Chapter 5: Class Suspension

57 10 5
                                    

-----------------------------
Alex's Point of View 

Thursday na ngayon at ang sobrang masaklap sa lahat ay ang katotohanang HINDI KO ALAM NA SUSPENDED ANG CLASSES DAHIL SA BAGYO!!

Maaga kasi akong nagpulas papunta dito sa school.. Nagtataka nga ako kung bakit 'di pa gising ang mga kapatid ko eh.. Hinatid ako ni Kuya Felix since kakabalik niya lang galing vacation.. Atat na atat akong pumasok kaya hindi ko na hinintay na mag-announce sa tv if may pasok ba o wala dahil may bagyo.. Tapos pagpasok ko dito, nalaman-laman ko lang naman sa guard na WALANG PASOK!

Letchugas! Oo na mga guys, ako na ang dakilang tanga... Tek na yan! Naiwanan na ako dito ni Kuya Felix sa school! Badtrip!! (>>.<<)

Kanina ko pa trinatry na icontact si Kuya Felix pero kanina pa rin siya unattended! Nakakasampung tawag na rin ako pero gash! Unattended talaga!

Huhuhuh! Mahirap pa man din magcommute dahil paniguradong basang-basa ako neto kasi wala rin akong payong!

Bakit wala akong dala? Kasi nakalimutan ko! Sinong tanga? Only Alex! (TT.TT)

Cellphone ko nalang talaga ang pag-asa ko ngayon! Tinry ko namang tawagan sina Kuya Jeus at Kuya Jairo pero shete! Unattended din!

Malamang TULOG PA SILA! Ako lang kasi ata ang walang kaalam-alam na walang pasok! Malamang, nag-announce muna sa fb at sila ALAM NA AGAD samantalang ako HINDI kasi dumedepende kasi ako sa tv if may announcements ba.. Well, hindi rin alam ni Kuya Felix kasi wala pa namang announcement kanina sa tv pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit di manlang ako naghintay!

Naisipan ko ring tawagan si Jamie kasi paniguradong siya yung pinakamadaling magising at he wouldn't leave me hanging pero dahil nga sobrang malas ko..

"Sorry, you don't have enough load to make this call---"

"Ughhhh!!" napasigaw ako habang sabunot-sabunot ang buhok ko sa sobrang frustration! Bakit sobrang malas ko?? (TT.TT)

Nandito ako ngayon sa harapan ng school kasi hindi ako pinapasok ng guard kanina.. Buti nalang may bubong 'to para kahit papaano may masisilungan ako...

Wala akong kaalam-alam na walang pasok dahil sa bagyo, naiwan ako dito sa school mag-isa, walang makakasundo sa akin at worst, WALA AKONG DALANG PAYONG!

"Ughhhh! Can this day be worse?" sigaw ko habang sobrang ginugulo ang buhok ko pero biglang...

Dugudugshh!!!

Kumulog ng malakas kaya napatakip ako sa tenga dahil sa gulat! Mukhang nagalit pa yata sa akin ang ulan kaya  tinikom ko nalang ang bibig ko.. Mahirap na, baka hindi ako pauwiin neto!

Hays, wala na talaga akong choice kung hindi sumugod sa ulan! Humanda ka sa akin ulan! Magtutuos tayo!

I braced myself and tightened my grip on my backpack.. Umalis na ako mula sa kinatatayuan ko kanina at ramdam ko na ang pagpatak ng ulan sa mukha ko pero tumakbo ako ng pagkabilis-bilis! Daig ko pa si Flash!

Nung medyo malayo-layo na ako sa school ay bigla kong naramdaman ang lamig.. Medyo nanginginig na ako at lumalabo na ang paningin ko dahil unti-unti nang pumapatak sa eyeglasses ko ang malakas na ulan so tinanggal ko muna yun kahit na sobrang labo ng paningin ko!

Tatakbo na ulit sana ako kahit nanginginig pa rin ako pero biglang may kamay na humila sa akin pabalik!!

(O.O)

I was about to forcely let go when I saw the man who's holding my arm!!

(O_O)

(O-O)

Meant To Be Yours (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now