Chapter 10: Potato Allergy

14 1 0
                                    

Author's Note: Guys sensya na ngayon lang po ako nakapag-update. Medyo waley din po itong chapter😢. Sorry poo super busy po kasi ako sa studies huhu bawi nalang po ako sa summer vacation or maybe, I'll try to come up with another chapter this xmas vacation. Sorry po talaga😢

Lovelots guys! Miss you all! Have a Merry Merry Christmas and a Happy New Year🎄🎆!

---------------------------------------------------------------
Third Person's POV

Nasa kalagitnaan na ng July, maulan at maraming suspension ng mga klase.  Maraming mga kaganapan ang hindi inaasahan sa pagitan ni Alex at ng barkada ni Jax.

Kamakailan lamang, matapos ang kanilang acquaintance party, tuloy pa din ang gulo sa pagitan ni Alex at nina Jax. Bagama't konti na lamang ang naging pag-uusap ng dalawa,  patuloy pa rin ang sagupaan sa pagitan ng dalawang panig. May sandaling kinausap na sila ng mga adviser nila, pero hindi pa rin nito napigilan ang mga masasamang balak ng panig ni Jax. Samantala, si Alex naman ay nangako sa sariling hindi na siya mangunguna sa away bagkus ay gagantihan na lamang niya ang mga ito sakaling may gawin ito sa kanya bilang depensa.

Wala nang nangyari pang gulo sa pagitan ng dalawang panig matapos ang eksena sa cafeteria nung last last week. Ito na ang huling gulo na kinasangkutan ng dalawang panig.

Flashback
 
Naglalakad si Alex kasama ang tatlo niyang kaibigan papunta sa cafeteria. Nagtatanong sina Yin Yin at Drake kay Alex kung matutuloy ba ang Intramurals sa September since si Alex ay ang Secretary ng SSG. Si Audrix naman, bagama't SSG PIO ay hindi nalang umimik sa usapan. Naelect sila the week after the acquaintance party. Dapat nga nung bakasyon pa ang elections kaso napostpone ito.

"Lex ano? Napirmahan na ba yung letter ni Sir Padejoco (principal)?"- Drake

 "Oo nga Alex. Makakalaro ba kami?"-excite na banat ni Yin Yin

 "Sa pagkakaalam ko, kakapasa palang ng letter wala pang sinabi----"

 "The letter was approved already."

Nagulat ang lahat sa biglaang pagsingit ng isang malamig na boses sa usapan. Paglingon ni Alex nagulat siya ng makitang si Jax pala ito. Sad to say pero siya lang naman ang SSG President. Matapos ang pagpapakita ng 'leadership skills' kuno nito noong party ay naging interesado ang mga lower levels na iboto siya.

Inirapan agad ito ni Alex.

"Oh narinig niyo naman diba? Approved na raw." Naiinis na sabi ni Alex. Naiinis siya sa biglaang pagsingit ni Jax sa usapan pero mas naiinis siya dahil mukhang ayaw pa umalis nung nito sa tabi niya.

"It was approved 2 days ago. Next time, attend the scheduled meeting so you wouldn't spread fake news around here." seryosong sabi ni Jax.

"Sinabi ko naman sa inyo na di ako makakaattend nun kasi kailangan kong umuwi ng maaga. Besides, it was your responsibility to inform me what you had talked about though." masungit bawi ni Alex.

"And it was your responsibility to check your phone from time-to-time." may halong inis na sabi ni Jax at inalisan ang kausap.

Binuksan ni Alex ang cellphone niya at naroon nga ang text ni Jax. Lowbat ito noong araw ng meeting at hindi niya naman pinansin ang text nito kahapon. Gulat na gulat siya. Napahiya pa siya dahil doon lang?

"Such an irresponsible secretary." malakas na bulong ni Jax habang naglalakad papalayo.

Si Alex naman ay iritadong-iritado. Cinomfort naman siya ng mga kasama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meant To Be Yours (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now