Chapter Thirty Two

434 18 7
                                    


Rain's POV

Pumasok agad kami ni Jimin sa loob ng Police Station. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya nagtaka ako. Bakit parang wala na kong nararamdaman? Agad naman itong nawala sa isip ko nang nagsalita si Jimin.


"Hindi ko alam kung bakit nakita nila ang fingerprints ni Suga sa knife. Pero alam naman nating lahat na nasa venue si Suga nung oras na 'yon." sabi ni Jimin.

Isa pa, hindi naman masamang tao si Suga at hindi niya 'yun magagawa. Pumasok kami sa isang kwarto ngunit isa lang ang pwedeng makausap kaya ako lang ang nakapasok.

Nakita ko ang blankong mukha ni Suga sa salamin, "Suga, tutulung—"

"Rain, bago niyo ko tulungan. Gusto kong alamin niyo muna ang killer." putol ni Suga sakin.

Napalunok nalang ako. Pinipilit naming alamin kung sino ang tao sa likod ng krimen. Wala akong palalagpasin dito pero kailangan ko ng oras. Mautak ang killer. Malinis gumawa.


"Suga, ikaw ang priority. Kailangan mong makalabas dito dahil inosente ka!" sagot ko.

"Priority nino?"

Hindi ako sumagot sa tanong ni Yoongi at tumayo nalang. Hindi kami magkakasundo ni Yoongi kung hindi siya makikinig sakin. Lumabas ako sa kwarto at nakita si Jimin na naghihintay habang nakasandal da pader.

"Ano sabi niya?" tanong agad ni Jimin.

"Gusto niyang pagtuunan natin ng pansin ang paghahanap sa killer. Impossible naman kasing hindi tayo magalala sakanya." sagot ko.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Yoongi. Pero hindi niya naman to gagawin kung walang dahilan diba?

"Baka meron kang nakaaway. Masama ang loob sayo." sabi ni Jimin.

"At sino naman 'yon? Iisa lang ang naging kaibigan ko noon." sagot ko kay Jimin at pumasok na sa kotse niya.

Si Ericka lang naman ang nakaaway ko. Pero, kung siya nga ang killer, bakit? Bakit pati ang mga inosenteng tao idadamay niya?

Bakit pati nanay ko? Sinimulang paandarin ni Jimin ang kotse. "Hahatid na kita sainyo." sabi niya.

"Kain muna tayo."

Tumango lang si Jimin. Biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Anna.

"Hello?"

[Rain, where are you?]

"I'm with Jimin. Why?"

[Late na. Super late na, bakit wala ka pa sa bahay niyo?]

"I'm with Jimin nga kasi."

[Ah. San kayo galing? May updates na ba?]

"No. Ayaw makinig saamin ni Yoongi."

[Okay. Be safe.]








Binabaan ako ng telepono ni Anna. Kahit kaunting oras ko lamang nakausap si Anna, naging magaan ang loob ko sakanya. May something sakanya na sobrang hinahanap hanap ko.


Maybe, a love from a friend.





Nagdrive-thru kami sa Mcdo. Ayaw niya daw kumain sa loob. "Kain tayo sa presko." sabi niya.


Tumango nalang ako. Nagaalala parin ako sa kalagayan ni Yoongi sa kulungan. Anong sasabihin ng parents niya lalo na kapag nalaman na ako ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito?

Ano ba kasing meron saakin?

"Don't think too much. We'll find a way soon." ani Jimin.


**********

Nilagay niya ang pagkain sa harap namin. Nandito kami sa grass. Yes, ilaw ng buong city ang silbing liwanag saamin. I'm loving the view.


Napahiga nalang ako. "Ang ganda ng mga tala 'no?" wika ko at tumingin sakanya na nakahiga narin pala.

He smiled, "Kasing ganda mo."

I laughed. "Pafall ka din 'no?" wika ko at pinitik ang ilong niya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya natigilan ako sa pagtawa.

"I mean it."

"And so?"

"I love you."


Napatulala nalang ako sa mga tala. "I really do, Rain." dagdag niya.


I closed my eyes. This is just a dream. Diba wala na akong feelings kay Jimin? Wala na diba? Hindi na pwedeng ibalik. Mas mahihirapan kami.


"No. You're kidding, Jimin." sabi ko at umupo.

"Mukha ba talaga akong nagbibiro, Rain? I love you. Mahal kita." ulit niya muli habang nakahiga, pinagmamasdan niya ang mga tala.


"Jimin naman eh. Nagugulat naman ako sayo." mahina kong sabi habang hinihilot ang puso ko.

Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit. "I love you. That's true." bulong niya saakin at hinalikan ako sa noo.

Napapikit nalang ako. This is my dream. Panaginip lang kaya 'to? Ang sarap sabihing 'iloveyoutoo'. Kaso, wag nalang.

"Jimin, marami pa tayong kailangan ayusin. Let's forget this for now." sagot ko.

He kissed me again, "Naiintindihan kita, Rain."




________

"Sure ka ba diyan? Ayaw mo talagang bigyan ng chance ang Daddy mo?" tanong ni Anna habang kumakain ng Ice Cream.

Hindi ako sumagot. Masama parin ang loob ko kaya ayoko muna siyang makita. Bakit ngayon pa? Hinintay ko siya simula nung bata pa ako, ramdam ko ang pagpatak ng oras na wala siya tapos bigla siyang babalik saakin?

Hindi ko makakalimutan lahat ng sakripisyo na ginawa ni Mama. At hindi rin ako matatahimik hanggang hindi ko rin alam kung sino ba talaga ang pumatay kay Mama. Mga walang awa na tao.

"I don't know." mahina kong sabi.

Nagsigh lang si Anna. "Wait a second, may bibigay ako sayo." wika ni Anna at umakyat sa taas.

Biglang rumating ang Maid niya sa bahay na may dalang juice. "Salamat po. May tanong po sana ako sainyo, Manang." bati ko.

Inilapag ni Manang ang mga inumin sa lamesa. "Ano 'yun, Anak?"

I smiled. "Nasaan po si Anna kagabi?"


"Hindi ko alam, Anak. Pero, wala siya dito magdamag."




Hindi ako kumibo. "Okay po." sagot ko.


Bumalik si Manang sa kusina at nilagay ko sa isang maliit na container ang juice na ibinigay niya saakin. Bumaba na galing sa hagdan si Anna na may dalang box.

She slowly opened it. It's a gold bracelet.


"Para saan naman 'yan?" tanong ko.


"For you. Gift ko sayo." nakangiti niyang sabi at hinawakan ang kamay ko.


Hindi ko siya pinigilan. Isinuot niya saakin ang bracelet. "Pasensya na kung ayan lang yung maibibigay ko sayo." wika nito.


"I appreciated it, Anna. Thank you." sagot ko.


***************

"Miss, alam mo bang may lason dito?" tanong ni Mr. Lomat.

Napakagat ako sa kuko. May lason sa juice na binigay ni Manang. "Magiingat ka." paalala niya.

I nodded. "Wag ka basta basta tatanggap ng anumang bagay, Rain. Masyadong delikado ang buhay mo."

Tumalikod muna ako kay Mr. Lomat.


Anna is very suspicious.

Falling for Park Jimin | Park Jimin X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon