Webster's POV
Exactly 8 ay nakarating din kaming tatlo nina Troye at Ella sa headquarters, naabutan namin na ready to start na ang awarding at mukhang kami nalang ang hinihintay na dumating kaya agad kaming nagtungo sa naka-reserve na table na tinuro sa amin ng isang lalaki na sa tingin ko ay siyang event organizer ng awarding na ito. Habang naghihintay na magsimula ang event ay nilibot ko muna ang aking paningin sa venue.
Ang event ay magaganap sa mismong conference room dito sa HQ pero sa unang tingin palang ay mapapansin na masiyado itong malayo sa conference hall na nakasayan ko simula pa nung unang pagpasok ko dito bilang Agent, dahil imbes na 20 long rectangular tables for important HQ meetings, ito ay naging mahigit 100 round tables with four chair each.
Bawat seat ay may naka- dikit na card at sa card na iyon ay may nakalagay sa pangalan ng Agent dito sa department.
"Bes, sino si Agent R?" tanong ni Ella. Ang tinutukoy nito ay ang name na nakadikit sa isang seat sa table namin.
"Hindi ko alam." sagot ko habang umiinom ng isang glass ng champagne na sinerve ng waiter kanina.
Maya-maya pa ay nagsimula na ang awarding. Si Sir Nathan ang naging speaker, he explained to everyone the reason why does this awarding is needed to be done, how important is it to acknowledge his Agents for working so hard to succeed in their missions and he also tell everyone what are the vision ad mission of our law enforcement agency and also his expectations for the upcoming years of our HQ since after this he will no longer be our head, when he was ask by some of our colleagues why does he will not be our head anymore, he said that he will transfer to the main office of the CIA.
And at last dumating na din ang awarding part.
"And now let me introduce to you our host for the awarding, my son and he will be the next head of this headquarters. Help me welcome Mr. Raphael Abellaneda." masiglang qnunsyo ni Sir Nathan.
Lahat ay mainit ang pagbati sa lalaking pinakilala maliban sa aming tatlo nina Ella at Troye dahil ang lalaki na nasa harap namin ay sobrang kilala namin lalong lalo na ako.
"Oh my God! Ang liit nga naman ng mundo." bulalas ni Ella habang nakatingin pa rin sa stage kung saan naroon ang taong nanakit sa akin noon. Tumango-tango lang ako bilang pagsang- ayon dahil hindi ako malapagsalita dahil na rin sa lakas ng kabog ng puso ko.
"Babe ayos ka lang?"nag-aalalang tanong ni Troye pero tumango lang ako.
Ralph's POV
"Let me call on Agent W to please come up here to receive the award."sabi ni Tito. Si Tito Nathan ay step-father ko and he prefer to call me son and I dont mind it.
Agad hinanap ng mata ko ang Agent na laging sinasabi ni Tito na magaling at hindi naging hadlang dito ang kasarian ng naturang Agent para matapos at mapag-tagumpayan nito ang mga iniatas na misyon sa kanya so I think he is indeed interesting. Inulit ni Tito ang pagtawag sa pangalan ng Agent and this time tumayo na ito.
The moment I saw him I felt something weird, something that can make my heart beat so damn fast, something like, attraction? No way on earth this will be an attraction! I'm always certain with my emotions but... to him, my emotions seems to be confusing.
Why? I started to stop thinking. I think i'm getting mad again. Hindi ko masyadong pinakinggan pa ang pinagsasabi ni Tito kaya hindi ko namalayan na may kumaka-usap sa akin.
"Sir, okay ka lang ba?" Shit he's here in fucking front of me! I tried to smile to him and secretly force my heart to stop beating fast and when I gave him the badge of recognition at habang pini-pin ko badge sa dibdib niya ay hindi ko maiwasan na panginigan ng kamay.
Shit! Nararamdaman kong may namumuong butil ng pawis sa aking noo.
"C..-congratulation Agent W for being dedicated to your job!" sabi ko sabay ngiti at lahad ng kamay ko sa kanya para makipag-handshake kahit na medyo nautal ako.
"Thank you Sir." walang emosyon nitong sagot sabay abot niya sa nakalahad, ng magtama ang aming mga palad ay tila may kuryenteng dumaloy rito na nag- kokonekta sa aming dalawa.
