NAABUTAN ako nila Jaina na Umiiyak.
"Ilabas mo lang lahat. Nakita namin lahat ng nangyare, Ave." Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi ni Kisses. Ba't ba ang hina ko? Ba't ba ako lagi yung pinoprotektahan? Ba't ba ako laging nasasaktan? Bakit ako?
"Iiyak mo lang lahat, Ave. Andito lang kami ni Kisses" sabi ni Jaina at yinakap din ako ng mahigpit.
"Ang sakit-sakit parin pala. Akala ko kasi okay na, akala ko lang pala yun" sabi ko sakanila habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Nakakainis. Naiinis ako sa sakanya kung kelan handa na kong kalimutan siya dun naman siya biglang susulpot.
"Hoy, Avery. Huminga ka! Putek!" Sabi ni Kisses. Dun ko lang napagtanto na hinahabol ko na yung hininga ko.
"Bwiset. Jaina kunin mo yung inhaler nya sa kwarto bilis!" Sigaw ni Kisses kaya nataranta naman si Jaina papuntang Taas.
"Hoy, Avery!!" Sigaw nya at pinaypayan ako.
"S-salam-mat, K-kis-sses" hirap na hirap kong sabi sakanya.
"Hoy wag ka ngang magsalita." Sabi niya at narinig ko nalang siyang nagmura pero bigla nalang nawala ang ulirat ko.
**
NAGISING ako sa kwartong may apat na sulok na kulay puti. Hindi ako tanga para sabihing nasa langit na ako.
"Ilang oras akong nakatulog?" Bungad ko sakanila.
"Averryyy!" Sigaw agad ni Jaina ang narinig ko.
"Limang araw kang tulog." Sabi ni Jaina na para bang naiiyak.
"Ano?!" Shock kong tanong.
"Oo!" Sabat ni Kisses.
"Bwiset ka! Sinabihan na kitang wag mong ipikit ang mata mo. Fvck it. Kinabahan ako, Avery! Alam mo ba ang nangyare nung hindi ka pa nagigising?" Sabi ni Kisses habang humahagulgol.
"Sorry kung pinag-alala ko kayo" sabi ko at yumuko.
"Hindi mo lang kami pinag-alala, Avery. Muntik na kaming mamatay sa Takot" tiningnan ko siya. Tinging naguguluhan.
"A-anong n-nangyare?" Kinakabahan kong tanong dahil may konklusyon ng nabubuo dito sa utak ko.
"MUNTIK KA NG MAMATAY. TATLONG BESES KANG NI- REVIVE NG MGA DOCTOR! NAWALAN KA NG HEARTBEAT, AVERY. MUNTIK KA NG KUNIN SA AMIN KAYA PLEASE LANG HUWAG MO NA UULITIN YUN!!" Natutop ko amg bibig ko dahil sa nalaman ko. Napaiyak narin ako dahil dun. Muntik na kong mamatay. Yun ang pabalik-balik kong narinig sa utak ko.
"Sorry. Sorry. Sorry." Paulit-ulit kong sambit habang umiiyak.
"Its okay ang mahalaga andito ka at humihinga kasama namin. Basta wag mo ng ulitin yun dahil hinding-hindi namin makakaya yun." Sabi ni Jaina. Si Kisses umiiyak parin.
"Kisses, huwag ka ng umiyak please? Humihinga pa naman ako diba? Buhay na buhay pa ko, Oh! Kaya awat nakakaiyak" sabi ko sakanya pero umiling lang siya.
"Bibili muna ako ng pagkain!" Sabi ni Kisses at lumabas na.
"Jai, Salamat kasi hindi nyo ko sinukuan." Sabi ko kay Jaina habang nakayuko.
"No Problem, Avery. Basta andito lang kami lagi ha? Don't be sad and Don't feel na nag-iisa ka lang kasi We are One. Okay?" Tumango nalang ako sa Sinabi niya.
"Now, kumain ka at magpalakas." Kinuha nya yung sabaw na nakapatong sa Lamesa at sinubuan ako ng dahan-dahan kasi mainit pa.
"Thank you" sabi ko at tumango naman sya habang nakangiti.
**
FIRST day of Class. Yes, pasukan na namin at Isang buwan na rin ang lumipas nung muntik na kong mamatay. I know, delikado ang sakit na to. It's really dangerous. Bahala na si God. Kung time edi time na talaga.
Naglakad ako papasok sa Building ng course na kinuha ko. Information Technology (I.T) ang kinuha ko. As you can see, I'm a Dota Player remember kaya hindi na kataka-taka na its about computer ang kinuha kong course.Then yung dalawa Business Management yung kinuha.
Pagkarating ko sa Room, ku-konti pa lang kami ang andidito. Sabagay maaga pa naman. Pumwesto ako sa gitna dun sa bandang may bintana. Kasi nga diba? May sakit ako, kaya kailangan ng Fresh air to breathe. Lol.
"Hi!" Bati ng isang babae, She's cute kasi Morena sya with bangs.
"Hello" bati ko naman pabalik sakanya.
"Pwede makiupo?" Approach nya sakin.
"Of course, wala pa namang nakaupo dyan" sabi ko sakanya sa malumanay na boses
"Thank you! You're so cute. Mukha kang Koreana, ang singkit mo pa!" Sabi niya sakin kaya bahagyang uminit naman ang pisngi ko. Hindi pa naman ako sanay na pinupuri.
"S-salamat. Hehe" sabi ko at agad na iniwas ang tingin ko sakanya.
"Yieee. Kinikilig ka noh? Omo! Hindi ka ba pinupuri?" Shock nyang tanong. Tumango nalang ako bilang sagot.
"Amp. Dapat kasi lagi kang pinupuri. Ang cute mo kaya! Para kang Korean idol!" Ang Kulit-kulit nito. Ang hyper.
"Jusko! Pag di ka tumigil mawawalan ako ng hininga sayo" sabi ko at tumawa.
"Waaahhh pwedeng pisilin yung pisnge mo?" Bahagya namang nanlaki ang mata ko.
"B-baka m-masakit" Its my phobia. Pinisil kasi ng kaklase ko ang pisngi ko dati tapos pinanggigilan nya talaga kaya ayun ilang araw lumobo yung pisnge ko. Magang-maga talaga.
"Wag na nga lang. Amp" nagpout sya kaya natawa talaga ako.
"Pasensya na. Its my phobia kasi." Tumango nalang sya at bumalik sa pagka hyper.
"Btw I'm Hershey!" Sabi niya kaya ngumiti nalang ako.
"Hi, I'm Avery. Averianne Ferrer" sabi ko
"Waaahh ang ganda naman ng name mo! Akin bagay sa kulay ko. Kulay tsokolate" natawa naman ako sa sinabi niya.
"Real Filipina stands out, You should be proud of yourself tsaka hindi naman basehan yung pangalan at kulay ng balat mo." Ngumiti naman siya.
"Tama! Ikaw ba half korean ka?" Natawa naman ako at umiling.
"Ha? Hindi ka korean?!" Nagulat siya halata naman siguro?
"Nope. I'm half Japanese." Sabi ko at ngumiti ng pilit. Natatandaan ko na naman kasi si Papa. He's the Japanese after all. Sabi ni Mama at Lola xerox copy o Carbon copy daw ako ni Papa. Hindi naman pinagkait nila mama ang impormasyon tungkol kay papa pero nasasaktan ako tuwing pinag-uusapan siya. Well, share ko lang.
"Sino yung Japanese?" Para ngang na e-excite siya. Ayoko namang sirain ito.
"My F-father." Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang.
"Nasan siya ngayon?" Pagtatanong pa niya ulit.
"J-japan." Magtatanong na sana si Hershey ulit pero biglang kumalampag ang Pinto. Napatingin naman kaming lahat doon. Natutop ko naman ang bibig ko. Bakit siya andito? Bakit andito si Zurry sa Building namin?
YOU ARE READING
He's Back
Short StoryAverianne Ferrer × Zurry Gonzales A Short Story. He's back to get his Love ones.