Chapter 7: Club Day

49 7 4
                                    

Alex's Point of View

Lunes na ngayon and as we all guys know, Club day na.. Ang totoo niyan, wala pa akong balak na salihang club.. Titignan ko muna kung ano ang options dun saka ako pipili..

Paglabas ko ay naabutan ko na ang mga kapatid ko na kumakain sa lamesa kaya nakijoin na ako..

"Yow panget! Wala ka na lagnat?" tanong ni Kuya Jairo..

"Dude, obvious ba? Kita mo na ngang ayos na eh!" singit ni Kuya Jeus sa kanya..

"Ikaw kausap sunget? Ikaw kausap?" asar na tanong ni Kuya Jairo sa kanya.. At eto na naman po tayo! Parang nung isang araw magkasundo silang pinagkaisahan ako tapos ngayon nag-aaway na naman argh!

"May sinabi ba akong ako kausap mo? Wala naman diba?" cold na banat sa kanya ni Kuya Jeus..

"Oh eh ba't ka sumasabat? Kitang-kita mo kami nag-uusap eh!" asar na banat ni Kuya Jairo sa kanya habang kinakagat ang hotdog at tinuturo ang sarili niya at ako!

"Weh? Nag-uusap pala kayo?" nakangising sabi ni Kuya Jeus habang dumadagdag ng extra rice samantalang si Jamie naman pabalik-balik lang ang tingin sa dalawa habang ngumunguya..

"Oo! 'Di ba halata?" bawi ni Kuya Jairo matapos uminom ng tubig..

"Lex, nag-uusap pala kayo?" nakangising sabi ni Kuya Jeus.. Nako po naman! Mukhang naghahanap ng kakampi ang isang 'to (-_-)

Nagkibit balikat nalang ako sabay kuha ng rice..

"Oh tamo? 'Di ka naman yata kausap niyan eh! Pasalamat ka nalang at sinagot kita kanina dude.." natatawang sabi ni Kuya Jeus kay Kuya Jairo na ngayon ay nalukot ang mukha at sumama ng tingin sa akin!

"Kinakampihan mo naman siya Alex eh!" parang batang sigaw ni Kuya Jairo sa akin habang mamasa-masa ang labi dahil sa tubig na ininom niya.. Nako pikon na 'to! Nickname ko na tinawag sa akin eh!

"Haaa?" kunyaring patay malisyang tanong ko..

"Ginagatungan mo naman si Kuya Jeus eh! Porket mas matanda siya sa akin, siya na kakampihan mo!" sabi niya at nagwalk-out! 'To talagang isang 'to madrama!

"What? Wala naman akong sinabing 'di kita kausap Kuya ah!" painosenteng sabi ko kahit rinig ko na ang pigil na pagtawa ni Kuya Jeus sa harapan ko..

"TSE!" rinig kong sigaw niya habang paakyat siya sa hagdanan..

Napahagalpak naman sa pagtawa si Kuya Jeus na para bang naisahan niya si Kuya Jairo at si Jamie ay inosenteng kumakain lang sa tabi ko.. Pero wag kayo, nakakailang extra rice na ba 'to? Kanina pa 'yan kain ng kain diyan ah!

"Huy Jamie! Andami mo nang nakain ah!" pangangasar ko sa kanya kaya napanguso siya habang nanguya..

"Eh masarap ate eh!" sabi niya..

"Oh easy easy.. Napansin ko lang naman, 'di naman kita pinagbabawalan.." nakataas ang dalawang kamay na sabi ko.. Mahirap pa man din asarin 'to ngayon, bagong gising eh!

Tinignan ko si Kuya Jeus na ngayon ay nagpipigil ng tawa hanggang sa....

"HAHAHAHAHAH!" tawa ulit niya nang maalala ang itsura ni Kuya Jairo kanina.. Good vibes ang Kuya Jeus ah, mabadtrip nga para pareho sila ni Kuya Jairo na sira ang umaga hehehe! *evil smirk*

"Ano kuya? 'Di pa ba ubos yang tawa mo?" nakataas ang kilay na sabi ko..

"Pake mo ba? Hahahaha!" he said as he burst out laughing..

Meant To Be Yours (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now