Maliwanag ang Langit, Malamig ang Gabi

260 2 4
                                    

Maingay ang paligid at nagkalat na ang mga lasing.
At sige, aaminin ko, ako man ay nakainom din.
Pero 'wag mo sanang isipin na mayroon akong mga bagaheng sinusubukang lunurin sa mga bote ng alak na nainom ko at plano pang inumin.
Hindi ako nandito para magtapal ng mga sugat. Nandito ako dahil nandito ako------ buhay. At nais pang mabuhay.

Hindi ginawa ang mga paang ito para lang lumapit sa'yo. Simple lang ang gusto ko sa simula nito.
Ang gusto ko ay isang gabi kung kailan makikita kong magliwanag ang mundo sa gitna ng kadiliman na bumabalot dito.
Ang buwan, sabi sa akin ay isang kakampi.
Ang sabi ng mga bituin hindi ako magkakamali.

Pero nakita kita sa isang sulok. Sumasayaw. Ilang hakbang lang mula sa akin pero parating tinatanaw na akala mo ba ay bituin din sa langit na kaya akong sunugin kapag ako ay mas lumapit.
At hindi----- sandali!
Tayo nga ay magkalinawan:
Hindi ako malungkot lang na naghahanap ng posteng makakapitan.
Hindi ako naghahanap ng bagong maaalagaan.

Ang sa akin lang: nandiyan ka at nandito ako.

At wala akong sinasabing pag-ibig.
Wala akong pinapangakong walang hanggan sa'yo.
Ang sa akin lang, hindi tayo magka kilala,
Pero malamig ang gabi at pareho tayong bato na kung magkabangga ay posibleng magliyab ng husto.
At sino ako para tumanggi sa apoy?

Uulitin ko. Wala akong sinasabing pag-ibig.
Wala akong pinapangakong "tanging ikaw".
Ang sa akin lang, hindi tayo magkakilala at walang dalang katiyakan ang paparating na araw,
Pero maliwanag ang langit at sa atin nakatapat ang ilaw.
At sino ako para tumanggi sa kaunting kislap?

Sino TAYO ay mali mali, sino ikaw at ako para tumanggi sa posibleng hinaharap?
Pinto kang bukas at nangangatog akong paslit sa ilalim ng buwan.
Kaya isipin ko:
Hindi kaya ito ang totoong pagkakamali?
Hindi kaya ito ang mas malaking kasalanan?
Pareho tayong mag-isa sa ganito kagandang gabi!

Kailangan kita mahal. Ayy mali kailangan ko lamang ang iyong pangalan.

HABANG WALA PA SILA mga tula ng pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon