Ang Huling Tula na Isususlat ko para sa'yo

133 1 0
                                    

                                           (Salamat, P)

Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo:
(Pangako yan. At totoo,
hindi ko alam kung gaano kahaba--- o          kung kasya ba sa isang piyesa,
kung ilang pahina, ilang minuto
ang ihahaba at itatagal nito, kaya
posibleng hindi ko agad makabisado pero pangako yan..)

Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo:
(Itaga mo to sa bato:
abutin man ako ng umaga rito, hindi ko ipipikit ang mga matang ito. Uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo, o anumang tawag ko sayo------
Mahal. Sinta. Irog. Pangga. Hun. Babe. Kulit. Kapal. Kupal. Walanghiya. Hayop. Puta. Pu**ng ina ka! Ano pa ba?-----
Wala akong pakialam kung abutin ako ng ilang talata, o maubos ako at hindi na makapagsukat uli sa loob ng mahabang panahon, pero hindi ko na pwedeng patirahin lang dito sa loob ng puso ko ang mga salitang ito
kaya pangako..)

Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo:

(Magsisimuka ako sa umpisa:
sa kung pano mo ako nginitian at tinanong kung saan ako nakatira. Hindi mo nga pinansin ang mga agiw sa dingding..
Hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating sa iyong pag bisita pero hindi mo rin man lang tinignan ang mga librong gabi gabi ay katabi ko at tangi ko noong kapiling.

Magsisimula ako sa umpisa:
sa kung paanong niyakap kita noong sabihin mong mahal mo ako. Sa kung paanong hinalikan kita sa noo sabag sabing "mahalaga ka". Hindi pa ako noon nalilinawan na ayaw mong maging mahalaga.😔


Ayaw mong maging mahalaga. (Kaya papakawalan kita)

Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag aari na tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili mong maganda ka.

Ayaw mong maging mahalaga. (Puta edi bat ka pa nagmahal?)

Hindi ako telepono mong dudukutin lang sa bulsa tuwing kailangan mo nang solusyon sa kawalan mo ng koneksyon sa mundo mong masyado nang malawak para bigyang atensyon ka pa.

Ayaw mong maging mahalaga.(Ang sakit, ayaw ko na😔)

Hindi ako kuwintas na isusuot mo lang sa piling mga okasyon
kapag mayroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa.

Hindi ako para ibalik sa loob ng isang kahon kapag matutulog ka na sa gabi, sa takot na masakal ka sa yakap ko pag mahimbing ka na...

O ibalik sa loob ng isang kahon at itabi sa sulok ng aparador, sa takot na wala kang maisanla dahil ako ay bagay lamang para sayo.

Ngayong Oras ako naman,

Ayaw kong maging mahalaga

         Ang Gusto ko ay Mahalin

                Ang kailangan ko ay mahalin

Kailangan kong mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga---
tanggap ang tamis at pait,
kailangan para sa init,
pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na.

Kailangan kong mahalin ko ako gaya ng sarili mong opisina---
kabisado kung saan nakatago ang ano,
alam kung para saam ang alin,
pamilyar sa mga tinatago kong patalim, silbi, dumi, lihim.

Kailangan kong mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi---
niyayakap sa ginaw,
sinasandalan kahit sa init,
binubulungan ng mga pinakakatago mong panaginip.

Ayaw kong maging mahalaga
        
         Ang gusto ko ay mahalin
            
                Ang kailangan ko ay mahalin.

(Tama ang iyong narinig, ayoko ding maging mahalaga ang gusto ko ay mahalin katulad ng iyo pero magkaiba tayo ng pananaw gago! Kung ako ayaw kong maging mahalaga, yun ay dahil gusto kong ako ay mahalin, e yung iyo? Ayaw mong maging mahalaga para sakin kasi may mahal kang iba kahit nung nagpunta ako sa bahay mo sabi mo sakin "mahal kita hindi kita iiwan" eto naman akong si tanga ang saya! Ngayon bibitawan na kita hanggang dito na lang salamat.)

At nagsulat ako noon para lang mahalin mo yun pala iba ang hanap mo😔 pero magsusulat ako hanggang sa maubos ko ang tugma ng pangalan mo....

Minsan may nakapagsabi sakin na ang hindi daw marunong magpatawad ay hindi makakapagsulat kaya mahal sa pagkakataong ito, sa huling pagkakataon na magsusulat ako ng tula para sayo, gumawa tayo ng kasunduan:

patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.
patatawarin mo ako sa hindi ko pagtahan at
patatawarin kita sa hindi mo pag luha
patatawarin mo ako sa hindi ko pananahimik at
patatawarin kita sa hindi mo pagsasalita
patatawarin mo ako sa hindi ko pag alis at
patatawarin kita sa hindi mo pananatili
patatawarin mo ako sa hindi ko sayo paglimot at
patatawarin kita sa hindi mo saakin pagpili

Mahal, gumawa tayo ng kasunduan:

patatawarin kita pero
patatawarin mo rin ako
patatawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at
patatawarin kita sa hindi mo pagkapit
patatawarin mo ako sa hindi ko paglayo at
patatawarin kita sa hindi mo paglapit
patatawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at
patatawarin kita sa hindi mo pagsugal
patatawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at
patatawarin kita sa hindi mo sa akin pagmamahal

Mahal, gumawa tayo ng kasunduan:
patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako nang sa wakas ay matapos ko na itong tula na masyado nang matagal na nakatira dito.
At patawad kung magiging masyadong mahaba at masyadong maraming boladas pero pangako huli na to.

Huli na ito:
(Magsisimula ako sa kung paano mo akong nginitian at tinanong kung saan ako nakatira.

Magsisimula ako uli sa umpisa.

Magsisimula ako uli.

Magsisimula ako.)


Ito na ang huling tula na isusulat ko para sa yo: (MALI)

Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sa yo.


Sa huhuli, hindi na ako muli pang iiyak. Salamat hanggang dito na lamang







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HABANG WALA PA SILA mga tula ng pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon