininga kaya bigla niya itong sinipa sa mukha at dali-daling umahon.Bumaba siya sa tub nang bigla siyang madulas dahil sa dugong nakakakalat sa sahig
Dali dali siyang gumapang ngunit nakasunod na pala sa kanya ang babae sa kanya at muli nitong hinila ang kanyang paa.Nag-ipon sya ng lakas at buong lakas na sinipa ang babae sa kamay at katawan nito kaya tumalsik ito sa gilid ng tub
Dali dali siyang tumayo at hinawakan ang doorknob at pilit na binubuksan ito ngunit madulas ito dahil sa dugong nakakalat dito na nagmula sa kamay niya.
Naramdaman niyang nakatayo sa likod niya ang babae kaya napaupo siya sa may lababo at napasigaw at napapikit sa sobrang takot na nadarama.Ilang beses siyang nagdasal sa kanyang isip.Naisip niya rin na siguro ito na ang katapusan niya kaya tatanggapin niya na lang ang katotohanan na mawawala na siya sa mundo.
Habang sumisigaw ay may biglang humawak sa braso niya at niyakap siya kaya napatingin siya rito at laking gulat niya ng wala nang bakas ng dugo sa paligid at katawan niya at nasa harapan niya na ang kanyang ama.
Napayakap siya at napaiyak dahil sa takot sa nangyari kanina at saya dahil nasa harapan niya na ang ama.
Aireen's POV
Bigla akong hinatak ni papa papunta sa aking kwarto at maingat ako nitong pinaupo sa kama.Binigyan niya ako ng tuwalya at kape.Habang iniinom ito ay biglang nagtanong si papa
"Anak,,anong nangyari?"nag-aalalang tanong nito at napangiti lang ako ng mapait
"Papa nagpaparamdam nanaman sakin si mama.Muntik niya na akong lunurin sa bathtub na puno ng dugo.Mabuti nalang dahil nakaligtas ako at mabuti na lang dahil dumating ka kaagad dahil baka namatay na ako ro'n dulot ng takot"naiiyak kong sabi at naramdaman kong yinakap niya ako at tinapik-tapik ang likod ko.Ramdam kong nagaalala siya sakin.Ramdam ko rin ang pagmamahal na binibigay niya.Napakasaya ko dahil may ama akong katulad niya at nagpapasalamat ako sa diyos dahil nagbago na siya.Iniwan na kasi kami ni mama.Nagpakamatay sya dahil sa tinding galit niya kay papa.Babaero at lasinggero si papa noon.Laging nagtratrabaho si mama para samin pero kinukuha niya lahat ng ipon at sahod ni mama para sa babae niya.Nauubos ang pera namin dahil ginagamit niya iyon sa pagsusugal.Lagi niya rin iyon ginagamit para bumili ng alak at sigarilyo.Binubugbog niya rin si mama tuwing tinatago nito ang pera sa kanya.Hindi siguro nakayanan ni mama ang pang aabuso ni papa dahil pagkadating ko ng bahay ay naabutan ko si papa na nakaluhod na umiiyak habang hawak hawak sa bisig niya si mama na walang buhay at may nakataling lubid sa leeg
Galit rin siya sakin dahil ako ang dahilan kung bakit siya naghihirap.Nirape ni papa si mama at ako ang bunga noon.Mahirap lang si mama pero nadagdagan ang problema niya dahil saakin.Pinagaral niya ako pero palagi akong nag-cucutting at minsan nga'y nag-aabsent pa.Palaway rin ako at hindi gumagawa ng assignments,quizzez at projects sa school.Kaya palaging natatawag si mama sa school at nalaman ko nalang na tuluyan na pala akong pinaalis sa school.Wala nang pera si mama pang-tuition kaya galit na galit siya dahil sinayang ko ang pagkakataon na matupad ang pangarap ko.At yun ang pinakapinagsisihan ko at paligi kong sinisisi ang sarili ko pero alam ko namang huli na ang lahat dahil wala na si mama.Simula noon ay nagbago na kami at medyo umangat narin ang buhay namin ni papa.Si pala ay naging manager ng isang kilalang mall habang ako ay isang cal center agent.Nakapagpatayo na rin kami ng restaurant at sa iba pang branches.
"Sising-sisi ako papa sa ginawa ko dati.Hindi ko sinasadyang magawa iyo'n.Hindi ko sinasadyang suwayin siya.Hindi ko sinasadyang maging masamang anak sa kanya"sabi ko sa pagitan ng yakap namin ni papa.Naramdaman kong basa na yung balikat ko na tanda na umiiyak rin si papa.
"Sising-sisi rin ako na'k.Kung sana naging mabuti akong asawa sa kanya.Kung sana hindi ko siya niloko at sinaktan.Kung sana pinaramdam ko sa kanya ang pagmamahal na matagal niya nang hinahangad.Sana buhay pa siya ngayon.Sana kasama pa natin siya ngayon."aniya habang umiiyak.Alam ko namang nagsisisi si papa dahil nagtrabaho siya at pinalaki niya akong mabuti at husto.Dahil sa kasipagan namin ay nakapatayo na kami ng restaurant sa iba't ibang lugar.At si mama ang dahilan kung bakit kami umasenso.
'Ma,,patawarin mo sana kami ni papa.Alam kong hindi mawawala ng sorry ang galit mo pero sana malaman mong hindi namin sinasadya lahat ng ginawa namin.Kahit wala ka na sa tabi namin ay lagi kang nasa puso't isip namin,,wag mo rin sanang kalimutang mahal na mahal ka namin ni papa,,i love you mama'
Naramdaman kong bumukas ang bintana at umihip ang malakas na hangin.Sa pagdampi ng hangin sa balat ko ay nakaramdam ako ng saya dahil parang niyakap ako ni mama.
'Pinapatawad ko na kayo anak.Mahal na mahal ko rin kayo'
*******************THE END*******************
(A/U : Ooops imagination lang ang mga iyan.Ginawa ko ito dahil nag-rebelde rin ako nung highschool tapos nagkasakit si mama kaya nagbago na ako
ARAL : Wag niyo iyo'n gagawin para hindi mangyari sainyo iyan.Wag niyong hahayaang masaktan ang mama niyo dahil nagpakahirap sila para lang mapalaki kayo.Siyam na buwan kayong nasa tiyan ng mama niyo at palagi silang gumagawa ng paraan para maging malusog kayo.Kapag nakalabas na kayo sa tiyan niya syempre magpupuyat sila dahil umiiyak kayo at titimplahan kayo ng gatas tuwing madaling araw.Nagtratrabaho para mapag-aral kayo kaya wag niyo iyon sayangin para matulungan niyo rin ang mga magulang niyo.Mahalin niyo sila bago pa sila mawala dahil lahat ng tao ay namamatay kahit mayaman ka pa at bilhan mo pa iyan ng maraming gamot ay talagang mamamatay sila dahil walang matagal na buhay.May limitasyon ang buhay natin kaya gawin na natin ang lahat ng gusto nating gawin.
BINABASA MO ANG
5 Short Horror Stories
ContoLimang istoryang nakakatakot na dala lamang ng aking imahinasyon