Chapter Thirty

434 17 1
                                    



Rain's POV



"Kamusta ka na?" tanong ni Jimin.


Nandito kaming dalawa sa sala dahil pinapasok ko muna siya sa apartment ko. Hindi ko alam kung bakit siya napadaan rito. Baka may sasabihin siyang importante, "Okay lang naman ako. Ikaw?" sagot ko.


"I'm fine. Medyo magaadjust narin para sa college." wika nito.

Napangiti nalang ako. "So, why did you decide to go here?" tanong ko.


"Well, after our graduation, may farewell party na magaganap sa bahay nila Yoongi. Invited tayong lahat sa batch." sabi niya.


"Sure. Pupunta ako." nakangiti kong sagot.


************



"Congrats, Beshy!" sigaw ko at niyakap si Anna.


Kanina pa kasi 'to umiiyak. Malayo raw kasi ang magiging school ko sa bagong school niya. Baliw na ata, magkatabi lang naman. "Magkaiba tayo ng papasukang university." umiiyak niyang sabi.


"Magkatabi lang kaya." wika ko.

Pagkabitaw ko sa yakap, biglang lumapit saamin si Ericka. "Congratulations." sabi nito.


"Thank you, Ericka. Congrats rin." nakangiti kong sabi.


Pilit siyang ngumiti at naglakad papunta sa parents niya. Nagkatinginan nalang kami ni Anna. Bakit may something? She doesn't look happy. I know na may karamdaman ang Daddy niya but mukhang hindi 'yon ang dahilan.

Hinawakan ni Anna ang kamay ko, "Puntahan natin si Yoongi." yaya niya.

"Huh? No! Ikaw nalang!" sagot ko at pilit hinatak ang kamay ko na hawak niya ngunit hindi ito nagpatalo.

Hinatak niya ako papunta kela Yoongi at iba naming classmates. Napayuko nalang ako. "Yoongi. Congrats." wika ni Anna.

Napatingin saakin si Yoongi pero agad niya namang iniwas ang tingin niya, "Thanks, Anna. Sana makapunta kayo sa farewell party bukas." sagot ni Yoongi.

Tumango lang si Anna, "Yep. Pupunta kami ni Rain. Diba Rain?" tanong ni Anna at lumingon saakin.

Kumunot ang noo ko kaya pinandilatan niya ako. "Oo. Pupunta k-kami." pilit kong sabi.


Hindi man lang ako dinaanan ng tingin ni Yoongi. "Great. Alis na kami." sabi ni Anna.


************

Nagsuot ako ng red dress para sa farewell party namin. Kasabay ko ngayon si Anna papunta sa party. Nagsuot ako ng heels at lumabas na sa apartment. Nadatnan ko si Anna na nakasuot ng yellow dress at nakalugay ang kulot na buhok.

"May pa heels si Mayora!" sigaw niya.

Ngumiti nalang ako. Sumakay kami sa kotse niya. "Wala parin ba kayong komunikasyon ni Yoongi?" tanong niya.

Pinaglaruan ko nalang ang kuko ko at umiling, "Iniiwasan niya ako, Anna. And i don't know why." sabi ko.


Hindi kumibo si Anna. Naging tahimik nalang ang byahe namin papunta sa bahay nila Yoongi. Agad kaming bumaba at pumasok sa loob. Nakita namin ang ibang mga kamag-aral na nagsisimula nang maginuman.


"Nandito na pala kayo." bati ni Janna.

Nginitian ko lang siya. Umupo kami sa isang tabi at binigyan narin kami ng mga pagkain. Habang kumakain kami, umakyat sa stage si Yoongi. "Good evening, everyone." wika nito.


Falling for Park Jimin | Park Jimin X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon