Chapter 1
My LifeAhlexa's POV
*yawn*
*yawn*
*yawn*
Ang ganda ng gising ko. Hi Mr. Sun! Why you're so bright today? HAHAHAHA. Naloka na.
Nagising nalang ako dahil sa sikat ng araw. Dali-dali akong tumayo at binuksan ang sliding door sa may terrace para lumanghap ng sariwang hangin. Kaya mayroong terrace dito sa kwarto ko mayaman kasi ang mga kinilalang magulang ko.
Bakit ko nasabing kinilalang magulang?
Simple lang, dahil inampon nila ako. Sabi nung mother superior namin, ina ko ang nagdala sa akin doon sa orphanage. Nerida Ortiz daw ang pangalan niya. Umiiyak daw yung nanay ko kasi ayaw niyang iwan ako kaso hindi talaga niya ako kayang buhayin, tinakwil na rin kasi siya ng pamilya niya.
Ikinuwento ni nanay kay mother superior ang lahat ng kanyang pinagdaan at yun naman ang ikinuwento sa akin ni mother superior. Akala raw ni nanay na ang swerte niya sa mapapangasawa niya ngunit mali yung akala niya. Iniwan ni tatay si nanay dahil ayaw ng mga magulang niya na ikasal siya kay nanay. Mayaman kasi si tatay kaya masaya si ina na minahal siya nito dahil alam niya na meron siyang kinabukasan pag siya ang napangasawa nito. Pero tutol ang mga magulang ni tatay sa kanilang relasyon kaya sila nagkahiwalay. Huli na nung malaman ni nanay na buntis siya. Ang saklap naman ng love story ni nanay noh.
Malaki ang pagpapasalamat ko kay nanay kahit na galit ako sa kanya. Hindi niya kasi naisipan ipalaglag nalang ako. Naghirap siya para lang mabuhay ako. As in naghirap talaga siya. No choice na rin si nanay kaya dinala na lang niya ako sa orphanage. Kahit anong gawin niyang pagsisikap para mabuhay kami ay hindi talaga sapat. Kaya ayun, sa orphanage bagsak ko.
Kung itatanong niyo saakin kung sino ang magaling kong ama? Si Antony Weiner lang naman, pero mabait siya. Isang half brittish kaya may lahing brittish ako. Kita naman sa itsura eh, hehe.
Sabi ni mother superior sa akin na huwag ko na daw hanapin si nanay dahil isang araw nalaman nalang nila na patay na siya. Kung ano ang dahilan, hindi ko rin alam. Never ko nga siyang nadalaw sa puntod niya eh. Clueless talaga ako, promise.
Si tatay naman ang laging bumibisita sa akin doon sa orphanage noong bata pa ako. Binibilhan niya ako ng kung ano anong regalo tulad ng mga laruan at damit. Minsan sinabi ko sa kanya na kunin niya ako dito kasi gusto ko siyang makasama kaso ang sabi niya dito nalang daw ako kasi galit sa akin yung mga magulang niya. Ayaw niya raw akong masaktan kaya ayun may umampon sa akin na kasing bait ni mother superior. Ang mag asawang sina Lucy Miñoza at Albert Miñoza ang kumupkop sa akin.
Tinuring ko sila bilang isang tunay na magulang at ganun din sila sa akin. Kahit paano, I feel blessed na rin.
Nalaman ko ang lahat ng iyon noong bumisita kami nila mommy Lucy doon sa orphange last year. Namiss ko kasi sila that time. Tinuring ko na rin kasi silang pamilya eh.
Ang ganda ng view mula rito sa terrace. Ang sariwa ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Ang fresh sa feeling, parang gusto kong matulog ulit hehe.
Akmang hihiga na sana ako ng biglang nagring yung phone ko. Pinulot ko agad at sinagot yung tawag.
"Hello, sino to?" syempre tinanong ko.Hindi ko na kasi tinignan yung phone eh. Hehe.
"Hello baby girl, this is mommy calling." sabi ni mommy in sweet tone. Si mommy lang pala yung tumawag.
"Mom, bakit po kayo napatawag?" tanong ko kay mommy.
"Baby girl nagbihis kana ba ng uniform mo, papunta kana ba school?" sambit ni mommy na ikinagulat ko. Bakit naman kaya?
"Huh? Bakit po ako magbibihis ng uniform mommy at saka bakit po ako pupunta ng school?" tanong ko ulit sa kanya. Nagtataka lang naman ako eh.
"Hindi mo alam? First day of school mo ngayon sa Gold Stone University. Mag ayos kana bilis." sabi ni mom na ikinabaliw ko. So, nagiging makakalimutin na ako.
Ayun nag bukas nalang ako ng de lata wala na akong oras para magluto, sandwich nalang kakainin ko. 6:30 na tapos 8:00 na magsisimula yung class ko. Kinain ko yung dalawang sandwich na ginawa ko at dali daling naligo at nag bihis ng uniform.
Nakalabas na ako ng bahay. Nagpaalam na ako kina manang Fe at manang Myrna. Nagpahatid narin ako kay manong Dino yung driver namin.
"Manong bilisan niyo ang pagpapatakbo ng kotse 7:10 na kasi malelate na ako." utos ko kay manong.
"Sige, pabibilisin ko na tong kotse Ahlexa ng makarating kana sa GSU. Ang tagal mo kasing gumising, kaya ka na-le-late eh." pagsang ayon ni manong at pina-andar na niya ang kotse.
Ilang sandali pa lamang ay huminto yung kotse. Sabi ni manong traffic daw nahihirapan siyang dumaan. Ang bagal ng usad ng kotse palibhasa first day of school kasi, nakakabadtrip tuloy. Gold Stone University, since elementary dito na ako nag-aral. Kaya Gold Stone University ang pangalan nung school kasi hindi ka makakapag-aral dito kung hindi ka mayaman. Kaya ang swerte ko kasi dito ako pina-aral ni mommy Lucy.
..........
..........
..........
..........
..........
..........
..........
..........
Wahh! Ang bagal naman 7:40 na oh! Buti nalang malapit na ako sa GSU kaya ayun bumaba nalang ako ng kotse at tumakbo papuntang school. Hindi ko kayang malate sa first day of school noh.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa GSU. Hinanap ko agad yung room ko sa room 422 kasi ako. Ayun nakita ko agad galing ko naman!
Insaktong 7:55 ay nakapasok na ako at doon ako umupo sa third row. Yun kasi ang nakahiligan ko eh. Ano kaya ang room no. ng mga bestfriends ko. Sana kaklase ko sila.
××××××××××
Lil's Note
Dear readers vote nyo sana ang new story ko. HEHE<3.
Sana magustuhan ninyo yung Chapter One nito,support nadin guys.Comment kayo ng feedback niyo about this chapter or any suggestions I will accept it heartly❤.
THANK YOU! LOVE KO KAYO <3
BINABASA MO ANG
Finally Found You
Teen FictionKababatang nawala mahahanap ko pa kaya. Syempre love will make way if kami yung itinakda. To love is to suffer and to give trust to each other. FINALLY FOUND YOU <3