Prologue

111 44 10
                                    


-----------------PROLOGUE-----------------

NBSB.

No Boobs Since Birth este No Boyfriend Since Birth. Yan ako! Ang saya noh? *sarcastic tone*

"Precious, bakit ba single parin ako?" tanong ko sa besty ko. Curious ako mga teh.

"Ewan ko ba sayo Ahlexa. Maganda ka naman kamukha mo nga si Liza Soberano eh, sexy, matalino, mabait, at sossy ka nga kung tignan eh. Siguro hindi ka pa handang magmahal. Manhid ka eh." yun ang sabi niya.

HAHAHAHAHAHAHAHA. May topak ata tong besty ko.

Akalain mo idinescribe pa ako. Sinabi pa niya na kamukha ko si Liza Soberano. HAHAHAHAHAHAHA.

Sa totoo lang. Handa naman akong magmahal eh.

Hinahanap ko lang talaga ang the one ko. Yung ideal man for me.

Actually hehe napapa-english na ako. Actually I already found him.

Matagal na. Pakiramdam ko kasing siya na eh.

Pero iniwan niya ako.

Ngunit, sabi niya na babalik siya at alam ko na babalik siya.

All I have to do is wait and he will come. Tiis lang.

"Huy, ang lalim ng iniisip ng besty ko ah. Siguro iniisip na naman niya si Dave. Haysst nako Ahlexa pakipot ka pa eh.Halata naman na feelings is mutual kayong dalawa. Huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano pa. Pasalamat ka nga at pinahahalagahan ka ni Dave. Nandiyan naman si Dave para sayo. Alam Kong pansin mo rin, gusto ka niya. Pero hindi mo man lang sinuklian. Duh, alam ko namang may hinihintay ka. Hanggang kailan besty?"

Kahit kailan talaga ay napakabaliw nitong si Precious.

Siguro nga tama si Precious. Pero hindi ko inaalis ang tiyansang makakabalik pa siya sa piling ko dahil kahit ako mismo ang gagawa ng paraan upang makita lang siya ulit, gagawin ko.

I Miss You.

*puk*

"ARAAYYYYY!" daing ko.

Sino kaya yung bumatok sakin. Malalagot ka talaga ngayon.

Yung feeling na ang dami mong iniisip tapos bigla ka nalang babatukan ng kung sino. Haysst, kainis nakakabadtrip tuloy.

"WALANG HIYA KA DAVE! TUMAKBO KANA HABANG MAY PAA KAPA KUNG HINDI AKO TALAGA ANG TATANGGAL NG MGA YAN PARA SAYO. ANG SAKIT NG BATOK KO, MAABUTAN LANG KITA SISIGURADUHIN KO TALAGANG BASAG YANG BUNGO MO. DAVE!" sigaw ko sa kanya, kaya ayun kumaripas ng takbo hindi ko tuloy mahabol.

"HABULIN MO AKO KUNG KAYA MO. BILIS ANG BAGAL MO NAMAN AHLEXA!" sagot ni Dave, boybestfriend ko. Hinahamon pa yata ako nito. HUMANDA KA TALAGA!

"Ayieeeee, ANG SWEET NAMAN NINYO NILALANGGAM TULOY AKO RITO!" sigaw ni Precious sa amin habang ang lawak ng ngiti.

Mabuti nalang at meron akong bestfriends na mga baliw. HEHE!

Sila lang kasi ang nasasandalan ko ano mang oras at pag tuwing malungkot o may problema ako lagi nila akong kinocomfort at pinapasaya. Syempre that's what friends are for nga diba.

Pero mas masaya talaga ako kung nandito lang sana siya.

Be back.




××××××××××

Lil's Note

Hi dear readers.
Sana magustuhan niyo ang bago kong story.

Kahit alam kong walang magbabasa at least kahit merong isa na makaka-apreciate sa work ko.

Please support it guys.

Mas maaappreciate ko kayo if like nyong mag comment at mag vote sa story ko.

Follow me for more updates.

Thank you guys.

Love Lots. 😘❤

Finally Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon