Chapter 8: Acquaintance Party (Part 1)

33 6 8
                                    

Hi mga readers! (fc ko na, yaan niyo na, minsan lang naman😂😂) So kay Alex lang na POV ang meron dito sa chapter.. Papamiss muna si Intsik hahahah! Yun lang po! (Makasingit lang eh noh?😂)

Enjoy reading!

------------------------------
Alex's Point of View

Alas kwatro na ng hapon ngayon at unti-unting nang lumulubog ang araw.. Nandito na ako sa bahay ngayon.. Kasama ko si Jamie na ngayon ay pagod na pagod dahil sa tryouts kanina..

"Jamie! Bakit naman pumasok ka pa sa sports club? Akala ko ba Science Club lang?" nagtatakang tanong ko sa kanya kasi gulat na gulat talaga ako nung makita ko siyang nagtryouts sa gym kanina!

"Eh kasi ate.. Inannounce sa klase namin na kailangan namin sumali sa isang minor club tulad niyo eh.." sabi niya habang sarap na sarap na nakaupo sa sofa..

"Ahhh okay.. Anyway, anong team ka?" tanong ko sa kanya.. Binuksan niya ang backpack niya at ipinakita ang isang shirt na kulay blue..

"Blue team ate." sabi niya habang nakaturo sa shirt na hawak niya.. "Ikaw?"

"White ako eh.." sagot ko sa kanya habang kinakain ang yelo sa iced tea na iniinom ko.. (^-^)

"Ahh sayang hindi tayo magkateam.. Anyways, nakapasa ka naman ba sa auditions?" biglang tanong niya na nagpasamid sa akin! (>.<)

Naalala ko na naman tuloy yung eksena kanina nung kumakanta ako! Yung pagtugtog ni Jax.. Yung pagtitig ni Jax pati na rin yung SMILE ni Jax!

Argh! Ngayon ko lang kasi nakitang ngumiti yun sa tanang buhay ko! I mean, nakita ko siyang seryoso, nakapoker face, nakangisi pero hindi ang ngumiti!  Eh sa cold niyang yun!

"Ate ano? Nakapasok ka ba?"

"Yes naman!" masayang sabi ko nang matauhan ako..

"Really? Congrats ate!" sabi ni Jamie kaya ngumiti nalang ako sa kanya..

Umakyat na ako sa kwarto ko.. Nagpunas ako saglit at nagpalit na ng damit.. Sinuot ko na ang white shirt ko at saka pinair ito sa black jeans ko.. Sinuklay ko ng maayos ang tuwid na buhok ko pagkatapos ay isinuot ko na ang black glasses ko..

Nagpabango na rin ako tsaka kinuha ang phone ko at nagtext kay Yin Yin..

To: Yin Yin
Paalis na kami! See you later :)
SMS 4:23pm

Agad naman siyang nagreply..

From: Yin Yin
Sige sige.. Ingat! Otw na kami..
SMS 4:23pm

After that ay pumunta na ako sa backseat ng sasakyan ni Kuya Jairo.. Actually, may sari-sariling kotse ang dalawa kong kuya pero kailangan mo talaga silang suysuyin bago ka nila ihatid.. Lagi naman nila akong hinahatid lalo na si Kuya Jairo pero minsan pag wala 'yan sa mood ay hindi niya ako sinasabay kaya nga may personal driver ako eh..

Pumasok na rin si Jamie at si Kuya Jairo naman ay sumakay na sa driver's seat..

"Oh? Ba't andito ka panget?" tanong ng magaling kong kuya! (-_-)

"Malamang sasabay ako kuya.." simpleng sabi ko kahit medyo nababadtrip ako kay kuya..

'Di na siya nagsalita kaya natuon nalang ang atensyon ko sa biyahe namin.. Sinilip ko ang bintana ng kotse at pinagmasdan ang mga pangyayari.. Nakita ko ang tambutso ng isang kotse na bumuga ng pagkaitim na usok.. Napagmasdan ko rin ang mga basurang nakatambak sa isang gilid ng kalsada na animo'y masarap na pagkain dahil pinagpyepyestahan na ito ng mga nagliliparang langaw.. Napansin ko rin ang mga taong pilit na sumasakay sa isang jeepney na siksikan na sa dami ng mga pasaherong nakasakay rito... Maging ang mga pulubing palaboy-laboy sa daanan at namamalimos, walang takot na tinutuos ang mga rumaragasang kotse na dumadaan, makauwi lamang ng kahit konting salapi sa kanilang pamilyang sila'y inaasahan.. Masakit man isipin ngunit hindi ito isang panaginip o kathang-isip lamang kundi ang realidad na ating tinatamasa..

Meant To Be Yours (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now