"So, as this will serve as one of your requirements to me sa clearance and your project at the same time, I need you to perform a performance to me. Kayong bahala kung gusto niyo kumanta, sumayaw, o umarte. It's all up to you as long as there is a connection to MAPEH. Are we clear?"
Narinig ko ang ilang reklamo ng mga kaklase namin sa sinabing project ng teacher namin. Para sa akin naman, okay lang. Eh ano kung may project? Kaya nga nagpunta ng school para matutong sumunod at tapusin ang requirements ng school. Hindi na dapat nirereklamuhan ang gano'ng mga bagay.
May isa sa kaklase kong nagtaas ng kamay. "Ma'am by group ba?"
"Nope. By pair. At uunahan ko na kayo, I will choose your partnerings." Sabi ni ma'am at naglabas ng ngiti na tila ba inaasar kami kasi nawalan kami ng freedom mamili ng partner. Inaamin ko, hindi ko rin naman maiwasang hindi kabahan kasi wala pa talaga akong kaclose ng sobra dito sa room.
Ewan ko ba. Lalo ata akong nilayuan ng mga tao dito nung nakita nilang sabay pa kami ni Blaster pumasok ng room. Damang dama ko yung mga masasamang tingin ng mga babae eh. Psh, as if naman nagsabay talaga kaming pumasok. Sadyang nataon lang naman na saktong nagkadikit kami sa doorframe, bwisit.
Naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya naman nilibot ko ang aking paningin. Sinalubong ako ni Terrence ng isang ngiti sabay kindat na siyang ikinairap ko.
Isa pa ito eh. Kaya feeling ko rin lalong walang may gustong kumausap sa akin dahil sa kaniya. Gusto ko lang naman taimtim na makapag-aral jusko.
Sinimulan na ni Ma'am magtawag ng mga partners. Hindi talaga mawawala yung mga magrereklamo once na malaman na nila yung mga partners nila. Uy, medyo offending yung ganun ah. Kaya ako shut up lang ako madalas kahit ayoko sa partner ko eh.
Ayoko kasing ipinaparamdam sa isang tao na ayoko sa kanya. Kumbaga, I dont want a person to feel unwanted. Ang sakit lang kasi nun.
Teka nga Mary, ano ba pinaglalaban mo? Psh.
"Tan at saka..." Inilibot ni maam ang tingin niya at hindi ko alam pero kinabahan ako lalo na nung sa akin bumagsak ang mata niya.
"Ikaw na lang, Miss Torres." Bago ko pa man makagat ang labi ko ay nabaling ang atensyon naming lahat kay Blaster na biglang napatayo at napapalo sa kanyang lamesa.
Anong... ginagawa niya??
Damang-dama namin ang katahimikan at kaawkwardan dahil sa biglang eksena ni Blaster. Bakit ang sama ng tingin niya kay Ma'am Fuentes?
Si maam naman, nakangisi sa kaniya... close sila?
"Yes, Silonga?" Sambit ni maam.
"May I go out, Ma'am?" Mariin nitong sagot pabalik habang matalim pa rin ang titig kay Ma'am. Hindi ko maiwasang magtaka. Anong meron sa kanila?
Nang tumango ang aming guro, dali-daling lumabas ito. Kami naman, halos nanonood lang sa pangyayaring naganap.
"Wait. I think ikaw nalang ang partner ni Terrence, Mia. And as for you Mary, kayo nalang ni Blaster." Biglang bawi nito sa kaniyang pasya kaya naguguluhan man, napatango nalang ako.
Mas lalo lang akong nalito nang makita ko ang mapaglarong ngisi sa kaniyang bibig.
♠
"Mary! Sabay ka sa'min?"
Hindi ko naiwasang maipatong ang aking kamay sa aking dibdib. "Hindi mo naman kailangan manggulat Zild." Sabi ko sabay tawa kaya tumawa nalang din siya at napahawak sa kulot niyang buhok.

BINABASA MO ANG
Eversince
FanfictionEversince her life began, they are already connected. Eversince her world started revolving, they are already intertwined. Eversince her destiny played its part, her heart already knows its destination. And when fate comes in, it can't be taken...