Chapter 5

22 5 0
                                        


Webster's POV

Flashback....

Nakahilata kami ngayon nina Ella at Troye sa isang queen sized bed dito sa kwarto namin ngayon ng biglang tumunog ang cellphone ni Ella. Hawak-hawak ang ulo na bumangon siya dahil sa sobrang kalasingan sa kagabi sa inuman na ginawa naming tatlo sa bahay.

"Hello?!" patanong na pagbati ni Ella sa tumawag.

"Oh Brian napatawag ka?" tanong ulit ni Ella sa tumawag. Hinintay muna niyang sumagot ang nasa kabilang linya.Nakikinig lang ako kaya hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahinang pagsinghal ni Troye na halatang nakikinig din. Si Brian ay isa sa mga lalaking malapit kay Ella sa headquarters na kinaiinisan lang ni Troye paglumalapit kqy Ella.

"Anong welcome party ba 'yan?" dinig kong tanong ni Ella na nagpakunot sa noo ko.

" Ah okay! So kailangan ba talaga na nandiyan din kaming tatlo? Oh sige ako nalang magsasabi sa kanila. Bye." saad niya bago pinutol ang tawag at humarap sa amin.

" Kailangan daw tayo doon. Okay lang ba daw sa inyo pumunta dun para daw sa welcome party daw ni Ralph kasi lahat daw ng agents sa headquarters pupunta?" tanong niya sa amin habang nasa akin  ang paningin.

" Bakit kailangan si Brian pa ang tumawag sa 'yo kung pwede namang si Icy?" pasupladong tanong ni Troye kay Ella at agad ding nag-iwas ng tingin.

" At ano naman ngayon kung si Brian ang tumawag, kaibigan ko rin naman siya?" balik na tanong ni Ella sa kanya.

" Ewan ko sa 'yo. Tch" pagsinghal ni Troye sa kanya bago humarap sa akin.

"Ano babe pupunta ka ba?" kunot- noong tanong niya sa akin.

"Wala naman tayong choice kasi ang sabi lahat daw pupunta." maikling sagot ko pagkatapos ay bumangon na para maghanda.

"Saan ka pupunta bes?" tanong ni Ella sa akin.

"Maghahanda." walang gana kong sagot.

Ihahanda ko pa ang sarili ko at ang puso ko.

Medyo matagal din kaming natapos maghanda kaya late kami ng dating. Naabutan namin ang mga agent na nakapila habang may dala-dalang plato na may pagkain.

" Anong trip 'yan?" wala sa sariling tanong ko habang palihim na tinitignan si Ralph, may kung anong sumaklit sa puso ko habang nakatingin sa kanya na mukhang may hinahanap.

"Iibigay daw 'yan sa new boss natin, oh eto ang ibigay mo." sagot ni Ailyn sabay abot sa akin ng plate na may lamang pagkain. Agad ko namang inabot 'yon at nagpasalamat, nang tingnan ko ang laman ng plqte ay mapait akong napangiti habang winawaglit sa isipan ko ang mga alaalang ayaw kong isipin. Mac and Cheese.

Sumabay na kami nina Ella at Troye sa pila na pinangunahan ni Troye tapos ni Ella then ako.

Habang papalapit ng papalapit ako sa kanya ay ‘di ko maiawasan na maalala ang sakit na naramdaman ko noon, kung paanong malapit nasira ang buhay ko pati pag- aaral ko noong iniwan niya’ko.

Nakatitig lang ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Naputol lang ang pakikipagtitigan ko sa kanya ng naharangan nina Ella at Troye ang harapan ko. Nagbaba nalang ako ng tingin sa hawak kong pagkain at hindi na pinakinggan ang sinabi Troye at Ella kay Ralph. Tila may kumurot ulit sa puso ko habang napatitig sa pagkain na hawak ko.

Ulit ay nag-angat ako ng tingin ng mararamdan kong marahan na tinapik ni Ella ang balikat ko at ganon nalang ang pagdagundong ng dibdib ka nang makita siyang titig na titig sa akin at ganon din ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya at inabot ang hawak ko.

Amidst All OddsWhere stories live. Discover now