Chapter 6: Tagaytay!

480 14 0
                                    

Areum's POV

"What are you doing here?" Tanong ko. Aba nakakagulat eh.

"Binibisita lang kita, but I think may lakad kayo right?" Sabi nya.

"Oo may lakad kami, please just go." Naiirita na si Namjoon kaya nauna sya sa Van namin.

"Okay, sorry. Next time nalang." Aalis na sya ng bigla pang nagsalita si Jin.

"Jinyoung, wala ng next time." At ngumiti pa sya ng sarcastic, iba din.

Tuluyan na syang umalis, kaya nung ni lock ko yung pintuan sakto kaming dalawa nalang ni Jin don.

"Jin, wag naman kayong masyadong hard kay Jinyoung. Nagmamagandang loob lang naman sya eh."

"Basta ayoko." He said with his serious voice. Ughh ano bang meron?

Pumasok na lang kami ng sasakyan, marunong naman daw silang lahat mag drive pero tinatamad lang sila, what the.

First time ko ulit pupuntang tagaytay, last na punta ko kasi eh nung bata pa ako. Ano na kaya itsura non?

"Baby girl." Tawag ni ate.

"Bakit?" Ano na namang problema neto?

"Wala lang, namiss talaga kita." Sabi nya sabay tawa, niyakap  pa ako. Nuks naman haha.

Mga ilang oras lang ay nakarating din kami sa tagaytay. Masaya ako dahil for the second time, nakapunta na naman ako dito.

"Ang saya ditoooo!!" Sigaw ni Jimin hehe, ang kyuti eh.

Pinarada na ni Jin yung van, at dumiretso muna kami sa Hotel dito para mag check in. Shempre hihiwalay kami ni ate, at bahala na sila kung ilang kwarto kukunin nila, mayaman naman sila hahaha.

"Saan muna tayo?" Tanong ko kay ate, dalawang araw lang naman kami dito bakit ang dami nyang dalang damit?

"Hoy te, dito ka na ba titira?" Parang bingi talaga puta.

"JUNGKOOK!" Nagulat sya, haha alam ko na! Hmm kaya pala eh.

"Uy putek ka! Ano ba yon?" Tanong nya at bigla syang lapit sakin.

"Kanina pa kita kinakausap, bingi ka ba?" Sabi ko.

"Bobo ka ba? Naka headset ako at sobrang lakas neto, dahil dyan sa matinis mong boses narinig ko na. Usong mangulbit, areum." Tinarayan ako haha, maldita talaga.

"May tanong ka ba? Ano ba yon?" Ayown sa wakas. Tumalikod muna ako sa kanya para ayusin ang damit ko.

"Una, bakit ang dami mong damit. Pangalawa, ang bingi mo, pangatlo, crush mo ba si Jungkook." Pagharap ko sa kanya, naka headset parin sya. Hayop, magtatanong tas di makikinig. Lupet mo ate!

"JUNGKOOOOOOK!!!!!!" Sobrang lakas na ng sigaw ko. Hahaha.

"Tangina ano ba Ari!" Sabi nya at gulat na gulat. "Affected ka ate? Crush mo ba si Jung--" naputol yung sasabihin ko kasi biglang pumasok si Jungkook, di ko ba nalock?

"Ano ba yon Ari? Kinakabahan na ako sayo, kanina ka pa Jungkook ng Jungkook!" Sabi nya tapos sabay kamot ng ulo.

Nanlisik ang mata sakin ni ate na parang sinasabi nyang, wag akong magbabanggit ng kahit na anong tungkol don. Tumawa ako ng malakas.

"Wala, wala sorry ilong nataranta lang kasi ako gawa may ipis dito. Yes, may ipis nga."

"Tanga ka ba? Kita mong ang linis linis ng lugar na to, napaka imposibleng may ipis dito." Banggit nya habang tinuturo pa ang bawat gilid ng kwarto.

"Oo na, joke lang yon. Alis kana." Tinarayan ko sya pero tumawa lang sya.

Pagkatapos non umalis na din si Jungkook, tawa ako ng tawa samantalang si ate ay nakasimangot at parang gusto akong kulamin sa tingin nya.

"Ari ha, sabi ko sayo wala akong gusto kay Jungkook, baka gusto mong nasasampal kita? Mas matanda parin ako sayo." Tumawa lang ako, kasi naman nakakatawa talaga muka ni ate non.

"Sayang sana may video ako nung itsura mo, ate grabe ang sagwa ng muka mo, pano ka magugustuhan ni jung--" biglang pasok na naman si ilong.

"Ano na naman Ari! Bumaba na daw kayo kakain na tayo ng lunch." Sabi nya sabay alis.

"Ayan narinig na naman nya pangalan nya, sira ulo ka talagang babae ka." Sambit ni ate at nauna na syang lumabas.

Sumunod na ako sa kanya at sinabi din ni jungkook kung saan kami kakain, meron din palang resto dito sa baba kayo don nalang daw kami.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa sakayan ng kabayo. Mag horse back riding daw kami. Lumapit sakin si Jimin at may sinabi sya sakin.

"Ari, tara sakay tayo?" Hindi nya ako pinagsalita bagkus hinila na nya ako papunta sa kabayo, tumingin amko sa mga kasama namin, at mukang walang paki sila.

"Ano pili ka ng kabayo, wag lang si Hoseok hyung." Hinampas ko sya, parang tanga eh.

"Sira ulo ka, ayoko natatakot ako." Nag pout naman sya, ano ba kiss kita dyan eh. Sorry nalang kayo, niyaya ako ni Jimin hehe.

"Sa tingin mo ba papabayaan kita ha?" Namula ako sa mga sinabi nya.

"Sige na nga, etong white nalang." Sinabi nya agad sa mga staff yon, at inalalayan din nila kaming sumakay.

Bago pa kami umandar, nakita ko naman yung iba na naka solo na kabayo maliban lang kay Jungkook na kasama ni Ate, aba pano kaya yon? Hmm. Kilig puwet nan.

"Ready? Yakap ka sa tyan ko para di ka malaglag ha?"

"R-ready." Nauutal kong sabi shet!

"Oh bat nauutal ka? Natatakot ka ba? Wag kang matakot, Im here." Sabi nya mula sa unahan, kaya ako nautal nararamdaman ko ABS MO! PAKSHET.

Nagkarerahan kami, ang saya lalo na pag ramdam mo yung abs este yung hangin pala! Hehe. Masyado kasi akong na pre occupied sa abs neto eh.

Pagkatapos nga ng ride, si Hoseok ang nanalo syempre wala ng nagtaka kahit isa samin.

"Lupet mo talaga, basta ka uri mo kasundo mo eh." Banggit ni Jin kaya tumawa kami.

"Hoy lagi nyo binubully si Hoseok hyung" banggit naman ni Namjoon.

Tumawa lang kaming lahat, kasi nag pout si Hoseok.

"Wag ka ngang mag pout, nalilito kasi ako kung tao ka o kabayo eh." Pang aasar ni Yoongi kaya binatukan sya.

"Tangina nyo pala eh, pasalamat nga kayo mabait pa ako." Isa isa nyang binatukan sila Namjoon.

Pagkatapos ng mahabang usapan na iyon, maggagabi na kaya naisipan naming mag cable car, kasi maganda ang city lights dito at tanaw na tanaw iyon.

Si Jimin parin ang kasama ko, si ate si jungkook parin, at nagsama sama na ang monggoloyd sa isang cable car.

Inalalayan na kami ni kuyang umakyat, at umupo narin kami ilang minuto palang nagsimula na yung andar.

"Ang ganda dito no?" Sambit ko habang nakatingin sa city lights..

"Mas maganda ka pa sa mga nakikita mo." Sambit nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Oy ang cheesy mo, di ako sanay." Tumawa kaming pareho..

"Pero alam mo ba Ari.." Pagbibitin nya.

"Ano po Jimin?" Sabi ko at tumingin sa kanya na habang sya ay nakatingin sa lapag.

"Dito ko gustong pasagutin ang mahal ko. " Tumingin na sya sakin. "I mean, dito kita gustong pasagutin." Dagdag pa nya, namula ako sa sinabi nya.

Kinikilig ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Tangina ba naman dalawang tao na yung nag gaganto sakin men.

"Okay lang kahit na speechless ka, kasi alam ko namang kinikilig ka. Basta gusto ko lang na malaman mo na kahit ganto ako, mahal kita." Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa.

"Thank you, Jimin." Sambit ko at ngumiti sa kanya, wala akong masabi sa sobrang flattered ng naramdaman ko.

"I love you Areum Lee." Sambit nya at unti unting nilapit ang mukha nya sa akin..

Living with BangtanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon