Chapter 1 - In the CR

62.8K 486 20
                                    

Chapter 1- In The C.R

 

Ell POV

Ang saya talaga ng buhay kahit ganito lang kami ka-low class na family kahit hindi kami kumpleto. Kahit simple lang ako manamit at hindi kagandahan.

“Mama!Papa! Papasok na po ako!”sigaw ko palabas ng gate namin,sumakay na ko sa bike kong panahon pa ni kupong kupong kaya konti pagiingat dito dahil baka masira agad.

“Hoy Ellie Louise Lopez!!! ang tanda mo na makakalimutin ka pa rin!”si mama yan nasigaw kaya napatigil ako sa pagpadyak,bungangera yan pero mabait naman.

“Ay mama oo nga noh,hayaan nyo na cute naman ang anak nyo.”sabi ko sa mama ko na kinuha ko na yung lunch box nalimutan ko eh.

“Ay nako naman bata ka,umalis ka na nga!”nginitian ko na lang sya at tinignan pumasok sa loob ng bahay,hayy balang araw mapapagawa ko rin nyang bahay namin.

Nagpadyak na uli ako sa bike papasok na kasi ako sa school namin,malapit na ko grumaduate isang taon na lang sa course na journalism.

Masaya ako sa bahay lalo na sa tatay kong maasikaso at maarugain. Ganun din si mama na kahit bungangera pero alam kong mabait naman.

Lahat na ata na sa kin dahil may pogi akong boyfriend na ang pangalan ay Yohan,alam nyo bang lagi nya kong sinasabihan ng i love you at kinocomfort tuwing may bagsak ako,hindi kasi ako ganon katalino kaya may mga bagsak ako lalo na sa math.

Habang nagba-bike ako naramdaman ko yung cellphone ko na nagvivibrate kaya kinuha ko to at tinignan.

{From: Best Lea

Hoy Best Ell ,Andin2 na me school kaw san kana?}txt nya

{malayo pa me eh.}txt ko naman sa kanya.

Wahaha bilib kayo no nakakapagtxt ako habang nakapagbike,yung nagtext sakin bestfriend ko yan since high school mabait yan at ka-course ko din maasahan yan kaya love na love ko yan eh.

BooG

“ARAYYYYYYYYYYY.”sigaw ko sa sakit,tumalsik kasi ako sa  pagkatilapon ko,hindi ko alam ang nangyare nakita ko na lang na nabanga na ko  at lasog lasog na yung bike ko.

Pero napatigil ako sa pag aray ng makita ko ang laki ng gasgas ng sasakyan na nabangga ko,nakatulala ako habang tinitignan ko yon,mukhang malaki laki ang babayaran ko nito T_T.

Habang tulala ako bigla naman may lumabas sa kotse na nasagasaan ko,oh no kabado ako mukha talagang malaki ang babayaran ko T_T.

(O_O)

Wow ang gwapo ng lolo mo! Ang ganda ng kutis mukhang pang artista.

One Night  With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon