Areum's POV
"I love you Areum Lee." Sabi nya at unti unting nilapit ang muka nya sakin..
Yung feeling na napakalapit na ng labi nya sa labi ko biglang may tumawag sa akin. Ayon na yon eh sayang.
"Wait lang Jimin, sagutin ko lang." Tumango naman sya at ngumiti.
Si ate yung natawag at natanaw ko sya sa isang cable car at nakatingin sakin.
"Hello?"
"Landi mo Areum Lee, ano papahalik ka kay Jimin? Crush ko yan!"
"Hoy ate, baka marinig ka naman ni Jungkook!"
"Hindi yan! Naka earphone naman sya eh. Tumawag lang ako para di matuloy kiss nyo, bata pa kayo eh." Sambit nya habang natawa.
"Ate--" pinutol na nya yung linya, lintek naman eh.
"Ano sabi ng ate mo?" Tanong nya.
"K-kung..Ahm.. Kung nag-eenjoy daw ako hehe." Sabi ko, shempre ayoko naman na sabihin kay Jimin yon.
"Ari, sorry pala kanina ha. Nadala lang talaga ako. Yang labi mo kasi inaakit ako eh." Sabay kamot sa ulo. Ano ba! Kinikilig ako.
"Wala yon, manliligaw ko naman kayo diba? Kaya okay lang." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Basta tandaan mo, mahal talaga kita." Sabay kuha nya ng kamay ko at hinalikan. Ngumiti nalang ulet ako.
Natapos narin yung ride namin. Alas otso na pala ng gabi kaya naisipan namin kumain ulet.
"Ano san ba kakain?" Tanong ni Ate.
"Dun nalang ulit, masarap naman eh. Treat ko." Sabi ni Jin, shet totoo ba to?
"Di nga?" Natatawang sambit ni Taehyung. "Oo nga, kung ayaw nyo magsolo kayo may pera naman kayo eh. Si Areena at Areum nalang ililibre ko." Taray ni Seokjin eh hahaha.
"Joke lang! Tangina neto ni Taehyung eh." Pigil ni Hoseok sabay batok.
Habang kumakain kami nagsalita si ate. Daldal talaga ng impaktang yan. Nakain na eh.
"Nag enjoy ba kayo?" Sabi nya, "Oo naman, ang saya lalo na dun sa Cable Car." Sabi ni Namjoon.
"Masaya ka ba sa Cable Car Ari?" Nakangisi na sabi ni Ate Areena, mang asar ka pa sige.
"Oo naman te, ikaw ba?" Pang aasar ko din.
"Hindi nga eh." Sabay tawa nya.
"Bakit?" Sabay na tanong ni Yoongi at Jin. "Diba mag katabi kayo ni Jungkook?" Tanong ni Jimin.
"Boring kasama nyan, panay cellphone at patugtog ng Justin Bieber." Sabay tawa naming lahat.
"I like Justin Bieber and I like Justin Seagull." Sabay tawanan nung anim, ano daw? Hindi kami relate ni Ate.
"Anong Justin Seagull? Sino yon?" Tanong ko. "Si jungkook!" Sabi ni Namjoon. "Wala asar lang namin sa kanya, mukhang ibon eh." Tawanan naman kami..
Pagkatapos naming kumain, dumiretso na kami sa kwarto namin para mag pahinga. Dito kami matutulog ng isang gabi, bukas ng umaga ay uuwi narin kami.
"Just call us kapag may kailangan kayo ha, Good night." Sabi ni Namjoon samin.
Nahuling pumasok si Jimin at ako kaya bago sya pumasok may sinabi sya sakin.
"Good night babe, i love you." Sabay kindat sakin, "Good night Jimin, sleep tight." Sabay ngiti sa kanya.
Pagka pasok ko naka abang si ate sa kama.
BINABASA MO ANG
Living with Bangtan
FanfictionLiving with them is ridiculous. It's dangerous. WAG BASAHIN KUNG IKAW AY MAHINHIN DAHIL ANG OTOR AY DAKILANG GAGA (but im kind and pretty! char.) CAST: Areum Lee (pronounce as EYRUM) Jinri Min Jinyoung Park Hans Min BTS as themselves