CHAPTER 14

1.5K 29 0
                                    

CHAPTER 14

NAKATINGIN lang ako sa bintana ng sasakyan habang si Akel ay nakayuko. Nakikita ko sa repleksyon ng bintana ang kanyang ekspresyon sa mukha.

"Why do I need to..." he murmured. I sighed.

"Bakit ba tayo nandito?" he asked. Hindi parin ako lumingon sa kanya.

"Talk to me, Ashterille Pelaez." he stated.

I slowly turned my head to his. Napatingin siya sa akin. Nabigla siya nang makita niya ang mukha ko.

"Wha- - why did you cry?" tanong niya at akmang pupunasan ang pisngi ko nang umiwas ako sa kamay niya.

Natigilan siya at napatiim bagang siya.

"I think we should go back, Akel. This is not right - -"

"Then, what is right, Ashterille? Huh?" I rolled my eyes on him. He gripped the steering wheel before he punched it. Nabigla ako sa kanyang ginawa.

"Yes, I fucked up! I did a lot of things, Ashterille. I did everything I need to do... To make it fine."
Napalunok ako sa kanyang sinabi. Ano ba ang pinagsasabi niya?

"It's been four years. Still the pain lingers inside me." he whispered. Pero kahit mahina ang pagkasabi niya ay rinig na rinig ko iyon.

"Akala ko ba, okay na kayo ni Eris. Bakit nandito ka? Bakit hindi ka na lang bumalik sa Pilipinas, Akel? Ano ba ang kailangan mo? Kung ang mga bata, fine, you can vsisit the twins - -"

"This is not about our children, Ashterille. It's about us!"

Kumunot ang nuo ko. Nalilito sa kanyang sinasabi.

"What did you say? Us? Hoy, FYI walang us, kaya pwede ba umalis na tayo at bumalik - -"

"Then ask me! Ask me, Ashterille!"

Hinampas ko siya at sabay doon ay pinigilan niya ang mga kamay ko.
Napasinghap nang lumapit siya sa akin at tila parang binuhusan ako nang malamig na tubig nang isang dangkal na lang ang distansya ng mukha namin.

"Then ask me why, Ashterille. Ask me why did I came here. Why did I have to go here, why did I even choose to leave the country and find you and our children? Ask me why."

Slowly, he put his both hands on my face. He held it tenderly as if I am a fragile thing.

Napayuko ako dahil hindi ko makakayang tingnan ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Para bang hinahamon niya ako. Parang gusto niyang malaman kung ano ba ang tunay kong nararamdaman.

"I searched and stayed. I left and waited. And it was all because of you, Ashterille. You made me stay. It's like you are now my home. I am totally crazy looking for my home and now you're here - - beside me. I am now home."
He said then kissed my forehead. Hindi kaagad ako tumutol dahil bigla-bigla ang ginawa niya.

"No matter what, I am here Ashterille."

I shook my head.

"This is not right, Akel." lumabas ako ng kotse at agad siyang sumunod sa akin.

Bumungad sa akin ang munting snowflakes sa mukha ko. Roon, gininaw ako.

Ask me Why (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon