Chapter Thirty Seven

250 8 2
                                    




"Ms. Dela Fuenta, kahit ilang beses pa po kayo pumunta rito, hindi po magbabago ang record namin. Wala pong Min Yoongi na nakakulong sa lugar na 'to." sabi ng Policeman.

Umiling ako. "Meron po! Alam ko pong nakikita niyo ko rito palagi. Palagi ko po siyang binibisita!" sagot ko naman.

Napabuntong-hininga naman siya, "Umalis na lang po kayo dahil nagsasayang na po kayo ng oras." sabi niya at naglakad palayo.

Napaluha na lang ako dun. Para akong tanga na naliligaw. Nasaan na ba kasi si Yoongi? Bakit siya biglang nawala? Bakit kailangan pang mangyari lahat 'to? Pinunasan ko ang luha ko at umalis na ako sa Police Station.

Biglang may itim na kotse na pumarada sa harap ko. "Anak, anong ginagawa mo rito?"

Napatingin ako sa kotse at nandun nga ang Tatay ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Bumaba si Papa sa kotse at tumakbo para maabutan ako.

"Narinig ko ang mga nangyari, Anak. Pwede kitang tulungan, hahanapin natin si Mr. Min." sabi nito pero patuloy lang ako sa paglalakad.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo." sagot ko.



Naiwan si Papa na nakatayo roon. Napahinto naman ako nang bigla siyang nagsalita.


"Pagsisisihan mo lahat ng ginagawa mo ngayon. It may lead you to your own grave."



>>>>>>>>>>>>>>>

Na sa Coffee Shop kami ni Kassandra. Wala pang costumers na pumapasok, kahit isa wala. Pumapatak din ang ulan.

"Rain, saan nanggaling yung pangalan mo?" tanong bigla ni Kassandra habang nakatulala sa ulan.


"Ewan ko. But, gustong gusto ko kapag umuulan." sagot ko.

Biglang tumunog ang timer ng stove kaya agad akong tumayo upang ilabas ang cake. Ngunit, agad akong nadulas. "Kassandra! May basa rito! Pahingi ako ng basahan!" sigaw ko agad.

Pinilit kong tumayo pero masyadong madalas ang likido na hinihigaan ko ngayon. Lumapit sa akin si Kassandra na may basahan pero agad niya itong nabitawan.

Nanlaki ang mga mata niya at napahawak siya sa dibdib niya. "Rain, tumayo ka dyan. Tara na." sabi ni Kassandra habang pinipigilan niya ang luha mula sa kanyang mata.

Narinig namin ang pagbukas ng pinto mula sa labas. Sumilip kami ni Kassandra at agad naming nakita ang isang lalaki na nakamask. May hawak siyang matalim na kustilyo.

"Kassandra, shh. Makakalabas tayo." naiiyak kong sabi.

Tumango si Kassandra at nagtago kami sa loob ng isang cabinet. Nakalagay ang kamay ko sa bibig ko upang hindi niya marinig ang paghikbi ko. Napatingin naman ako kay Kassandra na lumuluha.

"Rain? Lumabas ka na. Gusto lang kita makita."


Mas lalo akong natakot nang marinig ko ang boses na 'yon. Mas lalong napaiyak si Kassandra at napahawak siya sa kamay ko. Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Jimin.

"Hello? Jimin?"

Mahina lang ang boses ko at sumabay pa ang panginginig ng katawan ko.


[Rain, na sa labas ako ng Coffee Shop. Sarado ba kayo?]

"J-Jimin, wag kang p-papasok. Makinig ka s-sakin, tumawag k-ka n-na ng Police."

[Huh? Bakit? Nasaan ka?]

"Please. T-Tumawag ka n-na at wag na w-wag kang papaso—"


Biglang naputol ang call. Nanlaki ang mga mata ko nang narinig kong bumukas ang pinto. Nagkatinginan kami ni Kassandra.

