Chapter 9: Acquaintance Party (Part 2)

34 4 0
                                    


Yin Yin's Point of View

Parang tumigil ang oras nung mahulog si Alex sa foam! Lumukso ang puso ko at nangatog ang tuhod ko dahil sa kaba! Hindi kasi 'yan marunong lumangoy putcha kaya ako kinakabahan eh! Meimennn!!

"ALEX!!!"

(>>o<<)

Sigaw ko nung mahulog siya pero tumigil ang pagtibok ng puso ko nung sinalo siya ni Jax! Saktong-sakto ang pagsalo niya na para bang inabangan niya talaga ang paghulog ni Alex!

"This can't beee?! I thought they're enemies!" 'di makapaniwalang sabi ko.. Nakita kong nagtitigan silang dalawa at nakita ko rin ang nanlalaking mata ni Alex dahil sa gulat!

Maging ako ay nagulat rin.. Pansin na pansin ko kasi kanina pa na hindi umalis si Jax sa side ni Alex.. Siya yung laging nagbubuhat sa side ni Alex.. Tapos nakita ko ring nagbabangayan pa ang dalawa pero hindi talaga siya nilalayuan ni Jax!

Mas lalo nga akong nagulat nung makita kong hinawakan ni Jax ang kamay ni Alex eh! Tapos ngayon, sinalo niya siya! Para tuloy tumigil ang paghinga ko sa ginawa niya!

Nakita kong kinausap ni Jax si Alex habang buhat-buhat niya ito.. Parang sobrang importante ng sinabi ni Jax kasi sobrang seryoso ng titig niya kay Alex.. Ang mga tao sa paligid namin ay gulat na gulat sa pangyayari, maging ang teachers.. Dahan-dahang naglakad si Jax sa kabilang foam at doon ibinaba si Alex..

"Hindi kami uulit.. Di naman bumagsak si Alex eh!" protesta ng mga kateammates nila..

"Oo nga! Di nalang siya nahulog sa tubig!"

"Kay Jax siya nahulog!"

"Oo, sinalo siya ni Jax!"

Sabi ng mga teammates nila sa teacher na nag-assist sa laro namin kaya ayun, nagpatuloy ang laro at hindi sila uulit.. Badtrip nga eh! Nauna na sana kami kaso yung mga teammates namin napatigil rin dahil sa eksena ni Alex! Syempre, worried din kami kasi ang iba sa amin ay classmates niya rin!

Nagpatuloy ang laro at tumawid na kami sa kabilang foam.. Si Austin yung team leader namin, magaling naman siyang maglead.. Tulad ni Alex ay takot din ako.. Takot din akong mahulog sa malamig na tubig na yan! Pareho kaming hindi marunong lumangoy! Si Audrix lang marunong lumangoy sa aming tatlo!

Kaya din hindi kami pwedeng mahulog sa tubig ay baka raw malusaw kami.. Kaya nga raw ACID River eh, pag nahulog ka, lusaw ka na kuno.. Pero ang totoo, pag nahulog ka, lunod ka na.. Gash! Paano kaya kung mahulog ako diyan? Walang sasagip sa akin! Lubog agad ako diyan..

(>>~<<)

Alam niyo? Nagtataka pa rin nga ako hanggang ngayon kung bakit nandyan sa green team yan eh! Hindi ko alam kung ba't napadpad 'yan diyan! Mula sa earth, nakapunta siya ng Mars? Gosh! Sumasakit lang talaga ulo ko sa kakaisip sa babaitang yan!

Tinitigan ko sila Jax.. Dun pa rin siya nakabuhat sa side ni Alex.. Habang siya naman ay hindi pa rin makamove-on sa nangyari, parang dinaan mg multo ang itsura eh!

"Uy, Bansot! 'Wag mo nga silang titigan ng ganyan.. Nakakaconscious kaya 'yun!" sabi ng isang pamilyar na boses mula sa bandang left side ko kaya tinignan ko kung sino yun at...

SI GREY!!

(0.0)

(>.>)

(>\\\<)

Oo nga pala! Kateam ko pala siya.. Wait... I-Is he talking to me?? What the ef?? B-Bansot???

"E-excuse me, a-are you talking to me?" kunyaring pagtataray ko kahit alam kong pulampula na ang pisngi ko dahil sa kagwapuhan ng lalaking nasa harapan ko! Kahit nakasando lang siya ay kitang-kita ang biceps niya! Gashhhh!! This can't beeeee!!

Meant To Be Yours (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now