Chapter 6

19 5 0
                                        


Ralph’s POV

“Do you still love me? May nagbago na ba sa nararamdaman mo sa akin noon?” desperadong tanong ko habang nakatitig ako sa kanya. Alam ko na bakas sa mukha ko ang pagkalito, sakit at lungkot sa mukha ko.

Umaasa akong sasagutin niya ang lahat ng tanong ko dahil kanina pa ‘ko nagtatanong ngunit ni isa ay hindi niya magawang sagutin.

“Ralph..” usal niya at halata sa boses niyang hindi niya alam ang sasabihin. Natatandaan ko pa hanggang ngayon yung mga bagay na pinagsaluhan namin noon.

Gusto kong magpakalunod sa lungkot dahil sa hindi niya pagsagot sa mga tanong ko pero meron sa loob ko na ‘wag dahil ang ibig sabihin lang nang hindi niya pagsagot ay maaaring hindi pa nawala ang nararamdaman niya sa akin, pero ayokong mag pakampante dahil ayokong mabigo at ayokong umasa sa mga bagay na hindi sigurado.

Akmang magsasalita ako ngunit tumunog na naman ang kanyang telepono kaya hindi ko na lang tinuloy. It really hurts, only if he knew. Habang nakikinig ako sa kanyang mga sagot sa kabilang linya alam ko na agad ang sagot sa mga tanong ko.

Matapos ang tawag ay nagpaalam na siya para umalis. Ilang minuto pagkaalis niya ay pumasok si Tito Nate kasama si Alyssa. Napatingin sa akin si Tito at may bahid ng hindi ki mapangalanan na emosyon lalo na ng lumapit si Alyssa sa akin.

“ Fiancé ko, what happened to you? “ malambing na tanong niya sa ‘kin at dinampian ako ng halik sa labi, sa halip na tumugon doon ay ngumiti ako ng pilit dahil nakita ko’ng nagsalubong ng bahagya ang kilay ni Tito. Hindi ko siya sinagot at tumitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makaramdam ng kagalakan na nandito siya.

“ Ralph please just think of what you have now and stop thinking about me. Marami ng nagbago.”

Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng bigla ko na namang maalala ang sinabi ni Webster kanina. What is wrong with me? Binalik ko ang tingin ko kay Alyssa na nginitian lang ako. Marami na ngang nagbago, may fiancé na ako at ikaw naman may iba ka na.

T-troye i-ikaw pala sorry hindi ko kasi natignan ang caller.”

“ Wala namang nagbago ikaw pa rin ang nandito sa puso ko, mahal pa rin kita.”

Troye. Ang lalaking bumihag sa puso niya noon bago nabaling sa akin ang nararamdaman niya. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko at ang konting kirot sa dibdib ko. Gusto ko matawa dahil sa huli sila pa din. But I can’t blame him, I promised back then that I will never ever forget everything that we have no matter what but I failed and it hurts because I am not able to fulfil that promise.

“ Hey, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Alyssa sa akin kaya tinignan ko siya.

“I’m sorry!” nasabi ko na lang sa kanya, nakita ko ang pagkunot ng noo niya. I’m sorry but I need to do the right thing and I know that that right thing will hurt you.

“ Sorry? For what?” tanong niya ulit.

Umiling lang ako at ainabihan siyang matutulog na muna ako, tumango siya tapos ay nagpaalam na may pupuntahan hindi na ako umimuk dahil pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko.

Pumikit ako at hinayaang pumasok sa utak ko ang nakaraan naming dalawa.

“Ralph you’re the best thing that happened to me so please don’t leave and forget me, no matter what.” Nakangiting aniya

“Mac ko, wala ka bang tiwala sa akin?” nakanguso at nagtatampo kunyaring tanong ko.

“Hahaha.. ang gwapo mo talaga. Of course may tiwala ako sa ‘yo kaya gusto ko lang sabihin sa ‘yo kung sino at ano ka sa buhay ko kaya huwag ka na magtampo hehe.” Naglalambing na sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

Hinding- hindi ko pagsisihan na mahalin siya kahit madami ang hindi tanggap ang relasyon namin lalo na si Papa. Hindi sa wala akong pakialam sa ama ko pero masyado lang atang malalim ang pananaw ko sa pag-ibig kaya ganito ko katanggap ang sitwasiyon namin kahit mqli ang tingin ng iba sa pagmamahalan namin, ika nga ‘di ba na love moves in mysterious ways.

“ Masyado kitang mahal para iwan at kalimutan ka, kaya pangako hindi ko gagawin yan amidst all odds.” Nakatitig ako sa mga mata niya habang sinabi yon tapos ay niyakap siya ng buong pagmamahal.

Mula noong natutong tumibok ang puso ko para sa kanya alam ko na na masiyadong marami ang kakaharapin ko, namin, kapag pinagpatuloy ko ang pag-iibigan na para sa mga mata ng iba ay mali at bawal pero sadyang mahirap pigilan kaya’t pinagpatuloy ko kahit madami ang kinaharap namin na balakid para lang magkasama.

Kuyom ang mga kamaong nagmulat ako ng mata. Amidst all odds? Tang*na gusto kung ibalik ang nakaraan pero alam ko na imposible. Bumaling ang tingin ko sa kamay kong may IV nakita ko ang pagtaas ng dugo roon dahil na rin sa pagkakakuyom ng kamay ko.

P*ta alam ko na hindi pa buo ang mga alaala na mayroon ako ngayon dahil hindi ko pa rin alam kung paano at bakit ako nagkaroon ng ganitong uri ng sakit. Gusto ko nang malaman ang lahat para masimulan kung ayusin ito. Inabot ko ang pagkain na binili ni Webster kanina para sa akin at sinimulan iyong kainin. Napatigil ako sa pag- nguya ng magtama ang paningin namin ni Tito na nandito pa pala.

“ Tito nandito ka pa pala, you scared me.. a bit.” Ani ko.

“ Mukhang malalim ang iniisip mo kani-kanina lang dahil pati presensiya ko hindi mo napansin. What telling me what is it? Mind telling me?” seryosong aniya.

“ It’s nothing Tito. Don’t concern yourself with it.” Pagsisinungaling ko.

“ If you say so, but always remember nandito lang kami ng Mama mo. Oh, by the way she said sorry because she wants to visit you but she can’t dahil hindi niya pwede iwan ang business doon sa Italy.” Sabi niya sabay tayo. Tumango lang ako.

“ I think I’ll get going. Get well soon son.” Paalam niya.

“ Thank you for visiting Tito. Take care.” Sagot ko sa kanya.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay bumalik ako sa pagkain habang nag-iisip.
Kailangan kong malaman ang lahat, kailangan kong kumilos para magawa ko ang tama.

Matapos kumain ay nahiga ulit ako hanggang sa tuluyan akong makatulog.


********************************

ITO NA PO TALAGA HAHAHAH! SORRY DAHIL ILANG BUWAN DIN BAGO AKO NAKAPAG UPDATE MEDYO NABAKANTE LANG DAHIL WALANG BINIGAY NA TASK SA AMIN AT TSAKA MEDYO NAGKALAMAN NG KONTI ANG UTAK KO HAHA.
PLEASE DON’T FORGET TO VOTE AND COMMENT!!!💙💙
AND PAKI FOLLOW DIN PO HEHEHEHE!!!

Amidst All OddsWhere stories live. Discover now