Chapter 11: Friend or Enemy?

438 14 0
                                    

"Areums!" Nagising ako sa sumisigaw.

"Ohhh" inaantok pa talaga ako.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ko alas syete palang ng umaga. Anong problema neto?

"Ang aga pa! Ano ba yon." Sabi ko.

"Areums, kakains nas daws." Sagot ni Taehyung, anong meron sa 'S'?

"Bakit ba may 's' sa bawat dulo?" Sabi ko ng buksan ko yung pintuan at nakatayo lang sya don.

"Walas langs hehez." Sambit nya kaya binatukan ko ito. "Tanggalin mo na nga yung 'S'!" Sabi ko.

"Ano ba ulam?"

"Pak iw na bangu at ar adong kamati." Tanginang bobo.

"TAEHYUNG!!!!" tumawa naman sya.
"Ginagago mo ba ako?"

"Sabi mo kaya kanina wag kong lagyan ng s." Sabi nya.

"Ano nga."

"Paksiw na bangus at sarsyadong kamatis, with tilapia." Sabi nya sabay kindat. "Bumaba ka na ha."

Pagbaba ko nakita ko sila nasa dining table na, bakit ba ang aga nila. Naasar ako.

"Bakit ba ang aga aga nyong magising." Tanong ko sabay upo.

"Aalis kami." Sabi ni Jin. Ehhh?

"Saan kayo pupunta? Iiwan nyo ako?" Sambit ko at nag pout.

"Cute mo, iyak ka muna hindi ka pa namin nakikitang umiyak eh." Sambit ni Jimin sakin, ano ba kinikilig ako pano ako iiyak.

"Parehas kaming may business meeting ni Namjoon, isasama kami ng parents namin." Sabi ni Jin.

"Ako may gala kami ng mga Friends ko." Sabi ni Jimin.

"Family bonding." Sabi ni Taehyung at Jungkook.

"Sasamahan ko muna kapatid ko sa bahay." Sabi naman ni Hoseok.

"Bibisita lang sa bahay." Banggit ni Yoongi.

Bakit ganon, sabay sabay sila. Nakakaiyak.

"Huehue lonely ako." Sabi ko sabay kain.

"Tawagan mo nalang si Jinri, basta wag kang sasama kung kani kanino ha. Mag iingat ka, baka may mang kidnap sayo." Sabi ni Jin.

"Hoy anong Kidnap! Hindi ako bata!" Sigaw ko.

"Mapapagkamalan ka, height mo pang fourth year high school." Sabi pa ni Jungkook. Tangina nyo.

Kumain na kami, at pagkatapos non naligo na sila. Si Jin ang unang natapos kaya kinausap nya muna ako.

"Areum, sinasabi ko sayo wag kang sasama sa di mo kilala ha. At tsaka yung bahay kung aalis man kayo i lock mo." Bilin nya pa sa akin.

"Okay po." Sabi ko.

Nung paalis na silang lahat, hinatid ko sila sa may pintuan. Ang gwapo eh.

Naka tuxedo pa ang Namjin.

Naka black t-shirt at naka ripped jeans na black si Jimin. Gwapooooo.

Naka long sleeve na white at black pants si Taehyung. Whoooo.

Si Jungkook naman naka white t-shirt lang tapos ripped jeans na maong.

Si Hoseok naka longsleeve na black tapos naka sweat pants lang. Cool padin.

Naka turtle neck si Yoongi tapos naka denim at maong pants.

Tangina ang gwapo nila.

Huehue.

Living with BangtanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon