Chapter Fourteen

496 19 0
                                    

Rain's POV

Bumisita ang mga kamaganak ni Mama at Tita sa lamay ni Mama. Nakaupo lang ako sa gilid. Hindi ako makalapit sa kabaong ni Mama. Hindi ko matanggap na patay na ang Mama ko. Umakyat ako sa taas at nagkulong sa kwarto ko.

Mahina akong umiiyak. "Mama. Bakit kailangan mong mawala?" bulong ko. Biglang may familiar na engine na tumunog kaya sumilip ako sa bintana. Nakita ko si Jimin at Ericka.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at bumaba. Nakita kong sinalubong sila ni Tita. "Nasaan po si Rain?" rinig kong tanong ni Ericka. Sumilip ako sakanila.

"Ahh. Nasa loob siya. Teka, tatawagin ko lang. Umupo kayo." sabi ni Tita. Nagpanggap naman ako na hindi ko sila nakita.

Pagpasok ni Tita sa loob, "Rain! Nasa labas ang mga kaibigan mo." wika niya.

Ngumiti ako. "Puntahan ko lang po."

Lumabas ako at nakita ko si Ericka at Jimin na nakaupo. Agad namang tumayo si Ericka at niyakap ako. Of course, i hugged her back. Nginitian ako ni Jimin habang yakap yakap ko si Ericka.

"Rain, i'm sorry for your lost. We're here for you." wika ni Ericka.

"Salamat sa pagpunta niyo. Nakita niyo ba si Yoongi?" tanong ko.

Umiling si Ericka pero biglang nagsalita si Jimin, "Kami ang kasama mo ngayon, bakit mo hinahanap si Yoongi?"

Hindi naman ako kumibo sa sinabi ni Jimin. Pinanlakihan siya ng mata ni Ericka. "Pagpasensyahan mo na si Jimin, kanina pa 'yan." naiinis na sabi ni Ericka.

"Okay lang. Gusto niyo ba ng maiinom?" tanong ko.

Habang kausap ko si Ericka, hindi ko parin maiwasang tumingin kay Jimin. Nasasaktan ako. Pagod na pagod na akong magpanggap na ok lang ako sa harapan nilang dalawa.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Ericka ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sinabi ba sakanya ni Jimin yung mga nangyari nung nasa ibang bansa siya.

"Hindi na, Rain. Hindi kami magtatagal." sagot niya at ngumiti. Dahil nga sinabi nila na hindi na sila magtatagal, umalis na sila.

Papasok na sana ako ng bahay ng may humawak sa wrist ko. Wala pang isang segundo, may kayakap na ako. Bumilis agad ang pagtibok ng puso ko.

"Rain. Staystrong." he said. Nanlaki ang mga mata ko.

Niyakap ako ni Jimin.

Bumitaw naman siya agad. "Thank you, Jimin." sabi ko. Ngumiti lang siya at naglakad palayo.

Tumalikod ako at pumasok sa harap ng bahay namin.

*************

Nilagay ko sa locker ang mga aklat na hindi ko na gagamitin. Isang month nalang graduating na ako. Magcocollege na ako. Oh, baka maghahanap nalang ako ng trabaho.

I don't know. Hindi ko pa sure. Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko. "Girl! Lumabas na kung sino yung nanalo!" sigaw ni Ericka.

Kumunot naman ang noo ko. Nanalo saan? Hinatak niya ako papunta sa board ng School. Dito sinusulat o nilalagay yung mga announcements or news sa Campus namin. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Nanalo kami ni Jimin!?" sigaw ko. Tumango tango naman si Ericka. Nagyakapan naman kami ni Ericka habang tumatalon-talon. Ang saya ko!

Nakita ko si Yoongi na naglalakad sa hallway, napangiti ako. "Ericka, may pupuntahan lang ako." sambit ko. Tumango lang siya.

Tinakbo ko ang hallway at hinatak ko ang hoodie na suot ni Yoongi para mapigilan ko siya sa paglalakad. Nalaglag ang earphones niya at pagsabay ng kanta.

Falling for Park Jimin | Park Jimin X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon