Cassandra's POV
So ayun nga, nagluto kami ni Yaya pero ang masakit walang dumating na Cross. Wala kahit anino niya. Ang sakit lang kasi pagod yung ginugol namin dun, ineexpect ko naman yun. Ang mali ko lang ay umaasa pa din ako hanggang ngayon. Ayokong mapanis yung carbonara at sayang kaya kulang na lang magpa buffet ako sa buong subdivision. Pero nagtira ako baka sakali lang na maghanap siya. Sana nga hanapin niya. Dahil kapag nawala na hindi na maibabalik pa.
Char! Hindi talagang nagtira ako. Para may midnight chibog. Binigyan ko din sina Yaya Celing at yung mga anak niya. At isang buong kaldero ng carbonara ang niluto namin. Hindi ako patay gutom kaya sinaluhan nila ako.
Gusto ko sanang bigyan si Damon kaso nasa trabaho din daw siya. Kasama daw niya yung kuya niya. Si Damon ay twin brother ni Cross. Pero magkaibang magkaiba sila ng ugali. Kung hindi mo sila kilala malilito ka talaga pero kung kilala mo isang tingin lang alam mo na kaagad kung sino.
Mabait at mahinahon si Damon. Kwela at sasakit ang tiyan mo kapag siya ang kasama mo. Masayang kasama at marunong maki ride. Maingay kaya minsan napagkakamalan na bakla pero take note gwapo. Samantala sa kabilang panig ay si Cross. Tahimik at misteryoso. Maangas at mahuhulog ang puso mo sa kaba kapag siya ang kasama mo. Masayang kasama? I don't know. Parang walang dila at madalas mapagkamalan na may galit sa mundo dahil sa ugali. Pero gwapo.
Nagtataka nga ako kung bakit Damon ang pangalan niya, diba parang nagkapalit sila ng pangalan ng kuya niya? Seryoso ako. Haha. (Natuluyan na po talaga ang Author, ipagdasal na lang po natin siya.)
Narinig ko ang phone ko na nagring kaya sinagot ko. Nakakatakot kasi kung kusa siyang sumagot. "Halu? My beautiful sister in law. Dadaan ako diyan kaya kung maaari mag pa fiesta ka."
"Akala ko ba may meeting pa kayo?" Tapos na pala akala ko kakasimula pa ng meeting nila.
"No. Kanina pa tapos. Hindi ka ba tinawagan ni kuya? Akala ko kasi tinawagan ka na niya. Ang sabi kasi niya papunta na siya."
Tinignan ko ang calls ko pero wala siyang tawag ni isa. Yung kaisa isa niyang tawag eh nung inutusan niya ako na papasukin yung secretary niya dahil kukunin yung files niya. Nakalimutan niya kaya yung secretary niya na mas maganda pa sa model ng victoria secret ang peg pero mas maganda ako.
At teka wala kaming pinagusapan na uuwi siya dahil maagang natapos ang meeting nila. Never niya akong ininform sa daily lifestyle niya. Kaya imposible na ako yung tinawagan ni Cross. Ba't ba ganito yung pakiramdam ko? Parang may pinagsama sama na bato,hollow blocks at isang kaban ng bigas ang bigat ng dib dib ko.
"You know what? Instead of thinking about what I've said why don't you just get dress up and invite your friend of yours, what's her name again? Oh yes Kirania. Were going out."
"Uy, nadedevelop na. Haha." Pang aasar ko.
"What? Ininvite lang gusto na. Wag na nga lang. Sayang tre-"
"Di na nabiro, sige na mag aayos na. Tatawagan na si KIRANIA at IIMBITAHIN. Haha." Bumuga siya ng hangin sa kabilang linya at binaba ang tawag.
Ang sarap talagang bwisitin ni Damon. Palibhasa pikon, atsaka feeling ko gusto niya si Kirania dahil nga magkababata kami ni Kira at bestfriend ko din si Damon kaya ayun tinamaan ni kupido. Pero kahit na bffs kami ni Kira they never got the chance to talk to each other dahil nga laging nasa states noon si Damon at nasa pilipinas si Cross kaya kay Cross ako nadevelop. What a beautiful love story.
Kagaya ng sinabi ni Damon ay naligo muna ako at namili ng damit na susuotin. Itetext ko na rin ang bruha kong kaibigan. "Bakla may lakad tayo, mag ayos ka. Kasama si Damon, ayieee." Magblo blow dryer sana ako ng bigla tumunog ang phone ko.
"Really? Homayghad! Ano bang magandang suotin? Dress or Shirt? God stress na ko. Anong oras daw?" Tingan mo to. Kapag ako ang nagtext kinalawang na ang phone ko hindi pa sumasagot pero kapag tungkol kay Damon mabilis pa sa toro na nakakita ng kulay pula kung mag reply. "Yes.Dress mas bagay sayo. Papunta na daw. Sabihin ko sunduin ka na lang namin. Bakla ang exit mo ha, gandahan mo. Yung tipong lumabas ang diwata sa kweba."
"Kweba? Anong tingin mo saakin taong kweba? Girl sa ganda kong to, langit hindi kweba.
"Basta ayusin mo yung exit. Kung maaari mag pafireworks ka. Haha."
"Sabagay sa langit nga naman nanggagaling ang mga bitwin at kumbaga sa bitwin isa akong makulay na bitwin, bumagsak sa lupa ngunit diyosa ang bumulaga."
"Ewan ko sayo magayos ka na. Papunta na kami." Panakot ko. Pagong kasi si bruha nung early century.
"Hala! Bwisit ka nagpanick tuloy ako. Sige na I'll be ready in a minute. Babush."
Napailing na lang ako at nagblower na lang ng buhok. Nag ayos din ako at naglagay ng very very light make up. Ayokong magmukhang clown noh sa mall kami pupunta at hindi sa circus. Ilang sandali lang ay nakarining na ako ng busina. Bumaba ako ng hagdan at nandun na sa baba si Damon. Nakapang formal siya, may tux at kurbata pero kakaiba ang tuko. May hikaw sa tenga.
Naka floral dress ako at sandals. Simple but elegant ang datingan.
"You never chage. You're still beautiful as ever." Kinilig naman ako dun ng very slight. Never kasi akong sinabihan ni Cross ng maganda. Pag kasama sina mama at tita pero pagpapanggap lang yun.
"Che! Wag ako anh bolahin mo.Yun si Kira, magpapabola pa sayo yun." Ngumiti siya at nang nasa tapat na kami ng kotse ay inilahad niya ang kamay niya.
Ano trip nito? "Trip mo?" Tanong ko.
"Aish! Sumakay ka na nga lang. Ako na nga tong tumutulong." Sumakay ako sa likod dahil nirereserba ko kay Kira yung passengers seat.
Sumakay na si Damon na nakakunot pa din ang mukha. Natawa na lang ako. "Dae kay Kira tayo. Naghihintay na yun for sure." Tumango na lamang siya bilang sagot. Problema nito? Nang makarating kami kina Kira ay nasa labas na ang gaga. Naka blue dress siya with matching white heels.
"Ano tara na?" Bubuksan niya dapat yung pinto kung saan ako naka upo pero nilock ko ito kaya kinatok niya yung bintana. Binuksan ko naman ito at ngumuso sa passengers seat. Abot tenga ang ngiti ng bruha.
Isang torpe at isang denial.
♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡
Vote Comment and Enjoy
-@missX
YOU ARE READING
Just His Wife
Teen Fiction"Regrets are felt when it's just too late." Cassandra Allia Alcantara. Beautiful, femine, kind. A perfection a man wants to a woman. Masayahin at animoy walang problema. She's married and yes she's happy but not her husband. Cross Calyx Montenero. T...