Pumasok si Jimin. "Kassandra, kailangan na n-nating lumabas dito. Tara n-na." wika ko.

Umiling agad si Kassandra habang umiiyak. "Mamamatay tayo, R-Rain. Wag n-na. Hayaan m-mo na si J-Jimin." sagot nito.

Napaluha ako sa sinabi ni Kassandra. Umiling ako. "No. Hindi k-ko pwedeng hayaan s-si Jimin." sagot ko at binuksan ang Cabinet.

Na sa harap namin ang lalaking nakamask. Agad ko siyang sinipa para makalabas kami ni Kassandra. Tumama ang killer sa glass kaya nabasag ito.

"Tara na!" sigaw ko kay Kassandra pero nagmatigas siya kaya nakatayo pa ang killer.

Hinatak niya ang buhok ko. "Matigas ka nga talaga! Tama ang sinabi ng Tatay mo!" sigaw nito at inuntog ako sa lamesa.

Napasigaw naman si Kassandra. Napahiga na lang ako sa sahig. "K-Kassandra! Umalis ka na dyan! Tumakbo n-na kayo ni Jimin!" sigaw ko kahit hirap.

Kinuha ni Kassandra ang kustilyo at itinusok ito sa tyan ng killer. Agad na napaupo ang killer. Nilapitan ako ni Jimin.

"Rain! Fuck! Tara na!" sigaw niya.

Binuhat ako ni Jimin at lumabas kaming tatlo sa loob ng Coffee Shop. Biglang may kotse na huminto sa harap namin at dinakip kami.



>>>>>>>>>>>>>>>

Nagising ako sa isang upuan. Nakatali ang kamay at paa ko. Nakita ko sa lamesa si Kassandra. Wala itong suot na tshirt at pambaba. Mukhang binaboy siya ng mga lalaki.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Jimin na punong puno ng pasa at sugat kaya agad akong napaluha. Napahamak ko pa sila.

"See? I warned you."

Napalingon ako. Nanlaki ang mga mata ko. Siya pala ang may kagagawan ng lahat. "Walanghiya ka!" sigaw ko.


"ANO BANG GUSTO MO! PAKAWALAN MO SILA, AKO ANG PAHIRAPAN MO!" sobrang lakas nang pagkasigaw ko na halos pumutok na ang lalamunan ko.


Nakatingin sakin si Jimin habang umiiyak. Si Kassandra naman ay walang malay. Lumapit siya sakin at hinawakan nang mahigpit ang mukha ko.

"Matigas ka. Manang mana ka sa nanay mo." sigaw nito at sinampal ako.


"Tandaan mo 'to. Pagnakawala ang kamay ko sa tali na 'to, papatayin kita." pagbabanta ko.

Tumawa lang siya. "Makakaya mo pa kaya 'yun? Kapag nakita mong binabastos si Kassandra sa harapan mo? Kapag nakita mong pinapatay si Jimin sa harap mo?" tanong ni Papa.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Bakit ba kasi kailangan pang madamay ang mga kaibigan ko?

"Ayan. Lumabas rin ang kahinaan mo! Masyado mong iniisip ang mga tao sa paligid! Mas pinipili mong magsakripisyo! Paano ka?" sabi niya, "Tumingin ka sakin! Diba ganon ka? Hinahayaan mong tapak tapakan ka! Mas inuuna mo ang tao sa paligid mo! Manang mana ka sa Nanay mo!"


Mas lalong lumakas ang iyak ko. Tama siya. "Mahina ka, Rain. Kayang kaya kang talunin ng kahit sino." dagdag niya at sinipa ang upuan kaya napahiga ako.



Nakatagilid akong natumba kasama ang bangko. "Boys. Alam niyo na ang gagawin niyo." sabi niya.

Agad kong narinig ang sigaw ni Jimin at Kassandra.

Falling for Park Jimin | Park Jimin X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon