Chapter Thirty Six

253 10 7
                                    




Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng Police. "Excuse me. Ano pong sabi ninyo?" tanong ko.

"Wala pong record na Min Yoongi sa Police Station na ito. Baka po nagkakamali kayo." pagulit niya.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Paanong nawala ang records ni Yoongi?

"Miss, sure po ako na dito nakakulong ang kaibigan ko! Madalas nga po akong nandito kasama ang isa pa naming kaibigan!" sagot ko naman.

"Pasensya na po. Ngunit, wala po talaga kaming kilalang Min Yoongi."

Puno ng pagtataka at galit. Lumabas ako ng Police Station. Saktong nakita ko ang motor ni Jimin na paparating. May bitbit pa siyang pagkain para kay Yoongi.

"Rain? Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?" tanong agad ni Jimin, pagkababa niya mula sa motor niya.

"Jimin, wala si Yoongi sa loob. Nawala lahat ng records niya." wika ko.

Nagulat naman si Jimin. Hindi agad siya nakapag-salita.

"Hindi ko rin alam, okay? Napaka-impossible na mawala si Yoongi sa kulungan nila. Impossible rin na walang record si Yoongi dahil ilang beses natin siyang binisita." dagdag ko pa.

Nagsimulang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyaring masama kay Yoongi. Hindi ko kakayanin mawalan pa ng kaibigan.

Niyakap lang ako ni Jimin, "Mahahanap natin si Yoongi. Wag ka nang umiyak." sabi nito.



************

"Ano! Napaka-impossible naman!" sigaw ni Kassandra habang nagmomop. Pinupunasan ko naman ang mga lamesa dahil pasara na rin ang Coffee Shop.

"Alam ko. Wala akong ideya kung anong gagawin ko ngayon." dagdag ko pa at sumimangot.

Napalingon kaming dalawa ni Kassandra sa pintuan. May costumer na dumating. Medyo nagulat ako nang nakita ko si Loren. Matagal na simula nang nakita ko siya.

Agad akong yumuko upang hindi niya ako mapansin. "Rain, ikaw na muna ang magcashier. Maglilinis pa ako ng banyo." sabi ni Kassandra at binitawan niya ang mop.

Napalunok na lang ako. Ano na lang ang sasabihin sakin ni Loren? Hinarap ko na lang siya dahil wala rin naman akong magagawa.

"Isang vanilla cupcake at black coffee." sabi niya.

"Yun lang po ba?"

"Yes, Ms. Dela Fuenta."

Mas lalo akong nahiya. Nakilala niya nga ako. Hindi ako kumibo at inasikaso ko na lang rin ang order niya.


Wala akong panahon na makipagusap o makipag-sagutan kay Loren. Tumunog ulit ang pinto at nakita ko si Jimin.

Napangiti naman ako. Magsasalita na sana ako pero, "Jimin, nandito ka na pala." malambing na sabi ni Loren af bineso si Jimin.

Agad bumaksak ang mga ngiti sa mukha ko. Magkikita ba sila dapat? Tumalikod ako upang hindi ako mapansin ni Jimin.

Nagpanggap na lang akong nagpupunas sa counter.

"Bakit gusto mong makipag-kita?" tanong ni Jimin.

"Gusto ko lang sana malaman kung saan nakakulong si Yoongi. Nais ko sana siyang bisitahin."

"Hindi ko alam."

"Sigurado ka ba? Balita ko, sabay pa nga kayong bumibisita ni Rain sa kulungan."

"Sabi sabi lang 'yon. Matagal ko na nung huli kong nabisita si Yoongi."

"Nabisita mo pala siya. Kaya dapat alam mo kung saan."

Natahimik si Jimin. Bakit ayaw niyang sabihin kay Loren kung saan nakakulong si Yoongi?

"Iniibig mo pa rin ba si Yoongi?" biglang tanong ni Jimin.

Kinabahan ako bigla sa tanong ni Jimin. Alam kong nagkaroon ng relasyon si Yoongi at Loren noon. At hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit sila'y nabuwag.

"Hindi na importante ang kasagutan ko. Kung hindi mo masasagot, aalis na ako." sagot ni Loren at naglakad palayo.


Narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto. Saktong lumabas si Kassandra mula sa banyo.

"Good evening po, Sir. Sarado na po kami." sabi ni Kassandra.

Ngumiti naman si Jimin, "Hindi. Nandito ako para kay Rain, susunduin ko na siya."


*********

Na sa loob na ako ng kotse ni Jimin. Nakatingin lang ako sa bintana at iniisip ko kung nasaan na kaya si Yoongi ngayon.


"Sana ayos lang si Yoongi. Hindi ko na alam ang gagawin ko." naiiyak kong sabi.

Hinawakan ni Jimin ang kamay ko na nakapwesto sa hita ko. "Mahahanap natin si Yoongi. Okay? I love you." wika nito.

Napalingon naman ako sa kanya at napangiti, "I love you too. Thank you for being here." sagot ko.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya.



>>>>>>>>

Pumasok kaming dalawa ni Jimin sa Apartment.

"TANGINA! ANO 'TO?"


Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Yoongi na nakatali ang kamay niya sa isang bakal at may dugong lumalabas sa kanyang leeg.

"YOONGI!" sigaw ko at agad siyang nilapitan.

Hinawakan ko ang katawan niya at malamig na ito. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko at ang gusto ko lang ay makausap ko ngayon si Yoongi.

"Yoongi! Gumising ka! Jimin, humingi ka ng tulong!" sunod sunod kong sigaw.







"Rain, nandito na tayo sa apartment mo."

Napabangon naman ako mula sa tulog. Nandito pa rin ako sa kotse ni Jimin at mukhang isa lang 'yong masamang bangungot.

Pero paano kung na sa panganib talaga si Yoongi?



>>>>>>>>>>>>>>

Loren's Point of View

Habang naghuhugas ako ng mukha, biglang tumunog ang door bell namin. Bumaba agad ako at binuksan ang pinto.

Nalaglag ang panga ko nang makita ko si Yoongi na sugatan.

Napatumba agad siya balikat ko, "Y-Yoongi? Anong nangyari sayo? Jusko." sabi ko at inihiga siya sa Sofa.

"Loren, tulungan m-mo ako. Ayaw k-ko pang m-mamatay. Lalaban pa a-ako." mahina niyang sabi.

Agad akong kumaripas ng takbo at kinuha ang first aid kit ko, "Yoongi. Halika, gagamutin kita." wika ko.

Pilit siyang umupo at sumandal. "Y-Yoongi, akala ko nakakulong ka. Ano bang nangyayari?" tanong ko.

"Tumakas ako. Hindi malalaman nila Rain at Jimin kung sino ang totoong pumapatay. Dahil, hindi malapit don si Rain at wala siyang pakialam sa tao na 'yon. Kaya ako ang magiging daan para malaman nila." sagot nito.

"Nakakausap mo ba si Rain? Gusto ko siya makita."

Habang abala ako sa paglilinis ng mga sugat niya, "Nakita ko siya kanina sa pinagtatrabahuhan niyang Coffee Shop. Puntahan natin?"

Umiling si Yoongi, "Alam kong hindi ko pa kaya. At hindi nila pwedeng malaman na tumakas ako mula sa kulungan." sabi niya.


"Kaya simula ngayon hindi na Min Yoongi ang ngalan ko."

Falling for Park Jimin | Park Jimin X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon