Terrified--- ayun ang tamang deskripsyon sa akin ngayon. Ni hindi ko magawang tumingin sa mga mata ng ibang taong nakakasalamuha ko, lalo na at nasa iisang kwarto ako kasama siya.
"Ang tahimik nung transferree.."
"Idiot. Of course, tahimik sa simula iyan."
"You know what? She's pretty. But looks too innocent."
Uh... ako ba iyong pinag-uusapan nila?
"I'll go bet on it. Terrence would go and flirt with her."
"What the heck? Of course he'll do! That man's toys are girls, you know."
Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan pinagsasabi nila. Base sa narinig ko, Terrence-- isa siyang playboy (?) Baka. Ayoko naman magjudge. At saka ang dami kong dapat isipin kaysa sa narinig ko sa mga babaeng iyon.
Hindi ko na alam kung ilang beses akong napabuntong-hininga ngayong araw. Hindi pa nagsisimula ang klase pero kanina pa ako naisstress.
Akala ko pa naman kasi... kakausapin na ako ni Blaster. Kaso wala, eh. Wala.
Muli ko siyang tinignan, umaasang nakatingin siya kahit papano. Pero mali na naman ako. Busy lamang siya sa masayang pakikipag-usap sa kaibigan niya. Pakiramdam ko'y maluluha ako kaya naman tinigilan ko na ang pagtingin sa kaniya.
Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang lapitan at tanungin kung ano iyong problema... kung bakit ayaw niya akong alalahanin. O kung bakit ni ayaw akong tignan.
Gano'n na ba niya ako kagustong kalimutan? Pero bakit? Wala naman akong ginawa sa kaniya. Siya nga iyong umalis sa probinsya nang hindi nagpapaalam. Tapos siya pa 'yang gaganyan ngayon?
"Where's the transferee?"
Nabalik ako sa realidad nang tawagin ako ng guro. Ni hindi ko namalayan na nakapasok na pala ito sa room namin.
At ngayon, lahat na naman sila nakatingin sa akin.
"Ma'am." Sabi ko sabay taas ng aking kanang kamay. Okay kalma, Mary. Kaya mo 'to.
Kung wala na talaga si Blaster sa mundo mo, edi hayaan mo siya. Hindi mo ugaling ipagpilitan ang sarili mo. Okay? Okay.
"Please introduce yourself here in front, miss." Sabi nito sa akin sabay bigay ng isang matamis na ngiti. Bilang ganti ay nginitian ko rin ito at tumayo para pumunta sa harapan.
Bago pa man ako magsalita, natanaw ko na siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon na tinititigan na niya talaga ako. Yung tinging blanko ang ekspresyon.
"Mary Katherine Torres." Pagbanggit ko ng aking pangalan, sabay ngiti sa kanilang lahat.
Ibinaling ko ang aking paningin at binigyan si Blaster ng isang ngiti.
♠
Inaayos ko na ang aking gamit para sana ilocker ang mga ito dahil lunch break na namin. So far, maayos naman na ako. Hindi ko na lang pinapansin si Blaster.
Kaninang umaga, halos ayaw niyang mapadpad sa akin iyong paningin niya. Pero maya-maya, ilang beses ko naman nakitang nakatingin sa akin. Ang gulo niya talaga kahit kailan, nakakainis.
"Hi!"
Itinaas ko ang aking ulo at nakita ang isang gwapong lalake na nakangiti sa aking harapan. Hindi ko naman ikakaila na may itsura talaga siya at mukha pang mayaman.

BINABASA MO ANG
Eversince
FanfictionEversince her life began, they are already connected. Eversince her world started revolving, they are already intertwined. Eversince her destiny played its part, her heart already knows its destination. And when fate comes in, it can't be taken...