three

16 14 0
                                    

"Gumising ka na riyan, Mary. Aalis tayo."

Nang marinig ako ang salitang aalis, agad akong napabangon sa kama ko. Hala! Aalis daw! Woop! Nung nakaraan pa ako kating-kati umalis sa lugar na ito!

"Ma! Wala kang pasok? Saka saan tayo pupunta??"

Nakita ko kung paano natawa si mama sa eagerness sa boses ko. "Day off ko tuwing biyernes, anak. At saka pupunta tayo sa eskwelahan."

Sa sinabi niyang iyon, napanganga ako ng bahagya. E-eskwelahan?? Mag-aaral na ulit ako?!

"Sayang naman kasi kung matitigil ka ng isang taon para lamang sa paglipat natin kaya naman naisip kong ihabol ka nalang. Tutal tutulungan naman tayo ng kaibigan ko sa eskwelahang papasukan mo." Paliwanag ni mama habang nagmemake-up. Napansin ko na ang ganda rin ng porma niya ngayon, parang yung mga nakakasalubong ko lang sa lobby ng condo na ito. Wow, bilis um-adapt ni mama sa environment ah.

Napakagat ako sa aking labi habang nag-iisip ng mga possibilities sa bago kong school. Kinakabahan ako na ewan! Syempre, panibagong mga tao makakasalamuha ko. Jusko. May magiging kaibigan kaya ako?

Nang makita ako ni mama noong pagbaba ko ay nakita ko ang pagngiwi sa mukha niya. Nakunot ang aking noo. Grabe 'tong nanay ko kung makangiwi, ah. Na-concious tuloy ako sa suot ko.

Pantalon at blouse naman ito ah? Muntik na nga akong magpaldang mahaba kanina kaso buti nalang hindi ko tinuloy. Hehe.

"Anak, wala ka manlang bang namanang fashion sense sa nanay mo?" Sarkastiko niyang saad sa akin. Napabuga nalang ako ng hangin sa kawalan. Kasalanan ko ba kung mukhang wala ata?

Hinatak niya ako papasok sa kwarto niya at may dinampot sa closet na isang paper bag. Ibinato sa akin iyon ni mama at laking gulat ko nang makakita ng isang black off-shoulder dress doon. Wow... ang ganda nung damit.

"Grabe, ma. Bilib na talaga ako sa sense mo. Pero, isusuot mo itong ganito sa trabaho mo?" Ganito na rin pala usong damitan ng mga manager??

Natigil ang aking pagkamangha nang bigla akong binatukan ni mama. Aray ah, shet.

"Gaga. Ikaw kase magsusuot diba? Nako, iba talaga tama mo sa umaga. Magbihis ka na nga bago pa kita mabatukan diyan!"

Napanguso na lamang ako at umakyat ng muli habang hawak-hawak ang damit.

Mabilis lang din namin narating ang unibersidad na sinasabi ng aking ina. Nabasa ko kanina ang pangalan nito--- St. Anne's Academy. Labas palang, napakaganda na ng dating. Paano pa kaya sa loob?

Hindi ko naiwasang hindi mapayuko dahil nararamdaman kong ang daming nakatingin sa amin lalo na at madadaanan ata ang green field bago marating ang office. Wala namang naglalaro sa field, sadyang matao lang. Baka break ng mga estudyante ngayon.

Hindi ko na lamang sila pinansin dahil namalayan ko na lamang na nakaupo na kami sa harapan ng principal ngayon. Hindi naman talaga sana ako magugulat, eh. Kaso---

"Naks. Ang ganda pala talaga ng anak mo, Grace."

"Parang ngayon mo lang nalaman na maganda anak ko, ah?"

Oh, geez... CLOSE SI MAMA SAKA YUNG PRINCIPAL NG SCHOOL NA ITO?! wait, wait naloloka ako!!

Tumawa yung lalake at saka ibinaling sa akin ang kanyang atensyon. Hindi ko naman napigilang hindi manlaki ang mata kase.... WAAAH! ANG GWAPO NAMAN! Jusko.

Eversince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon