Prologue: Broken Promise

93 10 5
                                    

Third Person's Point of View

Alas otso pa lamang ng umaga at kakapasok pa lamang ng isang batang lalaki sa school niya.. Maliit, maputi, kulay itim ang buhok, matangos ang ilong at mataba ang pisngi ng bata..

"Clai Clai!" tawag ng kanyang mga magulang sa kanya..

"Mommy, Daddy bye po! Papasok na po ako sa school!" maligayang sambit ng nasabing batang lalaki na nagngangalang Clai Clai..

Tuwang-tuwa naman ang kanyang mga magulang gayung excited na excited ang kanilang anak sa unang araw ng pagpasok niya sa school.. Hindi tulad ng ibang mga bata na umiiyak at naghahabol sa kanilang mga magulang sa unang araw ng pagpasok sa paaralan..

Prep na si Clai Clai at bago pa lamang siya sa paaralan na papasukan niya dahil bagong lipat lamang sila sa Pilipinas.. Sa U.S kasi ang dati niyang tirahan at kakalipat pa lamang nila last week sa Pilipinas..

Isa sa mga batang lalaki naghahabulan ang biglang sumalubong sa kanya na naging dahilan ng pagtumba nila sa sahig..

"Aray!" sigaw ni Clai Clai..

"Ouch!" sigaw naman ng batang nakabangga niya.. Pareho silang natumba ngunit tumayo agad ang batang lalaking nakabangga kay Clai Clai samantalang siya ay nahirapan tumayo dahil malala ang pagkakabagsak niya sa sahig..

"Ikaw bata! Bakit ka ba humaharang sa dinadaanan ko? Natumba tuloy ako!" tawag nung nakabangga niyang batang lalaki sa kanya..

"Ha? Eh ikaw nga yung nakabangga sa akin eh.. Kakapasok ko pa lang dito sa room tapos binangga mo agad ako!" sigaw naman ni Clai Clai kahit maiiyak na siya dahil ang sakit-sakit ng pwet niya..

"Anong nangyayari dito James??" isang matangkad na batang lalaki ang nagsalita mula sa likuran.. Mukhang isa siya sa mga kaklase nila pero lamang ang edad nito sa kanila.. Kung si Clai Clai ay anim na taong gulang pa lamang, siya naman ay mukhang siyam na taong gulang na..

"Kuya Josh! Kuya Josh! Binangga niya po ako! Ang sakit-sakit ng pwet ko!" kunyaring umiiyak na sumbong nung batang nakabangga kay Clai Clai.. Nagulat naman si Clai Clai dahil hindi ito totoo.. Mukhang binabaligtad ng batang lalaki ang totoong nangyari!

"Ha?!" galit na usal nung matangkad na batang lalaking nagnangangalang Josh na mangyaring kapatid pala ng lalaking nagbangga kay Clai Clai na si James..

"Oyy bata... Kabago-bago mo dito sa school, nanakit ka na agad ng classmate mo.." galit na sabi pa nung Josh sa kanya..

"P-Pero.. Pero siya naman po yung bumangga sa akin eh.. Kakapasok ko palang naman po---" napatigil sa pagsasalita si Clai Clai nang bigla siyang tulakin ni Josh..

"Tumahimik ka! Kapag nagsasalita ako 'wag kang sasabat naiintindihan mo?" sigang sabi ni Josh kay Clai Clai..

"Pero hindi naman po 'yun totoo eh.. Siya po dapat pagalitan niyo.. Nibangga niya po ako.." pangangatwiran pa ni Clai Clai na ngayon ay umiiyak na..

"'Wag mong binabaligtad ang nangyari bata.. Nakita kong binangga mo ang kapatid ko kaya siya natumba!" galit na galit na talagang sabi ni Josh kaya natakot na si Clai Clai..

Meant To Be Yours (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now