Chapter 5: Almost

355 5 0
                                    

Cassandra's POV

Hinatid ako sa bahay ni Damon at nagcommute na lang si Kira. Nag insist siya dahil awkward na awkward na daw siya around Damon. Siguro yung nangyari kanina sa boutique. Hindi daw niya inaakala na sinukat din ni Damon yung barong kaya napagkamalan silang mag asawa nung mga tao sa loob ng boutique. Tatanggi na dapat siya pero inunahan na siya ni Damon. Of course nasaktan siya, hindi lang kasi simpleng no. Kung hindi i have a girl. Akala ko nga mag bre breakdown si Kira pero dinaan niya na lang sa pagkain.

Pero kahit hindi niya sabihin, nararamdaman ko na masakit sa part niya yun. Why not? Alam ko dahil nangyari na saakin. Hindi isa kung hindi maraming beses at maraming beses ko ding binalewala kahit ang totoo masakit.

Pumunta kami ni Cross nun sa tagaytay dahil inaya kami ng parents niya pero sa hindi inaasahan nawalan kami ng gas. Nag pagas siya at nung ibinaba niya yung binta ng kotse syempre nakita ako nung gasoline boy. Tinanong niya si Cross kung girlfriend niya daw ba ako. Ang inaasahan kong sagot ay ganito, wife actually. Pero kabaligtaran ang narining ko kung hindi, she's a friend.

Kung umaandar lang yung kotse nung mga oras na yun baka tumalon na ako. Yung kapag nahulog ako amnesia ang aabutin ko para makalimutan ko yung sinabi niya, pero hindi ako tumalon. Bakit? Simple lang. Dahil ayoko pang mamatay. Iuuntog ko na lang ang precious head ko sa pader kaysa sa makipaghalikan sa kalsada. Like eww! May mga dumudura kaya dun.

Atsaka hindi pa ako handa na makipag kamustahan kay kamatayan noh. Unless iremind niya ako sa messenger at sabihing katapusan ko na. Para makapag ayos man lang ako at makapagpaalam sa mother universe.

"Lia, kanina ka pa tahimik." Inabutan ako ni Damon ng juice. Ininom ko tapos ay humarap ako sakanya. Nakaharap kasi ako sa bintana ng sala. "May problema ba? Kung si kuya, uuwi din yun. Baka may inayos lang. Pero i assure you uuwi yun."

Isa pa yang si Cross. Maghahating gabi na wala pa. Buti na lang at nandito si Damon para samahan akong hintayin yung kuya niya. Kailangan ko ng kausap at mababaliw ako kapag inisip ko ng inisip si Cross.

"Alam ko naman yun. Pero change the topic, ayaw mo ba talaga kay Kira? I mean she's beautiful and kind maybe a little crazy but still mabait siya." Pagiiba ko ng topic.

Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Damon at mukhang nagtataka sa tinanong ko. "Lia, theres a difference between being forced and doing it. If I'm really into your friend, I won't hesitate or even waste a time to court her. I mean, yeah she's beautiful but that doesn't mean I'm hooked."

Huminga ako ng malalim bago magsalita pero naunahan ako ni Damon.

"Besides, I'm into someone whom I can't be with." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Can't be with? Ano yun? Este sino yun? Kung sino man siya sana wag niyang sasaktan ang bestfriend kong palaka.

"Sino naman yun aber? Bakit hindi ko alam ha Mr. Montenero?" Sumeryoso bigla yung mukha niya.

"Ika-." Hindi niya na natuloy yung sasabihin niya nang bumukas na ang main door ng bahay. Pumasok si Cross at kagaya dati ay hindi niya ako binati o binalingan ng tingin. Tinawag siya ng kuya ni Damon pero tinanguan niya lang at dumiretso na sa kwarto niya.

Umuwi nga pero parang hindi naman. "Sige alis na ko. Hinahanap na rin ako sigurado ni papa. Kilala mo naman yun, hindi natutulog hanggat hindi natatapos ang trabaho." Nag nod ako at binigyan siya ng ngiti. Sinundan ko siya hangang sa makalabas siya ng bahay. Mukha siyang matamlay kaya napapahinto ako ng lakad. Baka kasi matumba, napagod siguro at nilamon na ng antok ang loko.

Lumingon siya saakin at mukhang may gustong sabihin pero napaturo siya sa hangin at panandalian ma pumikit. "Goodnight."

"Goodnight." Pumasok na siya ng kotse at pinaandar ito kaya binuksan ko ang gate at pinamood ang pag alis niya.

Parehas sila ng kuya niya. Napaka weird, pamysterious ang mga peg. No wonder minahal ko si Cross dahil misteryoso siya, yung parang laging may itinatago. Pero ok lang kahit marami siyang sikreto anng mahalaga mahal namin ang isat isa.

Correction Sandra. Mahal mo siya, hindi ka nga niya mahal diba?

Oo sige na. Hindi na ako mahal ni Cross at kahit kelan ay hindi mangyayari dahil pilit ang lahat. Napilitan siyang magpakasal saakin dahil hindi niya ako mahal. Pinakasalan niya ako dahil sa shares ng kompanya namin, pinakasalan niya ako dahil kailangan kahit ayaw niya, pinakasalan niya ako para makilala ang pangalan niya. Pinakasalan niya ako dahil gusto ng iba. Pinakasalan niya ako kahit na iba ang mahal niya. Sa madaling salita, pinakasalan niya ako dahil sa pera. Happy?

Wag ka na kasing umasa. Bahala ka, inaalala ko lang naman ang puso mong mahina at utak mo na hindi ko alam kung bobo ba o tanga.

Mahina nga ba ito? Tanga nga ba ito? Yan ang mga tanong na tinatanong ko sa konsensiya ko. Minsan nakakaramdam ako ng konsensiya at awa para kay Cross dahil natali siya sa maling relasyon at maling tao. Hindi niya ako mahal, ilang beses kong isiniksik sa utak ko yan. Hindi niya ako mamahalin, ilang beses kong ipinaalala sa puso ko yan. Pero ni isa sakanila hindi sumagot.

Kulang na nga lang pati intestines ko kausapin ko. At sabihin na magugutom ka at titirik ang mga mata mo kakahintay na sabayan ka niya. Ayokong gawin dahil mapagkakamalan akong baliw. Tanga na nga baliw pa.

Dadating ang araw mamahalin mo din ako Cross. Pero yung araw na yun ay yung araw na pabitaw na ako.

Hindi ko alam kung bakit sinabi ko yan. Nahawa na ata ako kay Damon ng pagka weird. Akala ko bacteria lang ang nakakahawa pero pati pala ugali. Bago ako ikasal kay Cross noon may sinabi saakin si mommy. Sa isang lubid kapag dalawa ang nakahawak at nasa baba ang isa habang ang isa naman ay nakahawak sa dulo upang suportahan ang dulo ng lubid para hindi mahulog yung nasa baba syempre hindi mahuhulog yung nasa baba dahil alam niya mahigpit ang hawak nung nasa taas pero once na maramdaman nung nasa baba na pababa siya ng pababa isa langa ng ibig sabihin nun.

Unti unti nang bumibitaw yung nasa taas marahil siguro ay pagod na siya.

Hindi ko nagets yun pero ang sabi niya balang araw maiintindihan ko.



♡~♡~~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡
Vote Comment and Enjoy
-@missX

Just His Wife Where stories live. Discover now