Chapter 3

23 6 0
                                        

Webster's POV

One week na kaming hindi pumapasok sa HQ dahil narin sa rule ng Agency na after you succeed in a mission you and your team will have one week na pahinga bago ulit kayo bigyan ng panibagong assignment. Okay na sana ang isang linggong pahinga kaso isang linggo na rin akong binu- bwisit nitong sina Ella at Troye.

"Bes iba talaga yang androgynous looks mo, nakakahimatay!"...Ella.

"Oo nga babe, 'kita mo knockout siya pagtingin niya sa mata mo"... Troye.

"Bes dalawin mo siya sa hospital tapos halikan mo para magising hihihihi...!" ... Ella.

"Baka naman it's the other way around?"... Troye.

"Anong pinagsasabi mong "it's the other way around?""...Ella.

"Ang ibig kong sabihin ay baka nung pagtingin niya sa mata nitong isa ay nag-cast 'to ng spell para patulugin yung isa habang buhay at tanging halik lang niya ang magpapagising dito."...Troye.

"Abnoy, ba't naman yun gagawin niyang si Webster, kasi ang alam ko lang mahilig siya sa kahit anong connected witchcraft at wizardry na mga bagay pero hindi siya mangkukulam?" kunyaring naguguluhan na tanong ni Ella.

"Tanga, magagawa niya yun dahil sa sakit at galit na naramdaman niya noon." bullseye na balik ni Troye at biglang aalis silang dalawa sa harap ko.

Ilan lang yan sa mga pangbu- bwisit nila sa akin at 'pag na-iinis na ako ay bigla-bigla nalang silang aalis.

"Excited ka na bang makita ulit siya bukas?" tanong ni Ella habang naka-upo ngayon sa tabi ko dito sa sala.

"Sino?"...ako

"Sino pa ba? edi si Ralph, short for Raphael yung first ahsbhsks!" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil tinakpan ko ng unan na yakap ko kanina pa ang kanyang mukha.

"Ba't naman ako ma-eexcite?" I asked, exasperated.

"Eto naman in denial masyado! Pero bes pano na yan ngayong nandito na ulit siya? Paano kung gustuhin niyang maka-pasok sa buhay mo?"

"Eh? Siguro si Wonderwoman na ang bahala diyan at isa pa nasira na yung pinto na pwede niyang pasukan at hindi ko yun aayusin  pa para sa kanya."

"Alam mo Webster mag- ingat ka diyan sa mga pinagsasabi mo dahil baka kainin mo rin yan sa huli, eh alam naman natin na hindi ka pa nakaka-pag move on."

Hindi nalang ako sumagot pa dahil alam kong tama siya sa sinabi niyang hindi pa ako nakakapag- move on kahit na walong taon na ang nakalipas noong hindi niya tinupad ang usapan namin na lalayo kami sa mga taong hadlang sa pagmamahalan namin noon.

Flashback....

Nakayakap siya sa akin mula sa likod habang naka-upo kami sa sofa dito sa bahay ko at naglalambingan.

"Webster pasensya ka na ha kung hindi kita napoprotektahan sa mga taong hadlang sa ating dalawa lalo na sa Papa ko pero pangako I will find ways para matapos na lahat to, just promise me you will never let go and that you will never stop giving me nonpareil love." malambing niyang sabi habang nakikita sa kanyang mga mata ang lungkot.

Amidst All OddsWhere stories live. Discover now