Cassandra's POV
Napabalikwas ako ng higa ng makita ko kung anong oras na. Hindi ko alam ano ba ang mas dapat kong unahin. Ang pag aayos ba ng sarili o ang pagbukas ng pinto. Kulang na lang dumausdos ang mukha ko sa sahig dahil mabilis pa sa tilaok ng manok ng bumaba ako para tignan kung nadoon pa yung kotse ni Cross. Baka naunahan na naman ako ng asawa ko.
Salamat sa Diyos at nasa garahe pa naman ang sasakyan niya. Napabuga ako ng hangin at imbis na bumalik ulit sa pagkakahiga ay dumiretso na ako sa pag luluto ng almusal. Ayokong pumasok siya ng hindi kumakain.
Kumuha ako ng mga lulutuin sa ref at inihanda ang mga gagamitin ko. Bacon atsaka itlog lang dahil hindi naman kumakain si Cross ng ibang ulam unless luto ni yaya o ni mama. Marunong naman daw akong magluto, masarap naman daw ang lasa pero kapag si Cross ang kumain kulang na lang iluwa niya sa harap ko yung pagkain.
Nang matapos na ako ay inilapag ko ito sa lamesa at inayos ko din yung mga kutsara at tinidor at plato. Nagtimpla din ako ng kape.
Maya maya pa ay nakarining na ako ng pagbukas ng pinto at inilabas nito si Cross na nag aayos ng kurbata at manggas ng polo niya. Jusme! Parang may bumaba na anghel. Pwede na bang maihi sa kilig? Kung ganyan naman ang anghel na kukuha saakin aba hindi na ko choosy noh.
"C-cross mag-almusal ka muna, tutal maaga pa naman." Nevermind. Hindi niya din ako pinansin. Gusto ko siyang sabayan kumain pero mukhang nagising siya sa lapag. Sa susunod na lang kapag sa kama na siya nagising. Akala ko lalapit siya saakin pero pupunta lang pala siya sa lababo para maghugas ng kamay.
Assuming?
Hindi naman. Umaasa lang, masama ba?
Pagkatapos niyang maghugas ng kamay ay kinuha niya ang bag niya sa sofa at lumarga na. Ni hindi man lang ako binalingan ng tingin. Ok na saakin yung tingin atleast kahit isang beses napansin niya din ako. Napatingin ako sa pagkain at sa kasamaang palad, mag isa ulit akong kakain. I want to wake up Yaya Celing pero wag na. Pagod din kasi yun sa maghapon.
Nakakawala ng gana lalo na kapag MAGISA ka lang sa hapag kainan. Kung marunong sanang mag appreciate ang asawa ko edi sana kanina pa ito ubos. Ay nakalimutan ko, kumbaga sa hangin invincible ako. Ayos diba? May superpower ang ate niyo. Hindi ko nga alam kung hangin ba ako or multo kasi sina Yaya naman nakikita ako. Hala! Baka mag third eye si Yaya.
Hay buhay. Kaysa mabored ako sa bahay matawagan nga ang bruha kong bestfriend. Idinial ko ang number niya at aabutin yata ako ng eternity bago siya sumagot. "Bakla! Papunta na ako diyan. Wit ka lang. Alam ko naman may kadramahan ka ulit sa life kaya tumawag ka. Magluto ka ha. Hindi pa ako nag aalmusal. Sige na babush. Lab you."
Magsasalita pa lang ako. Ginawa na atang bahay ng mga lamok ang bunganga ko dahil kanina pa nakabukas. Sino ba naman ang hindi bubukas ang bunganga sa bestfriend ko. Pero infernes kilala niya na talaga ako.
"Bakla! Bilisan mo diyan. Pinagfi fiestahan na ako ng mga hungry insects." Mabilis kong binuksan ang pinto at bumungad saakin ang bestfriend kong pantal pantal na. Kawawa naman.
"Bwisit ka. Akala ko pakakainin mo ko eh ako ang kinain." Natawa na lang ako at pinapasok siya sa bahay. Alangang hindi e baka naging almusal siya ng mga lamok. "Uy bacon, wow ha talagang nagluto ka for me. You're the be-"
"Para kay Cross yan. Pero hindi niya kinain." Malungkot kong saad.
"Bestfriend ko, bestfriend kong tanga." Tinignan ko siya ng masama kaya nilapitan niya ako. "Kalimutam mo na nga muna yang asawa mong tuko at kumain muna tayo. Sa lamesa na tayo mag usap at kanina pa masakit ang paa ko dahil sa bwisit na heels na to." Tumango ako at pumunta kaming dalawa sa lamesa.
"Bakla naghihirap na ba kayo?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Kirania. "Hindi bakit?"
"Bakit bacon and eggs lang?" Tinanong niya pa.
"Hindi kasi kinakain ni Cross yung mga niluluto ko. He prefers eating outside." Napabuga ako ng hangin at napasandal sa upuan.
Ano pa nga ba? Lagi naman ganun. Nasanay na nga ako. Kapag pinag luto mo hindi kakainin kapag hindi mo ipinag luto parang wala lang sakanya. Minsan dadaan ako sa office niya pero lagi siyang busy kaya hindi ko alam kung busy ba talaga siya o ayaw niya talaga akong makita. Tapos madalas hindi ako pinapansin. Simula noong ikasal kami lagi nang ganun. Iba na yung treatment niya saakin animoy parang hindi niya ako asawa, worst? Hindi ako kilala. Masakit syempre tao ako eh. May pakiramdam pero susuko pa ba ako? Mahal ko siya at umaasa ako isang araw mamahalin niya din ako. Yung hindi pilit.
Masakit sa parte ko yun dahil asawa ko siya at asawa niya ako pero parang hindi kami mag asawa sa pagtrato niya saakin. Ang drama ng love life ko noh? Mala Romeo at Juliet ang peg pero hindi ako si Juliet. Because there's someone who really Cross cares about and that's not me.
"Ay kumain na tayo. Baka magbaha ng luha ng wala sa oras." Nakita ko si Kirania na nagpupunas ng luha sa gilid ng mata niya. "Kalimutan mo muna yang ungas mong asawa na wala ng ginawa kung hindi paiyakin ang bestfriend kong bruha. Alam mo bakla. Kung ako ang nasa posisyon mo baka hiniwalayan ko na si Cross. Lodi nga kita kasi martyr ka kahit nasasaktan ka na. Maybe not physically but emotionally."
Kita mo? Sabi kumain na daw kami at baka bumaha ang luha pero siya pa tong nag advice. Gulo din ni Kirania. Pero tama siya, if someone is in my position I'm sure they'll do what every other woman will do, because they wouldn't ease the pain on living the same roof to a man like Cross. Ako nga lang ata atsaka si tita ang nakakapagtiis sakanya.
Pero naniniwala ako na lahat ng pag titiis ay may kapalit na saya.
♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡
Vote Comment and Enjoy
-@missX
YOU ARE READING
Just His Wife
Teen Fiction"Regrets are felt when it's just too late." Cassandra Allia Alcantara. Beautiful, femine, kind. A perfection a man wants to a woman. Masayahin at animoy walang problema. She's married and yes she's happy but not her husband. Cross Calyx Montenero. T...