Nang- tignan ko ang kanyang mga mata ay bigla na lang sumakit ang ulo ko at may mga ala-ala na bigla na lamang pumasok sa aking isipan at sa mga ala-alang iyon ay nakita ko ang isang lalaking masaya at naka-ngiti habang tinatawag ko siya gamit ang isang pangalan.Webster.
Yan ang paulit-ulit kong naririnig sa aming isip na tawag ko sa kanya, at ang lalaking iyon ay ang lalaking binigyan ko ng badge kani-kanina lang. Si Agent W.
Before I could utter a word to ask for help, I already found myself collapsing in Agent W's body and I felt his arms encircled around me to suspend me from falling down and I can hear his voice calling my name before I totally lost my consciousness.
Nagising ako sa isang kwarto na puro puti. Hospital. Lagi nalang akong nagigising sa isang hospital every after kong mag pass- out kapag may naaalala ako.
"Are you okay now?" nakakunot- noong tanong ni Tito Nathan. Tumango lang ako.
"Tito,by the way what happened after I lost my consciousness?" maya-maya pa'y tanong ko. Naaalala ko na naman si Agent W.
"Well ayon nabahala ang lahat baka daw may ginawa sa iyo ang mga kalaban buti nalang naniwala sila nung sinabi kong madalas mangyari yun sa iyo so they didn't make more fuss about it, and of course muntik na kayong mahulog ni Webster sa stage." sagot niya. Pagkarinig ko ng pangalan na binanggit niya ay agad nangunot ang noo ko.
"Webster?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Ahh siya si Agent W, muntik na nga kayong nahulog dalawa dahil na out of balance siya mukhang nabigla din siya sa nangyari buti nalang naalalayan agad siya ni Ella at nung babe niya." naka-ngising sabi niya.
"Sinong babe at kaninong babe?" tanong ko and I don't know why but in the back of my mind I am hoping na babe ni Ella ang yinutukoy ni Tito.
"Si Troye at siya ang babe ni Webster." sabi niya ulit and for some reason I am hurt with his answer like I am pricked with a spindle.
"Bumisita ba siya dito sa akin. Si Webster?" pasimpleng tanong ko.
"Sa dalawang araw mo dito hindi pa siya bumibisita."
"Ano? Dalawang araw na ako dito? At ni minsan himdi siya bumisita?" Medyo gulat kong tanong. Kaya pala iba na ang suot niya.
"Oo dalawang araw ka na dito, sabi ni Dra. Del Valle ay siguro sobrang pagod mo raw. At ano bang kinaka- gulat mo diyan kung hindi siya dumalaw dito, ang dinig ko nung nag- uusap sina Troye at Webster ay niyaya siya ni Troye na mag- date sila sa bahay nila para mag-celebrate dahil sa success nila, at bakit naman siya dadalaw dito?"
"Syempre boss niya ako dapat inaalam niya ang kondisyon ko. Tsk." palusot ko pero ang totoo ay naiinis ako na sa hindi malamang dahilan nung marinig ko silang nag-date at ang masaklap ay nagsasama pa sila sa iisang bahay, malamang sa malamang kung ano-ano ng ginawa nilang dalawa matapos nilang mag-date at ayokong malaman kung ano ang pinag-gagawa nila. Puta naiinis ako at ayokong maramdaman ito.
"Hayaan mo na madalang lang naman magka -quality yung magbabe na iyon eh dahil pareho silang busy."
"Pwede ba Tito Nathan tigilan mo yang kaka babe- babe mo na 'yan at naririndi ako!" angil ko.
"Seloso." pang-aasar niya at agd ko naman siyang tinignan ng masama pero tinawanan niya lang ako.
Asan ba ang selos dun?
Kahit ganon ay hindi ko parin maiwasang isipin ang nangyari noong nakaraang araw. Sino ka sa buhay ko Webster?
Pilit man akong nag-iisip ng mga posibleng sagot ay hindi ko pa rin mawari kong ano.
Dahil sa inis ay nagtalukbong nalang ako ng kumot at pumikit hanggang sa dahan-dahan kong nararamdaman ang pag-yakap sa akin ni Hypnos.
YOU ARE READING
Amidst All Odds
General FictionIts just the two of us against all odds. Even my mind will forget you, my heart will surely remember you. No matter what they say or do, remember that I will always love you. Pangako mamahalin at mamahalin kita kahit lahat ay maging kaaway ko pa bas...