Ralph's POV
Ilang araw na ang nakalipas noong huli kong nakita si Webster at yun ay nu'ng awarding pa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mawala sa isip ko kahit sa pag-tulog.
Since the day I met him, vague images and memories always appear in my dreams and he's always there, every time I sleep. I don't know why but every time I dream of him, a familiar emotions always enveloped my system and I can't tell what feeling it is. Happiness? Sadness? Confusion? Or it's like a mix of these emotions because when I dream of him I am always feeling happy and at the same time sad and confused about something I can't point out. I tried to understand what is happening to me but all I get is not answers but headaches.
Sumasakit ang ulo ko sa tuwing iniisip ko kung ano ba ang nangyayari sa akin, kung bakit napapanaginipan ko siya, kung para saan ang mga panaginip na 'yon at kung kilala ko ba siya at kung sino siya sa buhay ko. Sa dinami- raming tanong na tumatakbo sa isip ko iisa lang ang pinaka-gusto kong masagot sa ngayon dahil pakiramdam ko masasagot nito ang iba ko pang tanong.
Sino ka ba sa buhay ko Webster?
When I think of Webster everything about him feels so enchanting and familiar na kahit noon pa mang binabanggit ni Tito Nathan ang about sa Agent na nagngangalang Webster sa akin ay ganito na ang nararamdaman ko, I know it sounds gay but heck, I love the feeling that I always felt when I hear his name or when I think of him.
NANDITO ako ngayon sa office dati ni Tito Nathan na opisina ko na ngayon at dahil first day ko dito sa Agency all agents prepared something for me, its like their welcome party for their new boss but it isn't the thought that excites me, what excite me the most is the question if Webster will be able to attend the welcome party kasi sabi nung isang agent na pinagtanungan ko if lahat makakapunta ang sabi niya hindi daw sila sigurado dahil may tatlong agent daw na sina Webster, Ella at Troye na hindi dito natutulog sa designated rooms for secret agents na pinagawa ng agency para mukhang stay- in ang mga agents dito at para maiwasan din na masundan ang mga agents ng mga taong gustong mag pabagsak sa agency namin.
Tinignan ko ang wall clock para ma- check kung oras na ba para pumunta ako sa entertainment area ng agency gahil doon gaganapin ang "Welcome Party" na plinano ng mga agents.
Ang pagkaka- desenyo ng Agency ay parang isang napakalaking hotel na nahahati sa limang malaking section, ang dining area, ang training area kung saan nakalagay ang mga upgraded na armas, gadgets, damit at kung anu-ano pa na maaari naming magamit kapag may misyon kami, entertainment area, working area at ang panghuli ay ang interrogating area kung saan nakalagay lahat ng mga selda na puno ng mga device na magaggamit sa tuwing may iniinterogang tao o kriminal.
Nang tignan ko ang oras ay napangiti ako dahil oras na para pumunta ako sa lugar na pagdarausan ng party. Nang makarating ako dun ay napangiti pa ako ng todo dahil napakasaya at napakagaan sa pakiramdam ang nakikita ko. Sa right side ay nandoon lahat ng pagkain then sa left side ay nandoon ang napakalaking tarpaulin na may nakasulat na welcome message para sa akin at sa unahan na man ay may malaking stage kung saan pwedeng magkasya lahat ng agent habang sa gitna naman ay naroon ang mga round tables at upuan na magagamit 'pag kainan na pero sa pinakagitna ay kapansin-pansin ang isang rectangular table na may katamtamang haba.
Pagkakita ng mga agents sa akin ay agad nila akong hinila papunta sa gitna kung saan may rectangular table at pinaupo ako sa upuan na nandoon. Agad nagsimula ang party kung saan nauna ang kantahan at nakakataba ng puso dahil kahit baguhan lang ako ay pinapakita talaga nila na welcome ako sa agency na 'to. Panay ang tawa ko dahil sa kalokohan ng mga lalaki ganon din ng ibang mga babae na game na game bumanat ng mga biro at kalokohan. Kahit natatawa ako ay hindi ko pa rin maiwasang panghinayangan dahil hanggang ngayon ay ni anino ni Webster ay hindi ko makita kaya pilit ko nalang binabaling ang atensyon ko sa mga nagsasayawan sa stage.
YOU ARE READING
Amidst All Odds
Tiểu Thuyết ChungIts just the two of us against all odds. Even my mind will forget you, my heart will surely remember you. No matter what they say or do, remember that I will always love you. Pangako mamahalin at mamahalin kita kahit lahat ay maging kaaway ko pa bas...