Isang Bulalakaw
ang bumulusok nang kay bilis
at nilunok na ng gabi
kay nag-isip ka ng hiling kahit di naman kailanganDahil ang tunay na ninanais ang parating unang uusbong
sa isipanPagkatapos pumikit ka kahit wala
na siya at binigkas
ang hiling na napili mo
(hindi ang totoo, hindi 'yong iba)At sa isang kay layong lugar, isang planetang malapit nang
pasabugin ng isang bulalakaw
ang namumuhi sayo
sa pagpili sa hiling na di nararapat
sa kanilang wakas.
BINABASA MO ANG
HABANG WALA PA SILA mga tula ng pag-ibig
PoetryIto ay isang libro ng tula ng mga pagibig. Ito ay hindi pagmamay-ari ni Nehemiah M. Sese ngunit ito lamang ay kinopya. Ang orihinal na may tala ng librong ito ay si Juan Miguel Severo. Paalala: Ang librong ito ay naglalaman ng matitinding salita. R1...