Cassandra's POV
Hindi nagtagal si Kirania at may trabaho din kasi siya, talagang nagpa late siya para madamayan ako sa love life ko. Ganyan si Kirania simula fetus ata kami magkaibigan na kami, parang kapatid na ang turing namin sa isat isa dahil wala siyang kapatid at wala din ako kaya naging magkapatid na ang tingin namin. Magkaibigan ang mommy ko at mommy niya simula nung mga bata daw sila kaya nangako sila na pag nagkaanak sila sisiguraduhin nila na magkaibigan din katulad nila.
At mukhang nag katotoo nga. Dahil ang bunga ng pangako nila ay kaming dalawa ni Kira.
At dahil mag isa na naman ako, hindi pwedeng tutunganga lang ako at magiisip. Baka mabaliw ako isa pa wala akong iisipin. Meron pala, kung paano ako mamahalin ni Cross. Char! Ang pag ibig hindi pinipilit. Dumadating yan hintay hintay pag may time. Pero pwede sigurong mainip at 6 years na akong naghihintay. Yep. 6 years na akong naghihintay at naging hangin/multo.
Grabe kasi yung puso ni Cross eh. Tulog pa ata kaya ayun, pati amo niya tulog ang damdamin. Manhid, napaka manhid parang robot. Sana nga robot na lang si Cross para maturuan ko siya na mahalin
ako. Huhu.Ewan ko ba at ganyan ang pag ibig. Punong puno ng drama at sakit. Pwede bang wala na lang para puro saya na lang. Buti pa nga ang langgam pag naramdaman ang presensya nung isa pinapansin. E ako tao akong naturingan pero hindi ako makita kita. Ang langgam bulag na yun ah. Pero nakakakita pa din sila ng pag ibig. Paano ko nalaman? Try niyong manood ng National Geographic. Si Cross hindi nga bulag pero hindi pa din ako nakikita.
Nakakastress! Ang daming problema ng bansa este mundo dadagdag pa ang pusong bato ng asawa ko. Isa lang naman ang solusyon para wala nang gulo, pag ibig, pag mamahalan pero syempre bago kayo mahalin ng asawa ko ako muna. Hindi naman kayo ang naghintay ng anim na taon ah.
Huminga ako ng mataas. Puro kasi malalim eh. May originality ako noh. (Pagbigyan niyo na ang Author. May sayad ho kasi katunayan nga ginagawa niya ito sa mental.)
Naupo ako sa sofa at binuksan ang tv. Manonood na lang ako kaysa sa magpaka stress.
"Habulin mo! Ayun diyan magtago ka diyan. Takboo! Haha buti nga sayo. Sabi ko takbo tapos lumapit ka pa din, nahuli ka tuloy. Ako na nga tong tumutulong."
Nawala naman ang stress ko papaano sa kakapanood ng cartoons. Ang kulit kasi nina Tom and Jerry eh. Lalo na si Jerry ang cute niya kasi atsaka madiskarte, si Tom yung pusang kamukha ni Cross. Laging gutom atsaka may galit ata sa mundo. Wag niyo kong susumbong.
"Anak, ok ka lang ba? Kanina ka pa kasi sumisigaw." Si Yaya lang pala. Teka sumisigaw ba ako?
"Ah opo. Nakakatawa lang po kasi yung palabas eh, pasensya na po at nagising ko po kayo." Pagso sorry ko. Nagising yata si Yaya dahil sa boses kong mala Lea Salonga ang peg.
"Wag mo kong intindihin. Kanina pa ako gising hindi mo lang ako narinig. Sige maiwan muna kita diyan at maglilinis pa ako." Tinignan ko si Yaya. "Hoy! Pricilla at Cella gumising na kayo."
Hindi ko pinagtrtrabaho si Yaya dahil may katandaan na din siya. May mga anak siya kaya madalas sila ang gumagawa ng trabaho kapag nagpapahinga si Yaya Celing. Ilang taon na silang nag sisilbi saamin nina Cross. Simula pagkabata kasi ay inaalagaan na ni Yaya Celing si Cross kaya nung naging mag asawa kami ni Cross gumaan kaagad ang loob ko sakanila.
Minsan este madalas si Yaya ang nagluluto ng kakainin namin ni Cross dahil kagaya ng sinabi ko hindi kumakain si Cross ng luto ko. Pero masarap daw akong magluto pero siguro talagang iba ang panlasa ni Cross. Choosy ang dila ni Cross.
Nakaramdam ako ng gutom kaya tumakbo muna ako sa pinakamalapit na kusina. Baka kasi magalit yung kapitbahay namin kung dun ako kukuha ng pagkain.
Binuksan ko ang ref at naghanap ng mangangata. Kakainin na kasi nung small intestine ko yung big intestine ko. Bakit porket ba maliit siya mahina na hindi ba pwedeng tinamad lang siyang magpalaki?
Maraming prutas at gulay, baboy atsaka manok. Ano naman kaya ang gagawin ko sa mga to? Nasa katinuan pa ako para kumain ng luto at hindi luto noh. Ah! Alam ko na. Mag luluto na lang ako ng carbonara. Favorite ko yun at sa pagkakaalam ko favorite din yun ni Cross kaya imposible na tatanggihan niya yun. Nakita ko kasi noon si tita na nagluto ng carbonara at malinis pa sa sahig na minop ang plato ni Cross.
Tinignan ko ang cupboard kung may pasta ba dun at gatas at mga rekados na gagamitin. Kumpleto at hindi kulang. Si tita siguro ang naglagay ng mga to sakali siguro na pupunta siya.
Ang tanong kainin kaya ni Cross kung magluto ako? O masasayang ulit? Tawagan ko kaya si tita na pumunta? Wag na baka busy. Eh kung magpatulong kaya ako kina Yaya? Ayun!
Umakyat ako para tawagin sina Yaya. Nasa kwarto sila at nag aayos ng punda ng mga unan. "Ahm...p-pwede po bang magpaturo magluto ng carbonara?" Marunong naman akong magluto pero maganda na yung may kasama ka para gumabay sayo. Eh wala na nga akong kasamang magluto hindi kinakain eh. Try ko baka kapag may kasama ako kainin niya na.
"Nako kang bata ka. Bakit nagpapaalam ka pa? Sana tinawag mo na lang ako at hindi yung umakyat ka pa." Nginitian ako ni Yaya Celing kaya nginitian ko din siya.
Parehas kaming bumaba ng hagdan, inaalalayan ko kasi si Yaya. "Bata ka. Kaya ko pang maglakad, matibay pa sa buto ng kalabaw ang mga buto ko." Hindi ko pa din binitawan si Yaya. Maganda na yung sigurado. Sabi nga nila 'Prevention is better than Cure'.
"Ano ba ang lulutuin natin?" Tanong ni Yaya.
"Marunong po ba kayong magluto ng carbonara?" Tanong ko. Tanong niya tanong ko.
"Ay! Ipagluluto mo ba si Cross? Tamang tama at paborito niya iyon. Lalo pa at luto mo paniguradong hindi niya iyon tatanggihan."
Wala ba si Yaya nung mga araw na muntikan nang iluwa ni Cross yung pagkain na niluto ko? Hindi yata updated si Yaya.
♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡
Vote Comment and Enjoy
-@missX
YOU ARE READING
Just His Wife
Teen Fiction"Regrets are felt when it's just too late." Cassandra Allia Alcantara. Beautiful, femine, kind. A perfection a man wants to a woman. Masayahin at animoy walang problema. She's married and yes she's happy but not her husband. Cross Calyx Montenero. T...