Chapter 3
Ugh, They Ruined My DayAhlexa's POV
Maaga akong gumising kasi maaga ring gumising si Precious. Ewan ko ba dun, hindi man lang nagpaalam sa akin. Hinayaan ko nalang siya. Baka nagmamadali lang siyang pumasok sa school. Ganon siya eh, laging nang-iiwan sa ere!
Kakatapos ko lang mag ayos at kumain. Kasalukuyang nagpapahatid na ako kay manong Dino papuntang GSU. Ayokong maabutan pa ng traffic.
Biglaan na naman huminto yung kotse. Tumingin ako sa labas, traffic na naman. Araw-araw na ba to? Takte, nakakainis. Pasensya na sa pananalita ko, medyo moody lang talaga ako. Good girl naman ako eh. Ayaw lang talaga papigil ng bibig ko, tsk. Badtrip lang po.
Nasa harap na ako ng GSU ngayon. Mabuti nalang at nakarating ako dito ng maaga. Makatingin na nga lang sa phone. 7:00AM pa naman. Magrereview na nga lang ako, may quiz kasi kami mamaya eh.
*Kringgg*
Ayun lunch break na. Nagbago ata yung tunog ng bell ah. Sabi ni Dave sabay na daw kaming kakain ng lunch kasama si Precious.
Dire-diretso lang ako papuntang cafeteria. Tiyak, sigaw na naman salubong sa akin. Hindi na nagbago ang ganitong eksena sa aming tatlo. Kung sino yung huling dadating ang siyang magiging alipin. Kaya nga ako nagmamadali eh, mukhang nauna na sila kasi wala sila sa room.
Hindi nga ako nagkamali, nauna na nga kesa sa akin yung mga besty ko. Tanggap ko na ang parusa ko. Ako ang manlilibre, ako ang magseserve, ako ang tatanggap ng anumang utos nila, at iba pa.
"Uy, Ahlexa ang aga-aga mo namang dumating." sabi ni Dave habang suot ang kanyang malapad na ngiti. Aaminin ko cute siya ngayon. Pero hindi dapat ako magpadala sa ngiti niya. Alam ko na may binabalak na kalokohan tong tukmol nato.
"Heh! Tumigil ka nga Dave. Ang hilig mong mangasar. Ahm besty, isang hiwa lang ng fried chicken yung sa akin. May baon naman akong dala." request ni Precious. Mabuti nalang hindi pa ako mabubutasan ng bulsa sa request niya. Pero itong si Dave na kanina pa ngiti nang ngiti, alam kong siya ang makakabutas ng bulsa ko. Takte, baka wala na akong makain dahil mauubusan na ako ng pera.
"Ok. Ikaw baliw na kanina pa ngumingiti anong kakainin mo?" tanong ko sa kanya na may halong pagkairita. Nyeta kasi, hindi ko maiwasan maging bad pagnapipikon ako.
"Sungit mo! Gusto ko afritada at saka lumpia. Yung kanin dapat dalawang cup ha. Tsaka juice narin para kumpleto. Nagutom kasi ako sa kakahintay sayo eh." order niya. Parang ginawa niya na akong waitress eh, hindi bagay sa beauty ko hehe. Dahil dun binigyan ko siya ng masamang tingin.
"At saka lagy--" pinutol ko agad. May balak pa yatang dagdagan eh.
"Oo na. Bibili na po." sambit ko at pumila na. Buti nalang at hindi mahaba yung pila kaya nakabili ako agad.
"Oh, heto na ang pagkain niyo. Alis muna ako saglit, CR lang ako." inilapag ko na ang pagkain at dali daling lumabas.
*BOGSSHH*
Syete, sa pagmamadali ko may nabunggo ako. Nyeta, sino ba to ha? Hindi ba niya ginagamit ang mata niya. Nakakairita lang kasi minamaliit yata yung height ko. Asungot!
"Heh! Sino kaba ha. Ano matangkad kana sa tingin mo o bulag ka? Hindi ka kasi tumigin sa dinadaanan mo. NYETA! NAGMAMADALI AKO TAPOS ANO BUBUNGGUIN MO AKO. WHAT THE HELL! MUKHANG WALA KANG MODO NGAYON AH AT NAISIPAN MONG BUNGGUIN AKO! Tangna." tsk, hindi ko tuloy napigilan mag mura. Kainis kasi eh.
"Hey, sorry kung nabunggo kita. Ayos ka lang ba? Pero teka ang lakas naman yata ng loob mong sigawan ang pamangkin ng owner ng school nato. HINDI MO BA ALAM NA AKO SI XIANN GONZALES. TAPOS AKO PA NGA TONG NAABALA, AKO PA ANG MASAMA. TALAGA LANG HA, PUNYETA NAMAN PAANO KUNG NABASA YUNG MGA LIBRONG DALA KO EDE WALA NA AKONG PAGAARALAN. TUMABI KA NGA! TANGA!" sigaw niya sa akin. So, ganyan siya. Never ko pang iisipin na siya yun. Eww! kadiri ng ugali niya. Nagiging mataray tuloy ako. Duh, what then.
BINABASA MO ANG
Finally Found You
Novela JuvenilKababatang nawala mahahanap ko pa kaya. Syempre love will make way if kami yung itinakda. To love is to suffer and to give trust to each other. FINALLY FOUND YOU <3