one

16 14 0
                                    

"Hoy. Mag-iingat ka sa lilipatan mo ah. Huwag kang tatanga-tanga roon, Katherine."

Napangiti na lamang ako nang malapad sa tinuran ni Mikoy. Kahit na pabalang niyang sinabi iyon, alam ko naman na konti nalang ay maiiyak na siya sa pag-alis ko. Tss. Ayaw pa umiyak eh, iiyak din naman iyan mamaya.

"Kaming bahala sa prinsesa mo, Mikoy huwag kang mag-alala." Biglang singit ni mama na ngayon ay makahulugan na naman ang tingin sa aming dalawa. Si mama talaga. Pinupush na naman ako sa bestfriend ko.

Lumapit sa akin si Mikoy at ipinatong ang mabigat niyang kamay sa tuktok ng aking ulo. Argh! Ang bigat! Hilig niya talaga akong saktan!

"Ma, last na. Sabihin mo kay nana sama nalang ako sa inyo." Pagmamakaawa niya kay mama ng parang bata kaya hindi ko napigilang hindi matawa nang malakas. Hahahaha! Pabebe, leche.

Sinamaan niya ako ng tingin at mas lalong binigatan yung patong ng kamay niya sa ulo ko kaya naman sinamaan ko na rin siya ng tingin at kinurot sa tagiliran. Bwiset na ito.

Narinig namin ang pagtawa ng nanay ko. "Kung pwede nga lang anak ay isasama rin kita sa Maynila subalit ayaw ng iyong ina e."

Dahil sa sinabing iyon ni mama, mas lalong humaba ang pagnguso ni Mikoy. Dali-dali namang sumilay ang ngiti sa aking labi dahil halatang ayaw niyang maalis ako sa tabi niya.

"Mary, ayusin mo na ang mga gamit mo. Parating na raw si Elias." Napatango na lamang ako at bahagyang nalungkot. Paano ba naman, hudyat na iyon na malapit na naming iwan ang Bicol. Si Kuya Elias ang siyang maghahatid sa amin sa Maynila.

Naramdaman ko rin ang pagbagsal ng balikat ng katabi ko kaya naman wala na akong sinayang na oras at hinatak siya palabas ng bahay namin. Dinala ko siya sa tambayan naming dalawa sa aming bakuran, ang malaking puno kung saan may malaki ring duyan. Dito kami palagi dati pa noong bata kami.

Binitawan ko na siya at lahat-lahat ay wala pa rin siyang kibo. Nakatingin lamang siya sa akin kaya nakipagtitigan din ako. Mula nang ipanganak ako at siya ay konektado na ang aming buhay sapagkat magkakaibigan ang aming mga pamilya. Nakatatawa mang isipin ay sabi ng aming mga magulang, sanggol palang daw kami ay magkasundong-magkasundo na kami ni Miko. Kasama siya. Kaming tatlo noon ang magkakasama.

Ngayong malapit na kaming tumungtong ng huling baitang sa hayskul ay saka pa kami nagkahiwalay ni Miko. Si mama kasi, nakatanggap siya ng magandang trabaho sa Maynila kaya agad niyang sinunggaban. Hindi naman kami kinakapos sa pera dahil andyan naman si ate na nasa ibang bansa para suportahan kami ngunit ang dahilan talaga ni mama sa pagtanggap ng trabaho ay ang kaniyang pangarap. Noon pa man ay gusto na niyang magkaroon ng sariling restaurant pero wala kaming sapat na panustos para maisagawa iyon.

Nakuha si mama na maging manager sa isang restaurant na pagmamay-ari ng kaniyang kaibigan. Ang galing nga eh, napakalaking blessing na non. Subalit ang kapalit noon para sa akin ay ang pag-iwan ko ng buhay ko rito sa Bicol.

"Walang kalimutan, Katherine ah. Simasabi ko sayo. Kapag ako hindi mo na kilala pag nagkita tayo ul------

Pinutol ko na ang kaniyang pagsasalita sa pamamagitan ng pagyakap sa kaniya. Halatang nagulat si Mikoy sa aking ginawa pero kalaunan ay niyakap na rin naman niya ako pabalik. Ngayon lang ako mahihiwalay sa mga kaibigan ko rito, sa mga pamilya kong nandito, at lalo na kay Miko.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pero alam kong dapat lamang ito. Para sa kaligayahan ni mama.

"Teka?! Umiiyak ka ba?!" Sigaw niya sa akin sabay hawak sa aking baba para kilatisin ang aking mukha at doon nga, nakita niya ang mga luhang umaagos mula sa aking mga mata.

Eversince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon