NAKATINGIN lang ako sa Kisame, Putek! Ba't hindi ako makatulog? Nagwawala na naman ang iba't ibang sistema ng katawan ko. Lalo na sa Puso ko. Nakakainis ka, Zurry. You're making me Insane again! Ano pa bang kailangan niya sakin?
Siya ang namblock sakin tapos ngayon ia-add nya ko? Pakyu siya. He muted me on wattpad. Nakakagago diba? Tapos ngayon mag-iinarte sya? May pa talk-talk pa syang nalalaman! Kung talk-talkin ko kaya mukha niya? Bwiset siya. Siya pa nga yung may ganang magalit sakin dati eh ako naman yung laging umiintinde sakanya. In fact ako nga dapat yung magalit sakanya dahil sa sinabi niya sakin. Letse siya. Bumaba nalang ako, mag-isa lang ako sa bahay. Umalis sila mama tsaka lola. Nagpaiwan lang ako kasi may Book Signing ng mga authors kanina. Wala akong papa, okay? Nalunod sa mainit na sabaw. *slight smile emoticon*
"Hahays. Kabwiset na Zurry!" Sabi ko sa sarili ko at pumunta sa kusina. I really need chocolates and a mug of coffee. Stress reliever ko ang mga yan. What's the use of Coffee diba? Total hindi naman na ko inaantok, iinom nalang ako ng kape. Pinapak ko ang Goya na nakita ko sa Ref habang nakatingin sa Cellphone ko. Hindi niya naman alam yung number ko kaya Oks lang. Nagpalit rin ako ng number simula nung mangyare yun. Gusto kong mawalan kami ng communications kasi alam ko na masaya na sila ng First Love niya pero ano tong ginagawa niya ngayon?
Pumunta ako sa sala dala ang limang tsokolate at kape ko. Inilapag ko muna sila sa Lamesa at Naghanap ng CD na magandang mapanuod. Napili kong kunin ang CD ng W Two Worlds. I really love this Kdrama. Magkaiba man ang mundo ng dalawa nagawa naman nilang ma inlove sa isa't isa.
**
HINDI ko namalayan na mag uumaga na pala. Sigurado magtatanong yung dalawa kung ilang kilo na yung eye bags ko. Tapos uuwi na bukas sila Mama at Lola. Pinulot ko naman ang mga kalat ko at tinapon, Hinugasan ang ginamit na Baso at Pinatay ang TV, In-on ko naman yung Stereo para magpatugtog. Dating Tayo by TJ Monterde yung una kong pinatugtog. Trip ko yung mga kanta ni TJ e lalo na yung Kung Siya Man. Pakinggan nyo tapos kung di nyo alam yung translation tanungin nyo ko ehe.
Umakyat muna ako sa Taas at Naligo. Kailangan kong maligo bago pa dumating ang dalawang yun.
**
NANDITO kaming tatlo nila Jaina sa Kusina. Nagluluto ako at ang dalawa nag-aabang lang mga matatakaw talaga. Kain ng kain hindi naman tumataba so as me.
"Matagal pa ba yan?!" Yamot na sabi ni Kisses
"Eh kung ikaw kaya magluto? Alangan namang sabihan ko sya na bilisan mong maluto gutom na kami, ganun?" Sarkastikong sagot ko. Bumungisngis naman si Jaina.
"WAHAHAHA Barado ni Mayora" pang-aasar ni Jaina kay Kisses
"Baka usto mong ibara kita sa anidoro?" Tumahik naman si Jaina. Tapos ako naman yung bumungisngis.
"WAHAHAHA barado ka din ni Mayora!" Akmang babarahin niya rin ako pero naunahan ko siya.
"Subukan mong barahin ako di ka makakakain" sabi ko kaya dumukdok nalang siya.
"Daya nyo naman." Sabi nya at inangat ulo niya tapos suminghot-singhot. Natawa nalang kami ni Kisses at nag apir.
"Wuy, Avery. Nagpuyat ka na naman kagabi ano?" Tanong ni Jaina.
"Pano mo naman nalaman?" Sabi ko sabay lapag ng sinangag sa Lamesa
"Amg bigat kasi ng eye bags mo. Tantya ko mga walong kilo" Sabi ni Jaina sabay halakhak at pakikipag apir kay Kisses
"Di ako nakatulog kagabi kasi nagchat yung kumag basahin nyo Convo namin." Sabi ko nalang at pinagpatuloy lutuin ang Itlog at hotdog.
"Ang bagal mo naman pumindot, Jaina e!" Asik ni Kisses tapos kinuha yung cellphone ko at sya na yung naghanap.
"Abugh! Gago to ah? Pagkatapos ka nyang i-block mang a-add sya? Ide-delete ko to. Kala nya ha! Sinayang mo yung buhok mo para sakanya!" Sabi ni Kisses yung tipong pinipigilan nya lang yung galit niya. Ito kasi talaga siya ang pinaka amazona saming tatlo e.
"Oo nga! Buset na yun! Kala mo naman gwapo ehe gwapo nga wala namang laman utak! Padalos-dalos. Gagi siya!" Panggagatong pa ni Jaina.
"Oh ano Jaina? Bumaliktad ka na? Haha. Dati botong-boto ka sakanya ngayon hindi na? Balimbing ka talaga" pang-aasar ko sakanya.
"Dati yun! #HEVERY NA KO NGAYON! PARTEEHH!" Sabi nya sabay yugyog kay Kisses.
"Gaga! Ako yung shipper ng Hevery kaya wag kang epal dyan!" Sabi naman ni Kisses.
"Akin na nga! Di ko mabasa ng maayos e" asik ni Jaina at nagbasa na.
"HAHAHA.. Galing.x ni Mayora Avery. May pa question mark pa, ang pilosopa pa at nang seen. Shocks! BIG NEWS HAHAHAHA" inikutan ko nalang siya ng mata at nilagay na ang itlog at hotdog sa lamesa
"Mamaya na yan kumain muna tayo" sabi ni Kisses.
"Lang tayo uy" sabi ko naman.
"Nyenye Mema ka masyado e." Sabi naman niya hindi ko nalang pinansin at Kumuha nalang ng kanin at Ulam.
"Sarap talaga magluto ni Avery nyamnyam" sabi ni Jaina.
"Di mo ba alam ang kasabihang "Don't talk when you're mouth is full" sabi ni Kissa. Napailing nalang ako
**
KAKATAPOS ko lang maglinis ng buong bahay ka stress. Jusko. Nagpalit naman ako ng damit at bumababa. Abugh! Kainis yung dalawa ah? Andun sa sala nakiki-wifi.
"Jaina, bili ikaw at ako ng snacks." Sabi ni Kisses.
"Gege. Tara" umalis naman sila ng bahay at heto ako pinikit ko muna yung mata ko sandali lang naman. Kailangan ko lang umidlip, kagabi pa ko hindi nakatulog e buset.
Napamulat ako ng may nagdoorbell bigla. Hmm hindi naman nag d-doorbell yung dalawa kaya sino naman to? Lumabas nalang ako at binuksan ang gate at Ngingiti na sana sa taong akala koy bisita pero bwisita pala.
"Anong ginagawa mo dito?" Cold kong pagkakasabi.
"I just want to talk with you." Sabi niya at nagpapaawa pa. Gago ba sya?
"Talk to my hand." Sabi ko at Hinarap ang kamay ko sa mukha niya pero nagulat ako ng bigla nyang higitin ang kamay ko at Nagtama yung mata namin. Shems ang lapit ng mga mukha namin.
"Makikipag-usap ka ba o hahalikan kita?" Hindi ako makasagot, nanginginig ako. I miss him. My heart is palpitating so fast. I can't breathe.
"Hoy! Alam ko namang gwapo ako pero kailangan nating mag-usap." At dahil sa sinabi nya nataohan ako at tinulak siya
"Just go away, Zur. Wala na dapat tayong pag-usapan pa" sabi ko at akmang isasara ko ng iharang nya ang kamay at paa niya.
"Aray. Aray." Binuksan ko naman agad ang Gate.
"Bakit ka ba kasi andito?! Umuwi ka na! Hinahanap ka na ni STACY!" Pagdidiin ko sa Stacy
"Kaya nga, kailangan nating mag-usap tungkol kay Stacy." Mas lalo lang akong naiiyak dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Just go. I don't.... Need you anymore" as I said that pumasok ako na bigo, na umiiyak. He broke my heart again. My heart was shattering into pieces again.
YOU ARE READING
He's Back
Short StoryAverianne Ferrer × Zurry Gonzales A Short Story. He's back to get his Love ones.