Horror 2

488 4 0
                                    

Horror 2 - Bahay ni lolo Bernie

April's POV

Sa pagtapak ko palang sa loob ng bahay ni lolo bernie ay biglang umihip ang hangin at nagsitunugan ang mga chimes na nakasabit sa may pinto.Sa totoo lang nakaramdam na ako ng kaunting takot.Hindi ko alam pero parang misteryoso ang bahay na ito.Parang...parang may kababalaghan na nangyayari dito



Umiling ako sa naisip ko.Grabe baka kulang siguro ako sa pahinga.Wala man o meron ay kailangan ko paring maging matatag at matapang dahil kasama ko ang anak ko at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya at hindi ko iyon hahayaan.



Naramdaman ko ang maliliit na kamay ni lovely na yumayakap sa may paa ko.Paglingon ko ay nakatago ito sa likod ko habang nakatingin sa may pinto kaya tumingin rin ako at nakahinga ako ng maluwag ng naroon si manong boboy naghihintay sa may pinto.Siya ang tagabantay ng bahay ni lolo bernie.Mahigit isang taon ng patay na si lolo bernie at ngayon lang kami nakabisita rito.Naaalala ko pa noong pinagbubuntis ko palang si lovely ng pinagbilinan niya ako na wag kong papabayaan ang bahay.Ako lang kasi ang nag-iisang anak nina mama at papa at si lolo bernie na ama ni papa ang pinakaclose ko sa lahat ng lola't lolo ko.Gusto ko sanang bantayan ito pero kailangan kong alagaan at palakihin ang anak ko kaya binilin ko nalang ito kay manong buboy na pinagkakatiwalaan naming katulong.May isa pang kapatid si lolo bernie pero sabi raw ay ayaw naman nitong bantayan ang bahay.



"Ma'am pasok na po kayo"biglang sabi ni manong buboy kaya tumango at nginitian ko lang ito.Tsk kung saan saan kasi pumupunta ang isip ko



"Sige po manong susunod na lang po kami"sabi ko at tumango lang ito sakin at naunang lumakad papasok.Binalingan ko naman si lovely sa likod ko at hinawakan ko ang kamay nito.



"Baby pasok na tayo"sabi ko sa kanya at maglalakad na sana ako ng bigla niyang hinila ang kamay niya sa kamay ko at itinaas nito ang dalawa nitong kamay habang inaabot ag braso ko



"Mommy buhat"sabi nito at napatawa na lang ako't binuhat ito.Si Lovely ang anak ko at mag-dadalawang taon na ito pero marunong na kaagad itong magsalita.Makulit at madaldal din ito pero nagtataka ako kung bakit mahinhin at tahimik ito ngayon.Nakakalungkot dahil hindi nito nakita at nakilala si lolo bernie dahil mahilig pa naman yun sa bata pero alam ko namang masaya na siya ngayon kung naasan siya.



Pumasok nga kami sa loob at sumalubong saamin ang maliwanag at malawak na bahay.Bumaba na saakin si lovely at tumngin rin sa paligid.May malaki at maliwanag na chandelier ang nakasabit taas.May mga sofa ring kulay pula at lamesang gawa sa metal at mga makukulay na vase sa bandang gilid at mahahalata mong sa ibang bansa ito nabibili at sigurado akong mamahalin ito.May flat tv rin sa harap ng sofa.May makalumang cd at dvd ng mga kanta at meron ring makalumang movies katulad ng action at romance.



Sa labas ng bahay ay para itong makaluma ito dahil yari sa kahoy at wala itong kahit anong pintura pero sa loob ay maganda,makulay at malaki ito.



May isang hagdan sa may badang kanan at sa gilid  naman nito ay may pinto.May isa ring pinto sa kaliwa ng Tv.Namangha ako sa makukulay na paintings na nakasabit sa dingding.Meron ring family picture kung saan naroon ang si papa,lola amelda at lolo bernie na magkakasama.Meron ring picture noong kabataan palang sina lolo bernie at kapatid nito na magkasama.Meron ring family picture kung saan naroon si lolo bernie,kapatid niya at ang ama at nanay nila.Hindi ko inakalang natatago pa ito ni lolo bernie




"Ma'am kain na po kayo.Naghanda na po ako ng makakain sa kusina"sabi ni manong bernie kaya tinawag ko si lovely sa sala at sabay kaming pumuntang kusina.



Sa kusina naman'y may mga plato,baso,kutsara't tinidor.May mga makalumang jars rin pero malinis ito at makintab.Mabuti na lang dahil na dito sa manong buboy para linisan ang bahay.



Pagkaupo namin sa lamesa ay nakahanda na ang lahat.Nakalagay na ang mga gagamitin sa hapag-kainan.Nakalagay narin sa malaking bowl ang tinola at plato naman para sa isda.Meron ring nakahandang mga prutas at juice.Masasabi kong masarap ang luto ni manong buboy.Tahimik lang kaming kumain hanggang sa napagpasyahan naming umalis na ni lovely dahil medyo pagabi na.Tinulungan kong magligpit si manong buboy kahit ayaw nito at sabay kaming pumuntang sala kaso nagulat ako ng wala roon si lovely.



Narinig ko ang boses ni lovely na tumatawag saakin habang nakangiting tumatakbo papunta saakin.Dali dali ko naman itong binuhat at yinakap.



"Baby sa'n ka galing?"tanong ko at ngumiti ito saakin sabay turo sa pinto na nasa may bandang hagdan



"Mommy nakita ko lolo.Kausap ako lolo.Bigyan ako lolo kendi"masayang sabi ni lovely habang winawagayway ang lollipop na dala nito.Napakurap ako ng ilang bese sabay tingin kay manong bernie na nakangiti ngayon



"Ma'am wag kayong matakot.Miss na po siguro kayo ng lolo niyo kaya siya nagpaparamdam.Masaya lang siguro iyon dahil dumalaw kayo.Hinihintay niya po kasi ang pagdalaw niyo dahil gusto niya raw po kasing makita ang apo niya"nakangiting sabi ni manong bernie kaya napangiti na rin ako't tumingin sa may pinto at nakita ko ro'n si lolong nakasakay sa wheelchair habang kumakaway tapos maya-maya ay bigla nalang itong naglaho.



'Wag kang mag-alala lolo.Palagi na po akong dadalaw sainyo nang palagi niyong makita si lovelu.Miss ko na po kayo lolo.Sana po ay masaya ka kung nasaan ka man ngayon'


Umuwi kami sa bahay ng masaya at may ngiti sa labi.Simula noon ay palagi na naming dinadalaw ang bahay ni lolo bernie.




********************THE END******************

(A/U : Ganyan daw kasi ang nangyari sakin noong bata pa ako kaya sinulat ko dito.May lolo rin kasi ako noon kaso hindi ko na siya matandaan dahil bata pa lang ako noong mawala siya.Wala lang shinare ko lang hehe.



ARAL : Palaging bisitahin ang bahay ng lolo niyo.Joke ^__v. Symepre kahit wala na ang mga mahal natin sa buhay ay kailangang pahalagahan at mahalin parin natin sila.Kailangan parin natin silang bisitahin sa semeteryo.I-celebrate niyo rin ang death anniversary nila at kung pwede ay birthday rin hehe.

          

5 Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon