five

10 16 0
                                    

"Umupo ka na."

Natigil lamang ang titigan namin nang nagsalitang muli yung lalakeng humatak sa akin papunta dito. Tingin ko, Unique ang pangalan niya.

Apat silang nandito sa lamesa na ito. Yung dalawa kaklase ko na, isa na lang yung hindi ko talaga kilala pa. At feeling ko, mabait naman siya kasi kanina pa siya nakangiti sa akin. Kaya nginitian ko rin.

"Wow, Koi. Ano nakain mo ngayon at mukhang mabait ka?" Salita nung mukhang mabait. Tahimik lamang ako at nagsisimula nang buksan iyong pagkaing niluto ni mama para sa akin.

Nagtataka ako kanina pa kasi parang ang laki ng laman ng lunch bag ko. Alam naman ni mama na konti lang ako kumain eh.

Pero nawala lahat ng pagtataka kong iyon noong nakita ko ang isa pang lunch tupperware kasama ang isang note.

Nak, bigay mo kay Blaster yung isa. Iyan ang paborito niya kaya malamang hindi niya iyan tatanggihan.

Bahagya akong napangisi. Paano ko naman 'to ibibigay sa kanya? Hindi naman niya ako kinakausap--at mukhang wala naman talaga siyang balak kausapin ako.

Sinilip ko yung laman, lasagna. Favorite nga ni Blas...

Kaso paano ko nga 'to ibibigay?

Tumunog ang phone na ibinigay sa akin ni mama kanina. Oo, binigyan na niya ako. Ngayon lang ako nagkaphone kasi hindi ko naman kailangan noon sa probinsya. Palagi lang naman sila Mikoy at mga kaibigan ko ang kasama ko. Hindi kami palatelepono, puro kami gala. Ahahaha.

At parang narinig niya ang tanong sa utak ko dahil sinend lang naman niya sa akin ang number ng magaling kong kababata. Wow, ang talino ni mama talaga. Hindi ko mareach.

"Bili lang ako pagkain."

Bigla akong naalarma noong paalis na si Blaster sa upuan niya para bumili ng pagkain. Hala! Sayang hindi pwede!

Kaya naman dali-dali ko siyang tinext. Natypo pa nga ako!

Dinalhan ka ni mama ng pgkain.

Kulang nalang ay masapo ko ang aking palad sa aking mukha. Nakakahiya. Halatang nagmadali ako itext siya dahil may typo pa. Ugh. Baka kung ano naman isipin nun.

Pasikreto ko siyang sinundan ng tingin sa linya ng mga bumibili. Kitang-kita ko kung paano niya kinuha iyong phone niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Bwisit, Mary! 'Wag ka nga kabahan, pwede ba?!

At alam kong nabasa na niya ang text ko noong nilingon niya ang aking pwesto kaya naman dali-dali akong lumihis ng tingin. Nahuli ka, Mary.

Pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin siya bumabalik sa pwesto niya kaya naman tinignan ko itong muli. Leche! Hindi pinansin yung text ko!

Yung lasagna to na favorite mo.

Pagkasend, tinignan ko siyang muli na hindi na naman pinansin yung text ko. Nagsisimula na akong mainis.

Okay lang naman kung sa akin lang siya mag-inarte kahit wala akong ginagawa pero yuny kalimutan din niya yung nanay ko na parang naging nanay na niya rin?! Ugh, Blaster Silonga! Iniinis niya ako!!

Kung may problema ka sakin, wag mo idamay yung samahan niyo ni mama. Umayos ka, Blaster.

"Okay ka lang?"

Nagulat pa ako nang bahagya noong tinanong ako ng lalake sa tabi ko--ni Unique. Tinanguan ko na lamang siya at pinilit kumain.

Bahala siya. Kung ayaw niya nito, edi huwag.

Eversince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon