CHAPTER 5

1.3K 25 0
                                    

CHAPTER 5

Ang akala koy makakauwi kaagad ako sa Pilipinas nang matapos ang meeting sa Italy. Simpleng meeting lang naman na kailangan ang mga matataas na tao sa industriya. Bless, because I'm one of them. Hindi ko na halos makontak si Julien at sina Oliver at Roxy. May anak na rin si Oliver. Hindi niya kaagad nasabi dahil madami siyang inaasikaso.

Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin kapag lumaki na ang tiyan ko. I am aware na lahat ng tao ay judgmental.

Kaya pinag-isipan kong doon na lang muna sa Palawan at isasama ko roon si Aunte Ave. Siya na lang ang natitira kong pamilya. At nagpapasalamat ako sa kanya sa walanghumpay na intindihin ako.

I even saw Akel and Eris wearing a smile on their faces. Sikat na sikat si Eris ngayon dahil siya lang naman ang gumagawa ng food packaging sa aming batch. Even si Akel na laging may quota sa pagdesign ng bagong planta o machine.

They're perfect for each other. I sighed. I gently press my hand on my stomach.

"Good morning baby, are you fine in there? Is mama give you a lot of food to eat?"
Humagikhik ako doon. Ewan ko ba. Minsan kinakausap ko na lang ang tiyan ko. Kahit alam kong hindi naman magsasalita ang nasa tiyan ko. Excited na rin akong manganak at kahit takot akong umiri ay okay lang basta may taong magbibigay ilaw sa buhay ko.

"Ma'am A, Sir Craige is calling." Reina informed me. I nodded my head.
She gave me the phone and left me in my room.

"How's your day? Is the baby fine?" he said. I reluctantly answered him.

"Yes, how about you? Okay ka ba?"

"Not really, nagkaproblema kasi dito."
Aniya. Nagtaka ako doon.

"Huh? Bakit?" agad akong nagtanong sa kanya.

"Akel and Eris separated. I don't know when did it happened. All I want to know is why." hindi kaagad ako nakapagsalita. Pinuproseso pa ng utak ko kung ano ang sinabi sa akin ni Craige.

"Akel was the one who wanted to back off. I didn't know why and we were caught off guard because all we thought Akel madly in love with Eris."
Totoo ang sinabi ni Craige. Lahat gagawin ni Akel para kay Eris. Gusto ko rin malaman kung bakit pero hindi ko pa gustong makita si Akel.

"Siguro, may dahilan siya..."
Iyon lang ang nasabi  ko. Nagpaalam na lamang ako sa kanya na may gagawin ako.

"Ashterille,"
Napalingon ako kay Aunte Ave. Walang ngiti sa labi. Sobrang seryoso niya.

"Ano po iyon?" agad kong tinanong siya. She then took my hand.

"Malalaman at malalaman ng lalaki na may anak siya sa'yo, hija." bumilis ang tibok ng puso at parang sumabay ang pintig ng puso ni baby.

"Sa katunayan, may lalaking nag-abot sa akin nito, hija."
Napatingin ako sa kanyang kamay. May isang bond paper na nakatupi.

"Sana sa malaman mo, nandito lang ako."
Aniya saka iniwan ako. Lumabas ako at tiningnan ang buong dagat ng isla. Napakagandang tanawin. Humihili ang buong sistema ko pero hindi ako makampante sa hawak kong nakatuping papel.

I gently sat on the wooden chair. Agad kong tiningnan ang nasa papel. Una naguluhan ako. Pero sa nabasa kong sulat ay tila naging malinaw sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. Ano ito?

Hinanap ko kaagad si Aunte Ave. Nagulat siya kung bakit lakad takbo ang ginawa ko para maabutan siya.

"Hija, huwag kang tumakbo. Alalahanin mong buntis ka." aniya. Umiling ako.

Ask me Why (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon