Chapter 5
Unlucky? Well, That's Me
Precious's POVWAAAAHHHH!
"Mom, si kuya ginulo ang buhok ko! Kuya, nakakainis ka!" sigaw ko. Kainis kasi si kuya eh. Ang tagal ko kayang binlower ang buhok ko.
Nag-aayos ako ngayon kasi pupunta ako kay besty, sasamahan ko siya today. Wala kasi siyang kasama at saka bonding-bonding narin.
"Ano ba Ralph, titigil kayo ni Precious o titigil kayo ni Precious?" maawtoridad pero nakakatawang sabi ni mommy. Kaya love ko yang si mom eh.
"Mom, aalis na po ako. Ang panget kasi ng kapatid ko eh." si kuya yun. Kahit kailan talaga ay hindi pumapalya si kuya pagdating sa pang-iinis.
"Ok, sa shop lang ako mamaya mga anak." sabi ni mom. "Umalis kana kuya. Ang panget mo rin." pahabol ko kasi nakita kong paalis na siya. Ganon talaga kami ni kuya Ralph, unahan lang.
"Anak baka gusto ninyong mamasyal ni Ahlexa doon sa Pastry Shop, pwede kayo roon. Nakaka-enjoy rin namang bumisita sa shop. Pag bumisita kayo,tiyak na hindi kayo magsisisi." suhestiyon ni mom habang nanonood ng TV. Ok, baka trip rin ni Ahlexa. Mahilig kasi sa sweets yun, kaya ang sweet niya rin pag hindi naiinis.
"Ok mom, bye." pagpapaalam ko kay mommy. Aware naman siya na pupunta ako kay Ahlexa today. Bukod sa alam ni mom na bestfriend ko siya, close rin sila ni mommy. Mag business partners kasi yung mga magulang namin eh.
Nag-dress ako ngayon ng red and white stripes na above the knee yung length. Then white rubber shoes for my footwear and nakalugay ang mahaba at itim kong buhok na may kulot sa dulo nito. Mas prefer kasi namin ni Ahlexa na mag-dress every weekends eh. Ganon kami!
Pagkadating ko sa bahay nila Ahlexa, namataan ko siya sa munting flower garden niya. Bukod sa sweets mahilig rin siya sa mga flowers. Sa katunayan, mag-isa niyang ginawa ang garden niya. Mukhang nagsa-sight seeing siya. Sabagay, maganda naman talaga ang ang mga bulaklak sa garden niya lalo na't maganda ang pagka-ayos at pagka-alaga sa mga ito. As in maganda!
"Uy besty, kanina ka pa ba diyan? Sorry kung hindi kita napansin. Natutuwa lang kasi ako sa mga flowers ko. Ang healthy nila. Ang ganda mo yata ngayon ah." nakangiting sambit ni Ahlexa. Mabiro talaga siya paminsan-minsan. Yeah, nakakagaan nga sa pakiramdam tignan ng mga flowers niya.
"Asus, maganda karin naman eh at saka kakarating ko palang. So, saan na tayo today?" sabi ko sabay lapit sa kanya. Ang ganda at ang sexy ni besty ngayon. Nakasuot siya ngayon ng dress na backless. Ito ay kulay blue na may hindi gaano kalaking white ribbon sa likod niya. Then, white rubber shoes din for footwear at nakatirintas ang kanyang buhok. Tulad ko nakalight make-up lang din siya. Ganda! Ganyan kami every weekends. Magaganda, hahaha!
"Actually, hindi ko nga alam eh. Wala akong maisip na magandang gawin today besty." aniya. So, sa akin na naman ang pasya. Paano kaya kung dalhin ko siya sa shop? Yeah tama, matutuwa si mommy nun.
"Besty may naisip ako. Paano kung doon nalang tayo sa pastry shop namin ngayon. Sabi ni mommy magugustuhan mo raw pag pumunta ka doon eh." suhestiyon ko. Nakita kong napangiti siya. Tiyak miss niya na si mommy. Wagas pa naman kung makayakap yan, lol!
"Talaga? Sige besty, punta tayo sa pastry shop niyo. Miss ko na rin si Tita Eli eh." tugon niya na para bang nai-excite. Matagal-tagal narin kasi silang hindi nagkita eh.
Elisabeth Castillo, yan ang name ni mommy. Mommy Beth ang tawag namin ni kuya sa kanya, while Lisa naman ang tawag sa kanya ng mga relatives at business partners niya, habang Tita Eli naman ang tawag sa kanya ni besty. Si besty lang ang tanging tumatawag sa kanya ng ganon. Si Dad, nasa states for a business project kasama ang parents ni Ahlexa. Kawawa nga si besty eh, naiwang mag-isa.
BINABASA MO ANG
Finally Found You
Подростковая литератураKababatang nawala mahahanap ko pa kaya. Syempre love will make way if kami yung itinakda. To love is to suffer and to give trust to each other. FINALLY FOUND YOU <3