two

19 16 2
                                    

Feeling ko lang pala maeenjoy ko. Hay.

Isang linggo na rin nang marating namin ni mama ang Maynila. Noong isang araw rin ay nagsimula na siyang magtrabaho sa restaurant na pinapasukan niya.

Isang linggo na rin akong tambay sa magandang bahay na ito. Jusko. Namimiss ko na ang buhay ko sa Bicol!!!

Tanging ang tunog lamang ng tv ang siyang nagsisilbing ingay sa bahay na ito. Bored akong nakahiga sa malambot na sofa na ito habang nakatulala lamang sa kisame. Ang aksayado ko sa kuryente kaso kung papatayin ko naman ang telebisyon ay masyado na talagang tahimik. Mag-isa na nga ako dito oh, tanging tv na lang karamay ko.

Naalala ko, ano kayang balak ni mama para sa pag-aaral ko? Nasa kalagitnaan na kasi ng klase nang umalis ako sa luma kong paaralan. Ang hirap pa naman ng ganung sitwasyon, lalo na at eto pa lamang ang unang beses na lilipat ako sa eskwelahan.

Pasado ala-una na pero hindi pa rin ako kumakain. Wala lang, wala akong gana. Isa pa, hindi ako sanay kumain mag-isa e. Sa Bicol sabay-sabay kaming lahat pati na ng mga kapitbahay kasi dalawa lang naman kami ni mama sa bahay namin doon.

Naalala ko na naman si Mikoy... hay. Kumusta na kaya yun? May pasok yun ngayon e. Sana naman umayos na siya sa pag-aaral. Medyo bulakbol kasi iyon e. Pasaway. Magagalit sa kaniya si nana kapag hindi siya nag-ayos sa pag-aaral niya.

Busy ako sa pag-iisip nang biglang kumulo ang aking tiyan. Wow. Wala nga akong gana e. Nakakainis, ayaw makisama ng tiyan ko. Argh.

Marami naman nang nakahandang pagkain dito sa bahay ngunit mas pinili ko na lamang magbihis at kuhain ang aking wallet para lumabas. Doon na lamang ako sa convenience store na malapit, para atleast may ibang tao na nandoon din.

Simpleng short at blouse lamang ang sinuot ko. Naisip ko kasi nakakahiya kung nakapalda pa rin ako eh yung mga taong nakakasalubong ko nga rito mga nakapormal na damit pa. Hindi naman sa ikinakahiya ko ang kinalakhan kong kultura, minsan kailangan nating makibagay sa ating kapaligiran.

"Omg girl! IV of Spades will have a gig later at The Base!!" 

"Shit. Hindi nga?! Shit, shit!! I need to be there whatever happens, girl!"

Bahagyang napataas ang aking dalawang kilay sa narinig ko sa mga babaeng kasabay ko sa elevator ngayon. IV of Spades?? Ano yun?

Ah, nga pala. Medyo sanay na rin ako sa elevator na ito! Haha! Ang saya. Hindi na ako tinatawanan nila mama o kuya Elias sa tuwing sasakay kami. Ha! Syempre! Sayang ang pagpanik-panaob ko rito nung isang araw para magpraktis masanay, ano. Hehehe.

Ang convenience store ay medyo malayo sa building namin kaya nilakad ko pa ito kahit medyo mainit. Ayos lang naman sa akin, sanay naman ako sa init.

Habang binabagtas ang daan tungo sa aking destinasyon ay hindi ko naiwasang mamangha sa itsura ng Maynila. Tama nga sila, napakabusy ng lugar na ito. Buhay na buhay. Sa bawat paglingon mo sa paligid ay may mga tao kang masasalubong, hindi lang basta tao kundi mga halatang mayayaman lalo na sa itsura ng kanilang pananamit. Isama mo pa ang naggagandahang mga kotse at imprastraktura.

Sobrang laki ng kaibahan sa aming probinsya dahil doon, puro palayan o di kaya'y mga puno ang iyong makikita. Bilang lang ang lugar na matao gaya ng bayan. Pero ang isang bagay na maganda sa probinsya?

Ang samahan. Sa probinsya ako nagkaroon ng mga kaibigang tunay.

Dinampot ko ang cup noodles sa istante at kumuha na rin ako ng mogu-mogu. Paborito ko kasi ang dalawang ito mula noon pang bata ako. Mabubuhay na akong kumakain lamang ng noodles araw-araw kaso nga lang, hindi iyon healthy kaya pinagagalitan ako ni mama.

Nang mabayaran ko na ang aking pagkain ay agad akong umupo sa isa sa mga lamesang nakalatag doon. Mula sa aking pwesto ay tanaw na tanaw pa rin ang buong kapaligaran--teka..

Pinanliit ko ang aking mata para maaninag kung tama ba yung nakikita ko mula sa kabilang lamesa. Nang mapansin kong may tumulong makinang na likido mula sa mukha ng lalake kahit na nakatingala ito ay nakumpirma ko ang aking hinala-umiiyak yung lalake.

Hindi naman sa ngayon lang ako nakakita ng lalakeng umiiyak pero, ewan ko ba. Ayokong makakita ng umiiyak. Ayoko.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko siya kilala at ganoon din siya. Hindi rin naman ito gaya ng probinsya na pwede mong lapitan kahit na sino dahil halos kakilala mo lang. Baka isipin pa ng lalake, pakielamera ako.

Pinilit kong huwag siyang tignan at nagfocus sa aking pagkain. Okay lang iyan, Kath. Huwag mo nalang tignan, isipin mo nalang itong noodles mong lalamig na..

Kaso shet! Nangangalay na rin ako para sa kaniya! Kanina pa sya nakatingala doon oh! Pinagtitinginan na nga rin siya. Feeling ko gusto niya kasing pahintuin iyong pag iyak niya kaya siya nakaganon pero kahit na! Ugh. Ano bang ginagawa ko sa sarili ko? Naiistress ako para sa iba, tss.

Kaya para naman matapos na 'to, nilapitan ko na siya bitbit iyong mogu-mogu ko. Medyo nanghihinayang ako kasi gusto ko na inumin iyon pero yaan na, bibili nalang ako bago.

Ibinagsak ko iyon sa mesa ng lalaki at ibinigay rin ang panyo ko sa kaniya. Nakita ko kung paano niya unti-unting tinignan ang ginagawa ko. Shet.

Bumaba ang tingin niya sa panyo. Napalunok ako kasi-- ugh! Nataon pang pink iyong panyo na nadampot ko kanina sa closet! Kainis! Baka ayaw niya sa pink??

Napakamot nalang ako sa ulo at awkward na ngumiti sa kaniya. "Sorry kung pink hehe."

Pero tinignan niya lang ako.

"Ano... kasi. Nakita kita mula doon tapos.. ano. Nakita ko na umiiyak ka." Medyo nag-aalinlangan pa ako sa mga salita ko kasi nga baka mainis ko siya o ano e. Mahirap na.

Nakita ko kung paano mas lumalim ang titig niya sa akin kaya naman muli akong napalunok. Bakit ba ganito tumingin ang taong ito?! Nakakakaba!

Napabuntong-hininga ulit ako. "Ayoko lang kasing makakita ng taong umiiyak. Sorry kung ang pakielamera ko." Saad ko sabay bigay sa kaniya ng isang malungkot na ngiti.

Inabot ko nang muli ang mogu ko sa kaniya. "Inumin mo 'to oh. Kapag naiiyak ako, iinom lang ako niyan. Fortunately, nakakatulong." Sabi kong muli sabay tawa ng mahina.

Nahihiya na ako sa pinaggagagawa ko kaya naman nginitian ko nalang siya at nilisan na ang lugar na iyon. Bwisit. Mamaya nalang nga ako kakain uli! Siguro naman wala na iyong lalakeng iyon mamaya. Huhuhu, nakakahiya ka Mary!


Unique's POV

Napatulala na lamang ako sa panyo at mogu-mogu na nasa harapan ko. Natigil na rin ako sa pag-iyak, bagay na ikinasaya ko kahit papano.

Kahit ano kasing gawin ko kanina, hindi ko kayang hindi maiyak. Tangina. Labo.

Buti nalang pala nilapitan ako ng weird na babaeng iyon at saka inabutan ako ng mga ganito. Dahil sa kaweirdohang ginawa niya, natigil ako. Hindi ko napigilang hindi mangiti at nalipat ang tingin sa nilakaran nung babae kanina.

Kilala kaya niya ako? Kung kilala niya ako, edi sana nanghingi na siya ng autograph o papicture diba?

Baka nga hindi niya ako kilala.

Napangiti na lamang ako at ininom ang mogu-mogu na ibinigay niya.

Eversince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon