Chapter 4
Just So CuriousXiann's POV
Ang sarap talagang maglakad dito sa hallway ng GSU. Ang daming chicks na sexy at magaganda. Nakakabusog sa mata. Hahaha, tutulo na yata ang laway ko pag hindi ko to napigilan.
"Ang gwapo gwapo naman nung guy. Para siyang si oppa. Nakaka-inlove talaga." -girl 1
"Astig! Lakas ng appeal. Panigurado mapapasakin din siya." -girl 2
"Wag na kayong mangarap girls. Magiging akin din siya, just wait." -girl 3
Ang gwapo ko talaga! Hehe, yun ang sabi nila. Hindi ako magsasawang pumasok sa GSU kung ganito kaganda ang bati nila sa akin araw-araw. Nakakaproud at nakakataas ng self esteem. Ilabas mo ang nakapapatay mong ngiti Xiann, syempre maganda ang lahi eh.
"OMG! Nginitian niya ako girls. I'm gonna die, I can't breath." -girl 2
"Wag ka ngang feeler. Sa akin kaya siya ngumiti. Masyado ka lang assuming." -girl 1
"Hep hep hep! Padaan kami. Eh, sa akin naman talaga siya ngumiti eh. Bye girls." -girl 4
"Yabang mo! Wala ka namang binatbat. Mukha ka namang paa." -girl 3
"Ok, hindi ako magagalit sa sinabi mo dahil hindi naman yun totoo. Mainggit ka!" -girl 4
Grabe, ang lala na talaga ng taglay kong kagwapuhan. Pati ngiti ko ay kanilang pinag-aagawan. Pero may isang chick na palapit sa akin at may kasama siyang chick din na nakatingin lang sa baba. Nakakaagaw ng atensyon. Para bang ayaw niyang humarap sa akin. Kaya siguro hindi siya makatingin sa akin kasi nasisilaw siya sa kagwapuhan ko. Talaga ngang mahirap ang maging gwapo.
"Hi boy. Ako nga pala si Precious Grace Castillo, you can call me Precious. Let's be friends." sabi nung chick na bumara sa ibang girls sabay lahad ng kamay niya sa akin na para bang naghihintay ng tugon. Syempre kinuha ko, maganda kaya siya. Masarap siguro kasama, tsaka kailangan ko rin ng maraming friends for my popularity. Eh, transferee lang ako eh.
"Ok, Precious. I am Xiann Gonzales. Xiann na lang." sambit ko sa kanya. Nakakapagtaka lang, bakit Hindi kumikibo yung kasama niya? Eh, bakit ba? Ano bang pakialam ko? Syempre may pakialam ako kasi mababawasan ang mga fans ko, hehe.
"Xiann, great! It's nice." sabi ni Precious.
"Yours too, Precious." hindi lang yung pangalan pati siya maganda. But, interested talaga ako sa babaeng kasama niya eh. Mysterious.
"Ahm Precious, alis muna ako. Tutal friends na naman kayo." at sa wakas nagsalita rin. Pero bakit aalis na siya? Ng nakayuko? Ang wierd.
Hinabol ko siya. Kitang kita sa mga mata nila ang pagkagulat lalo na yung kasama niya. Sino ba siya? Bakit parang gusto kong makita ang kanyang itsura at maging kaibigan siya? Ang wierd, lahat ay wierd.
Ahlexa's POV
Nandito kami ngayon ni Precious sa cafeteria, hindi namin kasama si Dave kasi practice nila. Tahimik lang akong kumakain dito ng lunch kasi itong si Precious kanina pa umiiyak. Hindi ko siya maintindihan. Hindi narin ako nag abala pang tanungin siya. Pero hindi ko na talaga matiis, tatanungin ko na siya. Hindi ko kayang nakikita siya ganyan, bestfriend ko eh.
"Hmm Precious, kain kana. Ano ba kasi ang problema mo at wagas ka kung umiyak? Ang panget mo na tuloy." malumanay kong tanong sa kanya. Hindi ko talaga magets. Ang gulo. Pero sabagay baliw naman siya eh, kaya siguro siya umiiyak kasi nababaliw na siya.
"Huhuhu, yung crush ko kasi interesado sayo. Naiinggit ako besty. Huhu, hindi ka naman siguro interesado sa kanya diba? Besty, pag naging close kayo, ireto mo ako ha." sagot niya sa tanong ko. Wow! Grabe ang babaw ng dahilan niya para sayangin ang luha niya. Wala akong balak makipag close sa Xiann na yun noh. Friends na sila diba? Hindi na kailangan ni Precious ang tulong ko. Pero nakakapagtaka, bakit ba ginawa yun ni Xiann kanina. Siguro nga interesado siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/143162765-288-k614672.jpg)
BINABASA MO ANG
Finally Found You
Novela JuvenilKababatang nawala mahahanap ko pa kaya. Syempre love will make way if kami yung itinakda. To love is to suffer and to give trust to each other. FINALLY FOUND YOU <3