Kirania's POV
Nag commute na lang ako pauwi at feeling ko babagsak ang mga tears ko kapag nakisakay pa ako kay Damon. Ang sakit palang maipagkaila. Pero dapat hindi ako nasasaktan dahil walang kami. Umaasa lang ako sa taong kahit kelan ay hindi ako magugustuhan. Sa taong kahit kelan hindi ako mamahalin. Katulad ng sinabi ni Damon na may girlfriend na pala siya, senyas na saakin yun na wag na akong umasa at masasaktan lang ako.
Ay kalimutan ko na nga yung tuko na yun. Ang mas dapat isipin ko ay ang bestfriend kong sawi sa love life. Not literally but obviously hindi siya mahal ng asawa niyang gago sa lahat ng gago sa buong mundo.
Hindi ko nga alam kay Sandra kung bakit sa lahat ng lalaking pwede niyang pakasalan ay si Cross pa. Pwede naman na si Damon na lang. Kahit masakit basta sa ikaliligaya ng aking mumunting bastfrand. Ang swerte na ni Cross kay Sandra pero para siyang bato. Pusong bato pati pagkatao. Napakabait ni Sandra para umiyak sa isang lalaking katulad niya. Walang appreciation sa katawan tapos kalalaking tao, snobero.
Hay! Kung hindi sana pumayag si Cassandra sa fixed marriage edi sana walang kasalan na naganap wala ding taong nasasaktan at nahihirapan. Sandra knows that Cross is cheating on her pero pinapabayaan niya lang. Nangako daw kasi siya sa altar, sa harap ng maraming tao at sa harap ng diyos. Eh kung pangako lang naman ang paguusapan isa lang ang masasabi ko.
Some promises are meant to be broken.
Kung ang pagkasira ng pangakong yun ay siyang magiging rason upang maging masaya ang bestfriend ko, tatawag ako ng construction worker at ipasisira ko. Sabihin niya lang. Ayoko lang makitang umiiyak si Sandra because she's like a sister to me.
♡
Damon's POV
Dammit! I know my fvking limits. She's my brothers wife, but i don't fvking know how to stop this stupid feelings towards her. May asawa siyang tao Damon at kuya mo pa. Get yourself together. Your twin brother is her husband yet you want to be part of their oh-so-called marriage which clearly Cross doesn't love her. And you do, but how are you supposed to tell her if you are a fvking coward.
She's my brother's wife. I get that. Sinabi ko na yan sa sarili ko maraming beses na. Pero tao lang din ako nagmamahal. This may sounds gay but loving the girl who's already taken is such a funny thing to do. Pero ginagawa ko pa din, in the name of love.
I know it will be hard but i will do everything to have her even if it means my brother will be my rival. Nakakatawa nga dahil kambal kami at iisang babae pa ang mamahalin namin. I mean mamahalin ko. Because obviously kuya doesn't love Lia still Sandra loves kuya and that what hurts the most.
Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin, na isa akong traydor at gago. Pero anong gusto niyong gawin ko? Ang hayaan na masaktan ng masaktan ang babaeng mahal ko? Lumayo ako ng matagal at ito lang ang madadatnan ko? Na ipinakasal ng mga magulang ko ang babae pinapangarap ko. Ang masaklap pa ay sa kapatid ko.
I gave up everything even the girl i loved the most just to be number in my parents eyes. Pinaburan ko ang kagustuhan nila na ilayo ako at napaka tanga ko dahil sinunod ko sila. Nang dahil sa pagsunod ko ay nawala si Lia, kagaya ng pagkawala niya ay ang pagkawala ng pag asa ko na magiging akin siya. Mahal ko si Lia, mahal na mahal. Pero parang ayaw ng tadhana saaming dalawa.
I heard my phone rang turns out it was Blake. "Pare musta na? Ako eto namimiss ka." Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
Siraulo talaga. "Ulol! Iba talaga ang gwapo pati lalake nahuhulog sayo." Umubo ito ng peke bago magsalita. Maka react akala mo hindi totoo. Gwapo kaya ako.
"Gago! Mas gwapo ako sayo. Ang dami ngang nakapila sa labas ng bahay ko eh."
"Sino sino? Ah yung mga taong pinagkakautangan mo?" Alam ko na kasi ang banat nito kaya inunahan ko na.
"Hindi. Mayaman pa ako sayo noh. Mga babae gusto ng autograph atsaka picture. Napagkakamalan akong artista sa mala Aga Muhlach na mukha ko." Kung magkasama lang kami nito baka kanina ko pa binatukan sa kahanginan.
"Maiba tayo ng usapan. Ano? Kayo na ba?" I know what he meant. Sinabi ko kasi ang pakay ko sa pag uwi ko.
Sana nga kami na. Yun lang talaga ang ipinunta ko dito. Ang makita siya kahit na ipamukha saakin ng katotohanan na kasal na siya. Masakit sa parte ko yun bilang lalake dahil nung umalis ako parang hinayaan ko na si kuya na makuha si Lia.
"Ewan ko pre. Parang habang tumatagal nawawalan ako ng pag asa. I'm losing my chance to have her. Lalo pa at mahal na mahal talaga niya si kuya."
I can see it in her eyes, buhay na buhay ang loob niya na balang araw mamahalin siya ng kuya. Kahit na ang totoo matagal ng wala si Lia sa buhay ni kuya. Magkapatid kami ni kuya pero napaka gago niya para ipawalang bahala si Lia. Lia is perfect. Nasa kanya na ang lahat wala ka ng mahihiling pa. Kaya nga nagtataka ako kung bakit ganun na lang itrato ni kuya si Lia.
"Don't give up pare. Nasimulan mo na eh. Tapusin mo. Malay mo isang araw kayo na ang magkasama. Time flies wag kang atat." He's right. Kahit pala gago to may alam din.
"Sige na gogora na ko at ginigiba na ng mga girlalu ang aking house. Bye labyu. Haha!" Mumurahin ko pa sana pero binaba niya na ang tawag. Hindi ko alam kung lalaki ba to o bakla eh.
But he has a point. I leave everything just to see her, why not continue it?
♡
Cassandra's POV
Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong mag midnight snack, chichibog ako kung anong machichibog. Bumaba ako para maghalunglat sa ref ng maalala ko na may carbonara pala. Nagtira nga pala ako para may chibog ako at para kay Cross na hindi naman kinain.
Hinanap ko ito sa ref para iricooked pero kahit anino ng carbonara ay wala. Kinain siguro nina Yaya. Ok lang magchichichi na lang ako. (Chichirya aka Junk food aka chibog)
♡~♡~~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡
Vote Comment and Enjoy
-@missX
YOU ARE READING
Just His Wife
Novela Juvenil"Regrets are felt when it's just too late." Cassandra Allia Alcantara. Beautiful, femine, kind. A perfection a man wants to a woman. Masayahin at animoy walang problema. She's married and yes she's happy but not her husband. Cross Calyx Montenero. T...