Chapter 7

45 16 0
                                    

Chapter 7
Our First Fight

Ahlexa's POV

*fake cough*

"Nandito ka na pala." na-agaw ko ang atensyon niya.

"Anong kailangan mo? Napabisita ka ata." tanong ko sa kanya.

"Ah, may ibibigay lang ako sayo." sagot niya. Ano naman ang ibibigay niya? Bakit kailangan pa niyang bumisita? Pwede naman sigurong ibigay sa ibang araw diba? Ang wierd lang.

"Mukhang importante yan at napadalaw ka pa. Sige, magbibihis muna ako saglit." ani ko at tumango naman siya bilang tugon. "Umupo ka muna. Manang Fe pakibigyan po ng maiinom ang bisita ko." utos ko kay manang. Ayoko namang isipin niyang bastos akong mag-trato ng bisita. Hindi kaya ako ganon.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Ang pinaka-iniingatan kong kwarto sa buong mundo. Haha, napa-exagerate tuloy ako. Mabilis akong nakapagbihis at agad ring bumaba papuntang living room. Doon naabutan ko siyang nakikipag-usap kina manang. Tss, ano ba kasing ibibigay niya at pati sina manang kailangan pang kausapin? Pero dapat maging mabait ako dahil bisita ko siya, pasalamat siya.

"Uhm Xiann, ano ba ang ibibigay mo?" tanong ko sa kanya para maka-uwi na siya. May dinukot siya mula sa kanyang sling.

"Ah ito oh." sabi niya sabay abot sa akin. Nanlaki ang mata ko sa tuwa ng makita kung ano yung iniabot niya. "Nakita ko yan noong nabunggo kita sa CR. Kanina ko pa dapat yan ibibigay sayo kaso hindi ko nagawa kaya mas maiging puntahan nalang kita para maisauli yan." nakangiting saad niya. Wahh, hulog ka ng langit Xiann. Love na kita, joke lang hihi.

"Wahh, salamat ng marami Xiann. Ikaw ang sagot sa mga dasal ko. Thanks for bringing my purse back. Ang buong akala ko ay hindi na maibabalik to. Thanks a million talaga." papuri ko kay Xiann. Mabuti nalang at naisipan niyang isauli sa akin ang purse ko. Hindi naman pala siya masamang tao.

"A-Ah Ahlexa." si Xiann yun.

"S-Sorry, nabigla lang ako. Pero salamat talaga at binalik mo sa akin to." paliwanag ko. Kainis kasi eh, hindi ko namalayang napayakap na pala ako sa kanya sa sobrang tuwa. Natuwa lang ako. Okay!?

"I see. Sige mauna na ako, madilim na sa labas eh." pagpapaalam niya.

"Sige hatid na kita sa gate." ayun, umalis na kami sa bahay. Nagpaalam muna siya kina manang, syempre.

Sa gate.

"Ah sige Ahlexa uwi na ako. Maghihintay muna ako saglit ng taxi dito." aniya.

"Sige, ingat pauwi." at kumaway ako sa kanya.

Pabalik na sana ako sa bahay ng...

Umalan. Hindi lang basta ulan. Kung hindi napakalakas na ulan.

Bigla Kong naalala si Xiann. Waahh, wala siyang payong. Panigurado hindi pa yun nakaalis.

Pupuntahan ko ba siya o hindi? Wag nalang, baka nakasakay na yun sa taxi. Paano kung hindi pa? Paano kung magkasakit siya? Papatayin naman ako ng konsensya ko. Waahh, bahala na. Hindi ko siya pupuntahan. Pero inuusig talaga ako ng konsensya ko eh.

"Langya, ang basa ko na." matagal na siguro akong nakatayo doon. Grabe, wet na wet ako. Wag kayong green guys.

"Ahlexa, iha pumasok ka na sa loob. Mukha ka ng basang sisiw diyan. Baka magkasakit ka pa niyan. Pumasok ka na rito." sigaw ni Manang Myrna. Waahh, nag-aalala sila sa akin. Ganon din ako sa sarili ko pero mas nag-aalala talaga ako kay Xiann. Napaka-walang utang na loob ko naman kung hindi ko siya tutulungan.

Tumakbo ako papuntang gate. Leche, wala na siya. Sana hindi nalang ako pumunta dito. Tsk, ang tanga ko pala kainis.

Agad akong nagtungo sa loob ng bahay at binigyan naman ako ni Manang Myrna ng towel para magpatuyo. Pumunta agad ako sa kwarto para magbihis ulit. Mabuti nalang at binalik ni Xiann yung purse ko. Tama, yung purse ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finally Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon