Chapter Twenty-Two

453 18 4
                                    



"Salamat po sa lahat, Tita." nakangiti kong sabi.

Binuhat na ni Yoongi yung maleta ag bag ko. Tumango lang si Tita. Lilipat na kasi ako. Tumingin naman ako sa munting bahay namin ni Tita. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Bibisitahin kita dun. Wag kang magalala, Rain." sabi ni Tita at ngumiti.

Tumango nalang ako. Bumusina si Yoongi, sign na ready na ang lahat. Nginitian ko nalang si Tita at pumasok na ako sa loob ng kotse. Nagpatulong lang ako kay Yoongi saka hindi ko pa kasi masyadong kabisado ang way papunta sa bago kong apartment.

Nagsuot ako ng seatbelt. "Paano ka nga pala papasok? Hindi mo pa kabisado ang way." wika ni Yoongi.

"Kaya yan." sagot ko at inilagay sa tenga ko ang earphones.

Pinapanood ko lang ang mga sasakyan na nakakasabay namin. Miss na miss ko na si Mama. Hanggang ngayon, hindi ko parin kung sino ang gumawa sakanya non. Hindi ko nga parin nababasa yung files na nakuha sa Principal namin sa sobrang busy ko. Babasahin ko na nga mamaya.

Hindi rin nagtagal, nakarating narin kami sa apartment. Inabot sakin ni Yoongi ang susi. Binuksan ko ang apartment ko.

Nilagay ni Yoongi ang maleta at bag ko sa sofa. "Linis muna tayo." sabi ko.



******

Mabilis naming tinapos ang paglilinis. Naghanda ako ng meryenda at juice dahil alam kong napagod rin si Yoongi. Nilagay ko sa lamesa ang pagkain namin.

"Thank you talaga. Sana hindi ma misinterpret ng girlfriend mo yung mga tulong na binibigay mo saakin." sabi ko at ngumiti.

Nagiba naman ang aura ng mukha ni Yoongi. Napalunok naman ako bigla. Nagtitigan kaming dalawa for a moment. Bigla siyang nagsalita, "Wala ka bang feelings saakin kahit unti?" tanong nito.

"Ano bang sinasabi mo?" medyo naiinis kong tanong.

Aware naman siyang may girlfriend na siya right? At aware rin siya na hindi dapat yung ginagawa niya.

"Manhid ka ba? I still love you, Rain." sabi ni Yoongi at hinawakan ang kamay ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Mahinahon kong tinanggal ang mga kamay niya sa kamay ko. Bumuntong hininga ako. Lumapit ako kay Yoongi at niyakap ko siya nang mahigpit.

"Yoongi, mahal rin naman kita." sabi ko, "As a friend."

Bumitaw ako sa yakap ko. Nakita ko ang mga namumuong luha ni Yoongi. "I'm sorry." wika ko at yumuko.

Sa mga bagay na tinulong at ipinaranas sakin ni Yoongi, feeling ko isa akong walang kwentang babae dahil sa pagpapaiyak ko sakanya. Oo, umamin siya saakin dati pero akala ko nagbago na yung nararamdaman niya dahil girlfriend niya na si Loren. Sige.

Siguro nga, manhid ako.

"It's fine. Pero sana dumating yung oras na ako yung mamahalin mo. Please kalimutan mo na si Jimin." umiiyak na sabi ni Yoongi.

Napakagat naman ako sa labi ko. I hate seeing him like this. Hindi ako sanay. "Please love me back, Rain." wika niya.


*********

Pumasok ako sa loob ng Library. May hinahanap kasi akong aklat, inutos lang saakin ni Lucas dahil nanghihingi siya ng tulong. Siguro, napepressure siya kasi medyo late na siya nagtransfer dito sa Campus. Nakatutok lang ako sa pagpili ng libro. Hindi ko namalayan na may estudyante palang nasa harapan ko.

Ending, nagkauntugan kami. "Sorry po." sabi niya at nagbow. Napangiti naman ako nang mamukaan ko siya. Siya yung nerd na tumulong saamin ni Loren dati sa Canteen.

"Anna? Hala, ngayon lang ulit kita nakita." sambit ko at niyakap siya.

Medyo nailang naman si Anna sa ginawa ko. Pasensya na, naexcite lang talaga ako. "Oo nga po. Busy narin po kasi ako, malapit na magend ang school year." sagot niya.

"Tara. Punta tayo sa Coffee Shop." yaya ko.


********

Umorder kaming dalawa ng drinks. Kalog pala at matawanin si Anna. Medyo mahiyain lang talaga siya kapag hindi pa kayo masyadong close or kapag first time lang kayo nagmeet. She's also funny. Feeling ko magiging masayahin siyang kaibigan.

"Kamusta naman lovelife mo? Andami ng rumors na kumakalat na ikaw daw ang dahilan sa break up ni Jimin at Ericka." biglang sabi ni Anna at ininom ang kape niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Anna. Break up? "W-Wala na sila?" tanong ko. Tumango naman si Anna.

"Hindi mo pa ba alam?"

Napaisip naman ako. Ako ba talaga ang dahilan? Kung ako, pwes kailangan kong itama ang mali ko. Hindi ko pwedeng hayaan nalang masira ang relasyon nila nang dahil saakin.

Tumawa naman si Anna, "Wag mo na 'yong isipin. Basta wala ka namang ginawa diba?"

Nakatulala lang ako. Alam ko naman na mahal na mahal ni Jimin si Ericka. Mahal din naman ni Ericka sa Jimin. Pero bakit? Paano naman sila naghiwalay? Hindi naman naging kami ni Jimin ah. Pinigilan ko naman ang nararamdaman ko nung wala siya. Kahit alam kong wala akong ginawa, bakit parang naguguilty parin ako? Feeling ko may mali parin akong nagawa na hindi ako aware don.

Pinatunog naman ni Anna ang mga daliri niya kaya nabalik ako sa katinuan, "Sorry, may naisip lang ako bigla." sabi ko at uminom ng kape.

"Kaya nga. Mukang malalim pa." dagdag niya.

Ngumiti nalang ako. "Nasaan nga pala yung kaibigan mong isa? Nakalimutan ko na yung name niya." tanong ni Anna. She must be talking about Loren.

"Nasa Campus. Hindi na kami masyadong nagpapansinan." sagot ko.

Nagulat naman si Anna. "Parang hindi naman halata. Nakita naman ng mga mata ko na concern na concern siya sayo nung araw na 'yon." wika ni Anna.

Hindi nalang ako sumagot. Maski ako, hindi ko rin naman alam kung bakit naging ganon kami ni Loren. Basta ang alam ko, she began to hate me. Hanggang sa nagtagal, halos hindi na kami magpansinan. Eto na kami ngayon. Dati, sobrang close namin at siya pa yung nandyan kapag umiiyak at malungkot ako. Ngayon siya naman ang dahilan kung bakit ako umiiyak.

Ang bilis talaga magbago ng mga tao ngayon. Parang wala lang sakanila yung pinagsamahan niyo. "I know. Hindi ko rin naman alam yung dahilan kung bakit ganon si Loren." wika ko.

"Wag kang magalala. Nandito naman ako eh." nakangiting sabi ni Anna.


*********

😹

Falling for Park Jimin | Park Jimin X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon